Prologue

15 1 0
                                    

"Congrats besties! Finally graduate na tayong tatlo!" Sigaw ni Estella at niyakap kami ni Primo. "Lala, saan ka mamaya? Tara lunch, my treat!"

"Sige lang!" Sagot ko kaya nilingon namin si Primo.

"Pass muna, I need to be somewhere." Sagot niya sa amin.

Pumunta kami ni Estella sa favorite naming restaurant at umorder siya. May mga tao na pumasok and medyo maingay na sila. Jinajudge na ni Estella ang mga bagong dating dahil kahit tatlo lang sila.

"Tignan mo yun ang liit na nga ang lakas pa ng bunganga." Pagpuna nito sa isang lalakeng hindi gaano sinuwerte sa height pero pinagpala naman sa kutis.

"Tara na, Oscar." Napatingin sa amin yung isang kasama niya na medyo moreno.

"Umorder ka na ba, Jance?"

Humarap na ulit ako kay Estella dahil dumating na yung order namin. Naging pamilya na ako ni Ella dahil na rin sa ulila na ito at walang ibang mapupuntahan. Nakikitira siya dati sa lola niya but her grandmother died last year.

Sobra akong humahanga kay Estella dahil na rin sa kinakaya niya ang araw-araw na walang kasiguraduhang magiging maayos ang buhay niya.

"Alam mo, nakahanap na ako ng university kung saan pwede akong maging teacher." Sambit ni Ella. "Sumama ka sa akin kasi I'm sure kaya mo rin doon."

"Talaga? Maganda ba ang university na iyan?"

"Feel ko naman." Sagot nito at tumango-tango.

Nang matapos kami ni Estella ay umuwi ako at kasama ko ang family ko na mag-celebrate. Kinabukasan ay sinamahan ako ni Estella na magpasa ng application letter.

"Salamat po, tatawagan na lang po namin kayo." Nagpasalamat kami ni Ella saka umalis.

"Tanginamo, Oscar!" Napalingon kami ni Ella sa sigaw nung lalake sa malayo.

"Anak ng tinapa.." Bulong ni Ella. "Dito ba sila nagtatrabaho?"

"I don't know, maybe?" I nswered.

Pumunta kami sa supermarket dahil bibili kami ng grocery. We live on our own na kasi, malayo ang pamilya ko kung saan ako nagtatrabaho kaya humanap ako ng lugar na malapit sa university na ito.

Nang magsimula na ang school year ay naka assign ako sa ABM na strand since may relation ang tinapos ko sa accountancy. Kabilang section lang si Estella dahil dalawa lang ang section ng ABM. Si Primo naman ay adviser din dito pero naka toka siya sa HUMSS.

"Good morning class, I am Miss Lalaina Almarez. You can call me Ma'am Almarez or Ma'am Lalaina."

Hindi ko pa sila nakikilala ng buo pero mahal ko na sila. Lumabas ako para kitain sina Primo kaso nag message si Ella na nauna daw siya sa canteen dahil inaya siya nung students niya kaya sumunod ako.

"Ay! Oh, kids ito ang sister from another mother ni Ma'am Ganda." Estella said at hinila ako palapit sa students niya. "Look oh, very pretty!"

"Ikaw nambola ka pa." I said at sinuot ang mask ko baka mahawa sa ubo ko ang mga bata. "Anong binili mo?"

"Tinapay lang, si Primo pala andun sa faculty kausap ang kaniyang babycakes."

"Kelan ba hindi?"

Natawa si Ella at kinuha yung order niya. Dahil nga friendly silang dalawa ay mabilis silang nakahanap ng mga kaibigan pero ako, dumidikit lang ako kay Ella.

"Ito pala si Lalaina, college beshy ko." Pagpapakilala sa akin ni Ella.

"Hi! I'm Oscar!" Tumango ako at saka nilingon yung isang lalake. "Busy ka naman masyado, Jance."

"Sensya na boi ah? Ginagawa ko lang kasi halos lahat ng math exams ng mga bata." Pagrereklamo nito. "Anak ng tokwa, dalawa ba naman ang math ng stem."

"Ikaw kasi pinili mo yan." Pang-aasar ni Estella, close na rin pala sila? "Ay! Jance si Lalaina nga pala, Gen Math teacher ng advising nitong si Oscar."

"Oh! Ikaw pala yung Lalaina? Pinagmamalaki ka sa akin ng Hofstadter." Saad nito.

"Ah yes po, and your advising is?"

"Grey, like Meredith Grey." Tumango ako at tinignan ang papers na hawak niya. "Math teacher ka rin diba? Sumama ka sa akin may mga iaassign na ko sa'yo."

"Jance, para-paraan." Usisa ni Oscar at natawa silang dalawa ni Estella.

"Kapal talaga ng mukha mo." Humarap sa akin si Sir Jance at binigyan ako ng mga papel. "Study the test papers, sagutan mo ang isa and try to see if may mali. I need your suggestion."

Umalis ang dalawang lalake at nilapitan na ko ni Estella.

"Uy, si Lala may kislap sa mata." Pang-aasar ni Ella sa akin.

"Hindi ah!"

"Ay? Defensive!" Tumakbo siya palayo habang tumatawa.

The Tranquility in You Where stories live. Discover now