Luella's POV
It's pageant night. Nasa backstage kami ngayong apat nina Farrah, Klane at Janice, naghahanda. Si Farrah ang nag-aasikaso kay Klane since wala kaming nakuhang mag-aayos sa kaniya. Ayaw kasi umambag ng mga kaklase namin. Hindi daw nila afford at may babayaran pa raw sa subject namin kay Prof Allere. Ang kaya lang daw nilang I-ambag ay boses ng mga medicine students. Hindi na ako umapila kahit gustong-gusto ko nang kutusan ang mga singit ng mga kaklase ko. Ayoko rin naman silang pilitin kung ayaw talaga nila o walang-wala talaga. Desisyon naman nila iyon at isa pa nand'yan sila para sumuporta.
Wala kaming nagawa kundi sarilihin na lang ang buong preparations. Sinawalang bahala ang mga professional make up artist sa aming tabi at mga designers na kilala sa ibang bansa. Taray, mayayaman nga naman.
Hindi naman pabonggahan ng designer at make up artist 'to. We are here to show our skills and represent our college, which is the college of medicine, and not to show our arrogant side.
Habang naghahanda sa backstage, nagsasalita naman ang dalawang bading sa labas ng stage. Kinakamusta ang mga audience, ni-entertain at kinausap. We heard our classmates yelling outside, sa sobrang lakas non, natuwa ang dalawang bading dahil active na active daw ang medicine. Syempre hindi magpapahuli ang law na katapat lang namin. Todo cheer din sila, mas nilakasan pa nila kaya hindi namin maiwasang hindi mapairap ni Janice.
Palaban talaga ang mga law students. Hindi papatalo.
Kaya ako naiinis dahil kapag nagyi-yell ang mga kasamahan namin, dinudugtungan nila. Parang may nangyayaring collaboration between our yells, may connection kasi. Gusto ko sanang palitan iyon kaso ayaw no'ng nag-handle kaya hinayaan ko na lang. Tuwang-tuwa yatang katapat ang law students. Sa bagay, maraming pogi at magaganda doon. Isa na si Dante na dinagsa ng likes at comments kaninang umaga. Eksenang-eksena naman ang Hershey, maraming sumuporta sa kaniya dahil kasama nito si Dante. They were all rooting for them.
I understand. This is a competition. Kailangan din naming manalo.
"We need to make a statement," Farrah interrupted. Bakas ang competitive sa kaniyang boses. "We need to show them what our college is about. Dedication, intelligence, compassion."
Binalingan ko ng tingin si Janice. Tahimik lamang itong tumango habang ang mga mata ay palipat-lipat sa fitting room, pinagmamasdan ang ibang representative sa kabilang colleges. Naubusan yata ng sasabihin ang gaga kaya nanahimik ito ngayon. I heard from Klane din na medyo pumaos daw ang boses nito dahil sa kakasigaw kaninang umaga sa amin.
I laughed a bit. Umiwas ako ng tingin at muling binalik kay Farrah ang atensyon. I can feel na competitive itong si Farrah. Gusto niyang ipanalo ang college namin. Gano'n din naman ako, I'm here to win, hindi lang magpasikat.
"We need to show them that we can be both beautiful and brilliant," aniya, hindi pinansin ang pananahimik ni Janice sa gilid. Magkalaban talaga.
"Yes, but we need to be careful not to come off as arrogant," dugtong ko, trying to inject some reason into the conversation. We are med students after all. We were trained to be practical, not performative.
"Arrogance is confidence, Luella." Kinindatan niya ako. "And confidence is what we need to win."
"Huwag kang kabahan, Rose. This is a competition." Sabi ni Janice. Seryoso ang boses na para bang binantaan akong huwag mahumaling ngayon kay Dante. Ewan ko lang kung kakayanin ko.
Napailing ako. Natahimik kami nang biglang umingay ang mga tao sa labas.
It's starting.
Binasag ng dalawang bading ang namayaning pag-uusap sa backstage. Sinabihan kami ng isang staff na maghahanda na raw dahil swimsuit ang unang isasabak. Kabadong-kabado naman ako dahil first time kong magsuot ng swimsuit. And hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Dante kapag makita niya ako mamaya. Magagalit, Luella. Sesermunan na naman ako non sa mansyon. Hays.
BINABASA MO ANG
The Unwritten Thesis(Under Revision)
Novela JuvenilIsa lamang simpleng babae si Luella Rose Jacinta. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang tinuturing anak ng kaniyang magulang ay ang kakambal nitong si Luenna Ambrose Jacinta. Nang nalaman niyang magpapakasal ang kaniyang kambal sa mga Salvatore...