Chapter: 13

5 0 0
                                    

Walang nakakaalam na nanliligaw na sa akin si Jance, we didn't really want to spread the news about it kaya we kept our mouth shut. He was too good to be true, hindi siya yung typical guy. He was like someone who came out of a book.

"Morning coffee for Ms. Almarez and a cheesecake." Nilapag ni Jance sa table ko ang binili niyang food. "May buscopan sa loob ng box if you have stomach problems."

"Thank you so much." I said at binigyan siya ng chocolate bar since he had a sweet tooth.

"Bakit si Lalaina lang ang may food!?" Oscar complained while Eric just smiled beside us.

"Shat off." Jance said kaya natawa kami.

Naging busy kami dahil nga completion na and kailangan na namin ng grades ng students. It was really hard trying everything para lang mahabol ang grades nila, akala ko naman magiging madali na ito.

"Hello, did you eat lunch already?" Jance asked at inakbayan ako.

"Oo, sorry hindi kita nasabihan kasabay ko kasi si Ella." I said at tumango siya. "Ikaw ba?"

"I wanted to ask you out pero I'll just buy sa canteen." He said at umalis sa tabi ko para bumili.

"Lala!"

Nilapitan ko si Ella at minessage si Jance na kasama ko na ang kaibigan ko. Estella was complaining about her boyfriend daw.

"May boyfriend ka?" I asked since she wasn't telling me anything.

"Oo, si Oscar." She pointed at Oscar who was talking to his advising class. "Anyway, nakakainis siya! Tinulugan niya ako kagabi."

"Sa call?" I asked at tumango siya. "Aww sweet baby, okay lng yan maybe pagod lang si Oscar."

"Tsaka nahihirapan na akong itago ang secret relationship namin, before prom pa naging kami pero hindi niya ako pinapahalagahan. Mas mabuti pa yata noon nung situationship lang yung status namin, tinuturing niya akong asawa."

"Give him time, malapit na ang bakasyon malay mo magiging sweet na siya."

"Kung sana si Jance na lang ang jinowa ko. Hmp!" Sinadya niyang iparinig yon kay Oscar dahil nilalampasan namin sila kaya napalingon ito.

"Estella Queen Cortez." Oscar called pero hindi tumigil sa paglakad si Ella.

Nakatayo lang ako sa pwesto ko when Jance walked up behind me.

"Anong naririnig kong sana ako na lang ang jinowa ni Princess Queen?" Jance and Eric called Ella Princess Queen dahil maarte daw ito. "Tsaka bakit parang nanunuyo ang bata ko?"

"It's complicated." I amswered then looked at him. "Kain ka na."

The day finally ended at naiwan kami ni Jance sa department namin. Maagang umuwi si Ella since 2 pa lang ay wala na siyang klase. Si Oscar at Eric ay kakaalis lang.

"Hey, since sabado naman bukas maybe we can go out?" I looked at Jance who was towering over me. "If free ka lang."

"May family outing kami eh.." Medyo nalungkot pa ito dahil hindi siya kasama. "I'll call you always okay? Next week, promise we can go out."

"Sunday mass?" He asked kaya tumango ako. "Okay, enjoy kayo doon."

Niyakap niya ako at humalik sa ulo ko.

"Resort niyo kaya yung pupuntahan namin." I said kaya tinignan niya ako. "Ang cute nga ng name, Benjie's Hotel and Resort."

"Eh? Dun kayo pupunta?" He asked kaya tumango ako. "Ang layo naman! Long distance tayo niyan, andun ka sa Laiya tapos andito ako."

"OA talaga ng benjie na ito." I said and pinched his nose. "Wag kang susunod ah? Di alam nina Papa ang tungkol sa atin."

"Hala pinigilan ako sa sarili kong resort?" He joked kaya natawa ako. "Fine, pero kapag namiss kita ay susundan talaga kita."

"Edi umaga pa lang andun ka na!"

"Hindi, ngayon ako mismo aalis."

We had an agreement na susunod lang siya kapag hindi siya busy at kapag super miss na niya ako. Hinatid niya ako sa bahay bago siya umuwi. I started packing my things, hindi ako mahilig magsuot ng mga two piece pero niregalo kasi ng sister-in-law ko itong yellow and green kaya dinala ko na rin.

Kinaumagahan ay binomba ni Jance ng reminders ang phone ko at sweet messages. Natawa ako sa huli niyang sinabi.

From: Jance kulit

Bawal kang pumunta sa 5ft. Baka mawalan ako ng rason para sumaya.

To: Jance kulit
OA! 5'6 kaya ako!

He laughed and said na hindi raw halata. Porke 6'1 siya!

Sinundo ako ng family ko so I locked my house and got in the car. Katabi ko ang mga pinsan ko sa likod ng pick-up. Lalampasan namin ang bahay ni Jance kaya I got a little excited.

"Ate Lalai nakatingin sa'yo yung lalake."

Napatingin ako and saw Jance washing his car while drinking orange juice. He was looking at me, I smiled a little and messaged him na I was going to miss him.

"Bakit ka ngumingiti diyan, bunso?"

Bunsong babae ako sa family. Yung youngest cousin namin ay G12 and lalake siya pero tinuturing niya rin akong bunso minsan!

"Co-worker ko yon." I said and pointed at Jance while the truck moved.

We finally arrived so I stretched my body, dinala nila ang gamit ko sa room namin nina Ate.

"Miss Lalaina Almarez?" A staff asked.

"Yes?" Tumigil kaming lahat para makausap yung staff.

"Doon po ang room niyo." Hiwalay ang room ko sa family ko? "It comes with a queen sized bed and free tv, wifi, breakfast and a view of the mountains."

Tinignan ko ang family ko but they were also clueless.

"We didn't ask for that room." I said.

"Bayad na po ni Sir Jance." She said. "He's on his way na po ngayon."

"B-But my family is here."

"Sige na, anak. Tanggapin mo na." Saad ni Mama. "Kung galing kay Jance ay tanggapin mo na."

Not everyone knew about us...except my mother.

The Tranquility in You Where stories live. Discover now