Chapter 7

72 6 53
                                    

Chapter 7

Hinatid ako ni Art sa Resort Hall kung saan gaganapin ang debut, nakalubog na ang araw at medyo madilim na rin. Mabuti nga at nabuksan ang mga fairy lights sa paligid. Siya ang nagbitbit din sa aking bag, I protested at first but he said it's okay. Sobrang gentleman niya. It was 6:30 PM, nag-alok din siya na kumain muna kami ng hapunan since mamayang 8 pa naman ang event, pero sinabi ko naman na busog pa ako dahil kakameryenda lang naman namin. Sa debut na lang din ako kakain mamaya para tipid din sa gastos.

Ang venue ay isang malaking hall at open space ito. Mahangin naman ang lugar at malamig din kaya hindi na problema pa ang ventilation. Sa mga sandaling ito ay dinedekorasyunan pa ang malawak na silid at inaayos ang sound system. I sent a message to Summer informing her that I'm already here. Nag-reply naman agad siya at sinabi niyang nasa cottages sila ng family niya at naghahanda rin sila. She sent a picture of herself beside Autumn, the debutant, ongoing ang pagmake-up at pag-ayos sa kaniyang buhok. Samantalang si Summer naman ay may curlers lang na nasa buhok.

"Thank you, Art, uuwi ka na ba?" I asked. Inabot niya sa akin ang aking bag. Nasa entrada kami ng open hall, at alam naming pareho ni Art na kapag tumuloy pa siya ay baka may makakilala na naman sa kaniya at kung ano pa ulit mangyari.

Hindi siya umimik. After a few seconds, he decided. "Yes."

I smiled, "thanks for the company... I appreciate."

"Likewise, Dawn." He grinned. "Ingat ka sa pag-uwi mamaya, okay?"

"Yes, I will."

Nagpaalam na siya at umalis. Naiwan naman akong nasa isa sa mga bakanteng mesa sa paranimpo. Pinagmasdan ko lang ang mga tauhan na ayusin ang silid. The place seemed magical with each passing minute as everything is put into place. There were several pillars with flower arrangements on top. The ceiling was decorated with led lights, natakpan ito ng mga nagmistulang ulap na mga kapas, para tuloy himpapawid ang dingding. There were disco balls set too, and a few spotlights kaya naman maaliwalas ang hall kahit gabi na.

Ang bawat upuan at mesa naman ay natakpan din ng puting tela at may mga flower vases na nilagay sa gitna. May projector sa gitna, sa may mini-stage, kung saan makikita ang nakasulat na 'Autumn Shine Beltran @ 18". I checked my phone's time, may isang oras pa.

Umupo na lang ako at nag-scroll sa Facebook pampalipas ng oras. Time passed by like a blur, unti-unti na ring dumating ang mga bisita. Lahat sila ay nakasuot na sinusunod ang kulay na black or white, at pwede ring pinaghalo. Iyon kasi ang motif ng event, ang debutant lang ang pwedeng nakasuot ng ibang kulay.

I went backstage too. Medyo nilamig na rin kaya sinuot ko na ang faux fur coat ko na puti. It completed my look and made me look so elegant. Nilabas ko ang pocket mirror ko at nag-retouch lang sa aking make-up dahil mukhang natanggal na rin ang mga pinahid ko sa mukha dahil kaninang tanghali pa iyon. Inayos ko na rin ang aking buhok, tapos kinuha ko na ang program na guide ko for the hosting later.

My phone vibrated.

McArthur Schifer: I'm home. Enjoy the night, Dawn.

I smiled. Napawi naman agad ang ngiti sa labi nang napagtanto ito. At bakit naman ako nakangiti?! I didn't bother responding, but I felt relieved he's home now.

Naguluhan ako sa sarili ko. Kliyente ko lang naman si Art, pero bakit kapag kasama o kausap ko siya ay parang iba ang dating sa akin?

Umiling na lang ako at binaon muna ito sa limot. By the time the debut started, I was ultra-game mode again. I had to make sure I was at my best performance.

"Ladies and gentlemen, let us all rise as we greet the beautiful debutant, the star of the night, and the queen for this grand celebration, Summer Shine Beltran!" A beautiful and regal orchestra blasted through the speakers across the grand hall, I watched as the girl in dark red ballgown walked on the aisle that was guided with a maroon carpet. Ang ganda ng kapatid ni Summer. They're like carbon copies of each other, ngunit mas maamo ang mukha ni Autumn, samantalang si Summer naman ay mukhang masungit.

Drawn by DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon