Chapter 28

37 5 1
                                    

Chapter 28

Salitan na kami sa biyahe ni Art. Ayaw pa sana niya pero sinabi ko baka makalimutan ko na mag-drive kapag hindi niya ako hayaan, kaya naman sa NLEX ay ako ang nagmaneho ng mahigit tatlong oras tapos siya ulit nagtuloy noong lumabas na kami sa La Union.

Noong nasa shotgun seat na ako ay nag-phone na lang ako. Ni-connect ko ito sa bluetooth ng sasakyan at nagpatugtog ng music para hindi boring ang biyahe. Napansin ko na sabog na naman ang notifications ko sa mga social media accounts ko kaya ni-check ko. Hindi pa kasi ako nag-online simula noong art exhibit.

Doon ko lang napansin na trending at usapan ang art exhibit ko kahapon. Marami kasing socialites at mga sikat na public figure ang dumalo pala. Pero wala ako masyadong kakilala sa kanila, siguro dahil na rin sa malawak na network ni Art kaya ganoon na lang ang mga bisita. Naisip ko na kung 'di ko nakikala itong si Art, wala ako ngayon sa lugar na ito.

I guess this is also the sad reality when it comes to art in the Philippines. Unless you are a prominent figure, or you come from a wealthy family, no one would care about your art or appreciate your work. You really need connections and network if you want to survive. Though I'm not saying this is true for all, but it is the most typical context that artists here experience, kaya maraming nangingibang bansa dahil mas na-appreciate doon ang art industry.

There were so many people praising me about my work, but there were also other people who felt the opposite. Sinasabi na ginagamit ko lang ang kasikatan ni Art para sa sarili. Na oportunista ako. Sabit lang sa pangalan ng iba. Walang talento.

As I kept on scrolling, nawala ang kasiyahan ko at napalitan ng lungkot... May lumabas pa na mga litrato mula sa unang art exhibit ko noon, walang mga tao, pero may stickman na drawing ng mga tao na ginuhit pa para gawing mas katatawanan.

There were mixed reactions, some people defended me, and some didn't.

Some even said I seduced Art when he was here, kaya ganoon na lang niya kabilis palitan si Cheska. Iyon yong mga die-hard fans ng love team nila at 'di maka-move on. May mga fans din nila ni Natasha, nagsanib pwersa ata at pinagkaisahan ako online.

Napakagat ako ng babang-labi para pigilan ang mga luhang nagbabanta. Ang mas dumurog sa puso ko ay ang mabasa ko ang post ni Ate Viktoria.

Viktoria Tuazon-Alcantara
2 hours ago

Hindi na nahiya! Naglayas at kinalimutan ang pamilya para sa lalaki. Grabe!

Iniwan ang mga magulang. Hindi na naawa sa nanay na baldado at sa tatay na hindi na rin makapaghanap-buhay.

Hindi na rin naawa sa kaniyang Tita na isang senior citizen din.

Siya ang mas biniyayaan, pero makasarili.

Naiwan sa amin ni Daniel ang lahat ng responsibilidad. May sanggol pa kami at pinag-aaral sa kolehiyo. Ang hirap, pero kakayanin!

Makikita namin sa TV, nandoon na pala! Sige. Masaya ka eh. Support pa rin kaming mga iniwan mo kahit ganito ang ginawa mo sa amin. Mahal na mahal ka pa rin namin kahit kinalimutan mo kami para sa isang lalaki. Sana hindi kayo maghiwalay. Good luck sa career mo!

👍 34K        💬 3.8K          19K shares

Kasama ng post ay ang family picture namin, kompleto kami roon, at na-edit para may bilog sa mukha ko para alam ng mga tao na ako ang tinutukoy. I checked the comments, sobrang sakit ng mga sinasabi ng mga tao sa akin, mga hindi ko kilala at walang alam sa buhay ko.

Sabi na e may baho rin iyan.

Mukhang anghel, pero demonyo!

Ang lala pala hahaha.

Drawn by DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon