Luella's POV
Ang masasabi ko lang...hindi madali ang Medicine. Ang daming mga ginagawa beh, hindi lang discussion at recitation. May ginagawa pang activities na ngayon ko lang na-realized na mahirap pala. Nakakaloka si Sir Howitzer, gusto yata tadtarin ang buong katawan ko. May iniwan na naman siyang takdang-aralin sa amin pero mas mahaba na ito ngayon, sa libro namin mismo hahanapin ang sagot. Ako'y naloloka na. Lalo na kay Janice na walang ginawang matino sa buhay, parang hindi takot mabagsak.
Sa bagay, mayaman naman iyon, kaya niyang bayaran ang grades niya. Mapapa-sana all ka na lang talaga.
So, iyon nga, umuwi akong sabog at pagod. Sa gate pa lang parang gusto ko nang humiga at yakapin ang malambot kong unan. Shocks! Wala na akong lakas. Sana hindi ako sumbatan ni Dante mamaya. Nagkita na naman kasi kami ni Klane, may tinanong lang. Nahuli niya akong tumatawa sa hallway kasama si Klane na tila wala pakialam sa mundo. Joke lang ito nang joke habang ako natatae na sa mala-laser na titig ni Dante. Kung hindi dahil sa apat na princes, hindi iyon aalis sa puwesto niya.
"Hays, kapagod naman this day..."
Pagkaapak na pagkapak ng mga paa ko sa grand entrance ng mansyon, parang gusto ko nang takbuhin ang distansya ng hagdan. Grabe, nakakapagod.
Inayos ko ang bag ko at tiningala ang malaking chandelier ng mansyon ngunit napatigil ako nang makita si Dante.
"Dante," mahina ngunit sapat na para marinig niya. Suot niya pa rin ang uniform ng DU, mukhang kanina pa naka-uwi. Anong oras na kasi ngayon, hindi ko napansin dahil abala ako sa lab kanina.
Sa grand library, nakatayo si Dante sa tabi ng magarbong fireplace, nakatalikod sa akin habang nagsasalita sa kaniyang telepono. Seryosong-seryoso, ayaw paabala.
Dahan-dahan akong humakbang, mas lalo namang kumunot ang kaniyang noo. Sino kaya ang kausap nito? Babae?
Nang makalapit, huminto siya. Binaba niya ang telepono at lumingon sa akin.
His expression shifted. "You're late," malamig niyang sabi.
Pumikit ako ng mariin, walang lakas na pumatol ngayon kay Dante. Gusto kong umakyat sa sariling kwarto to rest pero mukhang hindi yata ako papayagan nito. Napapansin ko sa kaniyang mga mata na marami siyang gustong itanong sa akin. And I cannot just leave him here, mag-aaway na naman kaming dalawa.
"Maraming ginawa sa school. Buong araw akong abala," sagot ko sa mahinahong boses.
"Buong araw abala?" may halong pilyo ang kaniyang tanong. "O abala kay Klane?"
Ano na namang kinaputok ng butchi ng lalaking ito? Bakit galit na galit siya kay Klane? Kakilala pa lang naman no'n e, and we just talked lang kanina sa campus. Wala naman siyang ginawang masama. Ito talaga si Dante, ma-issue. Ano naman ngayon kung magkasama kami ni Klane? Siya nga hinahayaan ko e.
Iisipin ko na talagang may crush 'to sa akin kapag gan'yan siya lagi.
"Ano na naman 'to, Dante?" walang gana kong tanong.
"I'm talking about the little scene I witnessed on campus today," he said while his eyes narrowed in accusation.
"I saw you meeting with Klane. Remember when I warned you to stay away from him?" naalala ko nga iyon, pero wala namang masamang ginawa sa akin si Klane. Sa katunayan nga niyan ay tinulungan niya ako pa kanina. Ang laki talaga ng problema mo, Dante. Pasalamat ka't crush kita, kung hindi! Naku na lang ang masasabi ko.
BINABASA MO ANG
The Unwritten Thesis(Under Revision)
Teen FictionIsa lamang simpleng babae si Luella Rose Jacinta. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang tinuturing anak ng kaniyang magulang ay ang kakambal nitong si Luenna Ambrose Jacinta. Nang nalaman niyang magpapakasal ang kaniyang kambal sa mga Salvatore...