Kabanata 1 : Lunchbox

4.5K 65 62
                                    

Luella's POV

"May assignment ka na ba? Pakopya naman, Luella. Nakatulog kasi ako kagabi e,"

"Talaga, Janice? Ayaw mo lang talagang sagutan 'yon."

Napakamot siya sa kaniyang noo. Umaasa na pakokopyahin ko. Ke-ganda ganda ng babaeng 'to, tamad nga lang gumawa ng assignment. Pang-ilan niya na 'to, para siyang si Rain Celeste, tamad gumawa ng mga takdang aralin. Kung ako sa kanila gayahin nila ako, hindi lang maganda, scholar, kundi matalino din. Perfect na perfect! Itong si Janice, ganda lang yata ang ambag niya, chos! Matalino naman siya. Tamad lang talaga.

Lagi niyang bini-bwesit si Wade sa kabilang building, which is ang Law building na katabi nitong building namin. Kaklase ni Wade ang isa sa mga Campus Princes na si Davian Terron Salvatore. Matagal ko nang crush 'yon, since hayskul. Nga lang, hindi ako pinapansin, minsan napapansin pero iritado at galit naman lagi ang mukha. Imbes na umatras, sinawalang bahala ko na lamang at mas lalo pa siyang ginalit. Tigas kasi e.

May ginawang kasunduan ang pamilya namin. Kasunduang kinatawa ko nang todong-todo at kinagalit naman ni Davian. Hindi naman halatang hate na hate niya ako, noh? Kulang na lang hawakan ako no'n sa braso at itulak palabas ng mansyon. Pero asa naman siya. Simula ngayon...sa mansyon niya na ako titira at aaktong asawa niya sa papel. Tapos. Wala siyang gusto sa akin. Mamamatay daw muna siya bago niya ako magustuhan. Tinawanan ko lang siya. Asa namang magpapakamatay iyon.

Lagi kaming nag-aaway sa loob ng mansyon, kulang na lang sigawan kami ni Aling Waning dahil sa bangayan namin. Mapa-umaga o gabi man 'yan. Walang katapusang bangayan. Ang arte-arte kasi.

Ikaw ba naman bigyan ng article galing sa libro niyang law. Makakasagot ka pa kaya? Sarap tahiin ng bunganga e.

Sabi ni Lola, pagmamay ari ko na rin daw ang mga gamit sa mansyon kaya hinawakan ko lahat at hindi sinadyang nahawakan ang gitara ni Davian. Galit na galit ang lolo niyo, muntikan pa akong bangisan, mabuti na lang nakita ni Aling Waning at pinigilan kami.

Kitang-kita pa ang mga ugat niya sa noo.

Galit na galit usto manakit.

"Sinong nagsabing hawakan mo ang gitara ko? Hindi pa ba malinaw ang sinabi kong huwag kang mangialam sa mga gamit ko? Alin doon ang hindi mo maintindihan?!" galit niyang sambit habang masama ang tingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin. Tiningnan ko si Aling Waning, hinihilot nito ang kaniyang noo na para bang sumuko na. Ayaw na sumali sa bangayan naming dalawa ni Dante. Ito kasing si Dante e! Hindi ko naman sinasadya. Titingnan ko lang naman ang arte.

"Come on, Dante, it was just an accident. Hindi ko intensyon hawakan 'yan! And it's just a guitar!"

"It's not just a guitar! It's mine, you know, touching my property has legal implications and-"

"Legal implications?" hindi makapaniwala kong tanong. Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. "Are you seriously bringing up your articles on property law right now? Hindi ko sinadya iyon!"

Ang kitid naman ng utak nito.

"Hindi sinadya doesn't excuse trespassing," sabi niya na parang nagri-recite sa law textbook niya. "You might want to consider Article 109 of the Civil Code, which discusses the rights of ownership. Or maybe Republic Act 8293-"

The Unwritten Thesis(Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon