Chapter 19

54 5 3
                                    

Chapter 19

I called Art right after I stormed off to my room, siguro nagda-drive pa iyon pauwi sa San Juan, but I wanted to try my shot. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag wala akong makausap. Hindi ko naman pwede tawagan si Earl dahil may klase iyon.

Bigla kong pinagsisihan ang huling sinabi ko sa kanila nang mag-isa na ako. Nadala lang ako ng emosyon. Pero totoo naman na nasasakal na ako sa kanila at ayaw ko muna silang makita. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw... Ninakawan na nga ako, sinaktan pa ako emotionally and physically.

"Hello?" Bungad ni Art sa kabilang linya.

"A-Asan ka?"

"Sa kanto sa inyo." Agad na sagot naman niya sa akin.

I gasped, "b-bakit? Ano ang ginagawa mo riyan? Hindi ka pa umuwi?" Ngayon ko lang napansin na medyo paos na pala ako dala ng pagsisigaw ko kanina sa baba. I was thankful my family just let me be. I had no more energy to talk or argue to them. Nakaka-drain sila.

"I had a feeling you'd call me right away. I was just waiting." Seryoso ang kaniyang tinig, "how was it?"

"Disaster... I think I'm homeless now." I shyly said. "It's good, I guess? Since I don't want to see them for now." Masyado nila akong nasaktan ngayon. Masyadong mabigat ang loob ko sa kanila. Hindi ko alam kung babalik pa ba ang dating tingin ko sa kanila. After all the things I sacrificed and have given them, ito ang matatanggap ko. Kahit mahal mo sila, mauubos ka rin.

"You helped me a lot, Dawn, it's my turn to do the same." Bigla niyang sinabi, narinig ko pa ang pag-andar ng makina mula sa background niya, "balik ako dyan."

"Ano gagawin mo?"

"Help you pack up?" Hindi siguradong sagot niya na naging tanong din, "we have an extra room at home."

"N-No... Nakakahiya sa inyo. I don't want to impose."

"Huwag ka mahiya, for sure matutuwa pa sila Lola kapag sa amin ka muna tumira... Palamig ka rin ng ulo, or something." Alok niya. "Don't worry, you are always welcome to stay with us."

I smiled, assured.

"Sige... Sa labas ka na lang maghintay." Ayokong ma-issue na naman sa mga tao rito. "I'll be quick."

I was organized that's why it wasn't that hard, kinuha ko na lang ang maleta ko at nagtapon doon ng mga nakatuping damit. May pangbahay, pang-hosting, at panglabas. A few sandals and stilettos, and other essentials. Kung may kailanganin man ako na naiwan, kakausapin ko na lang si Earl.

Kinuha ko rin si Berde at ang kaniyang mini-enclosure. I saw Art park his car outside our gate through my room's window. Hindi na siya nag-abalang bumusina pa dahil magka-call lang naman kami, sinabi na lang niya na nasa harap na siya. Dali naman akong bumaba habang hila-hila ang maleta. Sa bawat pagbagsak ng wheels nito sa hagdan ay nagkakaroon ng kalabog.

Nandoon pa rin sila sa salas at mukhang tinuloy ang bonding na parang walang nangyari. I guess that's how little I meant for them. Akala ko nga susuyuin nila ako, kahit man na ayaw ko pa silang makausap muna o makita, isang sorry at suyo lang naman nila magiging okay din ako. But I guess not. Para rin akong tanga na nag-expect sa kanila.

Si Papa ay humarang sa daan. Bigla kong naalala ang kaniyang ginawang pagsampal sa akin kanina. Doon din ako nagising eh... Hinayaan kang din ni Mama.

"Kung aalis ka, paano kami?" Seryosong tanong niya. Tahimik lang silang lahat.

"Ano ang pake ko, 'Pa?" My voice was unusually cold, I just glared at my father who never really acted like it once, bumilis na naman ang tibok ng aking puso. His eyes simply darkened, and there was something else... fear. Sino na ang bubuhay sa kanila? Iyon siguro ang iniisip niya. Wala na akong pake. Si Earl na lang ang papadalhan ko.

Drawn by DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon