"I heard from Klane na hindi ka uuwi ngayong taon sa Isabela. Bakit, Rose? Hindi ka pa rin ba naka-move on sa lalaking 'yon?"
Pumikit ako ng mariin. Nasa labas kami ng mansyon, dinadama ang bawat haplos ng hangin at huni ng mga ibong malayang lumilipad sa aming harapan. Kasama ko ngayon si Janice, kauuwi niya lang galing ibang bansa at katatapos lang ng shoot nila, suot pa nito ang huling dress mula sa shoot. She's a famous model, isa siya sa mga models ng Thread & Treasures. Pagmamay ari ni Hiraya Cristiana Corazon.
Janice is really pretty, matangkad at kawangis-wangis ang kaniyang mukha. Hindi tulad sa akin na medyo malaman-laman na ang katawan ngayon dahil iyon ang gusto ni Davian sa akin. That bastard, akala niya makakatakas siya sa akin. Hindi. Hindi pa ako tapos sa kaniya kaya manigas siya riyan, walang uuwi ng Isabela hanggat gusto ko pa rito.
"Sinong nagsabing magmo-move on ako? Walang magmo-move on." Matigas na sagot ko at marahang tumayo. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya habang ang mukha nito hindi makapaniwala sa naging reaksyon ko. Hindi ako magmo-move on, kahit si Davian, hindi ko hahayaan. Pinili niya 'to, panindigan niya.
"He's one of the prince, Rose! You can't just order him around like that."
"You're wrong, Janice. Alam niyang kaya ko."
Binaba ko ang suot na roba, revealing my black one piece. Tumaas naman ng bahagya ang kilay ni Janice habang pinagmamasdan ang buong katawan ko.
Inirapan ko siya. "Alam kong hindi ako kasing-ganda mo kaya tigilan mo na 'yan. Hindi pa rin ako madi-discourage,"
"Gaga! Ang ganda kaya ng katawan mo! And, ang pretty mo. Ikaw lang yata ang nag-aasume na pangit ka, kakaloka." She rolled her eyes at muling umupo sa kaniyang upuan.
Tinawanan ko lamang siya at akma na sanang tatalon sa pool nang may narinig kaming tawanan. Nangunguna ang boses ng mga lalaki. Sino naman kaya ang mga iyon? Sa pagkakaalam ko mamaya pa uuwi si Davian. May bagong kaso na naman kasi siya kaya laging ginagabi iyon. Paminsan, napapahamak, mabuti na lang may asawa siyang Doctor. Yes, nakapagtapos ako. Nagagaling ko kaagad ang mga sugat na natamo mula sa mga ka-trabaho niya. Ewan ko kung tungkol pa din ba iyon sa kaso o may patayan na talagang involved. Nakakaloka siya. Kung ako sa kaniya, samahan niya na lang ako sa hospital, kanila naman iyon, e. Bakit hindi na lang siya nag-medicine.
Simula palang...para na sa akin talaga 'yon, lahat ng ito at hindi para sa kaniya.
"Did you hear that?" Napatayo muli si Janice. Binaba niya ang kaniyang hawak na shoal at hinintay ang mga taong papasok sa loob ng mansyon.
"Mukhang kaibigan yata ni Davian ang mga 'yon,"
"Princes, you mean?"
"Oo. Wala namang ibang kaibigan si Davian kundi 'yung mga princes lang."
Umirap ako at umupo. "Hindi mo sure."
Sa pagkakaalam ko may childhood friend siya at lagi niya 'yong kasama noon sa Dreamweaver. Dahil sa kakulitan ko noon, nauuwi sa ere ang kanilang lambingan, abay kasalanan ko ba 'yon? Tinadhana kami e kaya wala siyang magagawa. Palagi naming pinag-aawayan ang Stella na 'yon, napaka-maldita, bagay na bagay talaga silang magsama ni Davian, suplado e. Kung hindi siguro ako babae, inupakan na ako non sa mukha sa sobrang inis.
BINABASA MO ANG
The Unwritten Thesis(Under Revision)
Teen FictionIsa lamang simpleng babae si Luella Rose Jacinta. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang tinuturing anak ng kaniyang magulang ay ang kakambal nitong si Luenna Ambrose Jacinta. Nang nalaman niyang magpapakasal ang kaniyang kambal sa mga Salvatore...