Chapter 6

66 6 1
                                    

Chapter 6

Ako na naghugas ng mga nagamit na pinggan at kubyertos. Aangal nga si Art dahil bisita naman daw ako pero sinuway ko rin siya at wala naman akong gagawin. Nilagay naman niya sa tupperware ang mga natirang ulam at pinalamig sa ref. Sina Lolo Orsini at Lola Desiree naman ay tumungo muna sa kanilang kuwarto para magpahinga.

Napag-usapan namin na maya-maya na lang ako kukuha ng picture na pagbabasehan ko sa painting. Noong tinanong ko sila kung ayaw ba nila ang family portrait na printed at ipapa-frame na lang dahil iyon ang mas uso ngayon at mas makakamura pa, sinabi naman ni Art na ang kaniyang lolo't lola ay mga old souls at old-fashioned couple. Mas na-a-appreciate daw nila kapag napinta, kaya sobra na lang daw silang nainggit noon sa regalo ko kila Ma'am Candice. Naging mahaba rin ang kwentuhan, at marami akong impormasyon na nakalap.

Magkababata raw sina Lolo Orsini Deogracia at Lola Desiree Santos. Laging naiiwan mag-isa sa kanilang bahay-kubo si Lolo Orsini dahil mga magsasaka ang mga magulang at siya raw ay nahihilo kapag matagal na nababad sa araw. Si Lola Desiree naman ay dumadalaw sa kaniya dahil magkalapit lang ang bahay nila at may dala lagi itong kakanin, at naglalaro sila ng lutu-lutuan at iba pa. Sabay silang lumaki at halos magkadikit sa lahat ng bagay, kaya naman inaasar sila lagi ng mga tao na magkapatid, at laging napipikon si Lolo Orsini dahil ayaw daw niya.

Iyon pala ay matagal nang may lihim na pagtingin si Lolo Orsini kay Lola Desiree. Hindi raw niya alam paano nagsimula, basta bigla na lang siyang nagandahan sa dating dalaga, lalo noong lumaki na sila at pinagluluto siya ni Lola Desiree. Nang may nagtangkang manligaw na iba kay Lola ay binakuran agad niya ito. Dahil doon ay umamin din si Lola Desiree sa binatang kababata niya't matalik na kaibigan. Doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan, ngunit niklaro naman ni Lolo Orsini na bago pa man maging sila, tila minahal na nila ang isa't isa. Pinapakiramdaman lang talaga ang isa't isa dahil nandoon din ang takot na baka masira ang pagkakaibiganan.

"Mabuti at sumugal ako." Ngumiti si Lolo Orsini, tumingin siya kay Lola at nandoon pa rin sa mata ni Lolo ang bakas ng pagmamahal na buo. "Hayop na Tiburcio iyon, magtatangka pa sa iyo."

Tumawa si Lola, "galit na galit ka pa rin sa kaniya. Ang tagal na noon."

Naiinggit lang ako sa kanilang samahan, sobrang tagal na panahon din ng 60 years na pagsasama nila bilang mag-asawa, pero matagal din ang 10 years na sabay silang lumaki dahil ito ang mga taong kinilala rin nila ang isa't isa.

Wala silang ka-ideya sa surpresa na hinahanda namin ng kanilang matipunong apo. Iniisip ko pa lang magiging reaksyon nila next month ay parang natutunaw na ang puso ko.

"Apo," lumabas si Lola Desiree sa kanilang kuwarto at tumungo rito sa salas kung saan kami nagpapahinga ni Art. My heart felt warm because of how she called me. Ganito pala pakiramdam ng may Lola. Nakaayos na siya ngayon at nakabihis ng pastel green na bestida na may mga bulaklak at dahon na disenyo. Mahaba rin ang manggas nito. "Pabatahin mo kami ng Lolo Orsini mo, ah?"

Tumawa ako nang marahan. "Susubukan ko po."

Sumunod si Lolo Orsini na pinupunasan ngayon ang salamin at saka ito sinuot. "Saan tayo kukuha ng litrato?" Tanong niya.

Suot niya rin ngayon ang itim na top hat na gamit niya sa wedding party noon. Ngayon ko lang napansin na may kulay gintong ribbon itong nakapalibot sa taas na bahagi ng sumbrero niya. Naka-puting long sleeve naman siya na naka-tuck in sa khaki pants. Si Art naman ay nakabihis na rin kanina pa. Nakasuot siya ng itim na pantalon at puting barong—he looked so fine and divine. Inayos din niya ang kaniyang buhok.

The three looked good together as a family, kahit hindi pa sila nakapwesto ay alam ko na iyon. "Sa harap ng bahay, maganda ata lighting doon, Lolo." I suggested and they agreed. Lumabas kami papunta sa veranda sa harap. Si Art naman ay nagbuhat ng dalawang wooden chair mula sa silid-kainan sa loob at doon pinaupo ang Lolo't Lola matapos makahanap ng magandang pwesto. Tumayo si Art sa likod nila matapos silang alalayan sa pag-upo.

Drawn by DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon