Chapter 9 : Money

13.6K 250 8
                                    

Luella's POV

"Dante! Ugh! Saan mo ba ako dadalhin?"

"Uy! Uy! Si Janice, baka magalit sa akin 'yon!"

"Stop! Dante!"

"Shut up and get the fucking in!" galit niyang utos dahilan ng pagtahimik at pagkagat ko ng labi.

Nasa labas kami ng MMalls ngayon, deretso sa garahe. Dinala niya ako dito dahil uuwi na raw kami. Abay ewan ko kung bakit. Paano naman si Hershey? Baka ma-beastmode iyon kapag malaman niyang hindi na babalik si Dante sa loob. Pambihira naman oh.

"Ano pang hinihintay mo? You want me to drag you inside?"

"Si Hershey, Dante. Date niyo ngayon, hindi ba-"

"Date my ass. Get in, Rose, huwag mo akong paghintayin." Pikon niyang sabi at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan. Kikiligin na sana ako kung medyo malambot ang mukha nito pero hindi e, galit na mukhang mangangain pa.

Pumasok na lang ako kasi ayaw kong masigawan na naman ulit. Tangina. Naiwan ko pa ang mga paper bags sa loob dahil sa pagmamadali. Ito kasing si Dante e, napaka-inconsiderate. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko bukas kay Janice? Alam kong kaya niyang dalhin ang mga paper bags namin pero...argh! Sorry, Janice. Kakausapin ko na lang siya mamaya, hihingi ng sorry.

"Nakakasira ka talaga ng araw, Dante. Ano na lang mukhang ihaharap ko kay Janice bukas?" maktol ko.

Hindi niya ako sinagot. Sa halip, nakatuon lamang ang kaniyang tingin sa harapan. Unbothered 'yarn?

"Paano si Hershey? Baka ma-issue tayo, ah. Lagot ka talaga sa akin!"

Walang reaction. Deadma pa rin. Unbothered prince talaga.

Bumuntonghininga ako. Nangapa muli ng sasabihin.

"We bought two bikinis. Red and black. Sa tingin mo, Dante, alin ang bagay sa katawan ko?" tanong ko habang pinagmamasdan ang malalaking gusali ng Maynila.

He cleared his throat. Akala ko hindi ulit ito magsasalita ngunit nagkamali ako. Isang malakas na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan. Ramdam na ramdam ko ang diin ng kaniyang pagkakahawak sa manibela.

Napalunok tuloy ako. "Walang bagay sa'yo."

"Joke ba 'yan? Swimsuit hater ka talaga 'noh?"

Sinamaan niya ako ng tingin sa salamin. "Wala naman talagang bagay sa'yo. Huwag ka na mag-bikini. Ayokong mapahiya ka,"

"Bakit naman ako mapapahiya?" tanong kong muli. Mukhang nahimasmasan na ang loko. Hindi na nag I-english e.

"Basta. Walang bagay sa'yo kaya huwag ka nang mag-swimsuit sa pageant, Luella Rose. Seryoso akong pupunitin ko ang damit mo kapag makita kitang kinulang sa tela."

Napaismid ako, biglang nabilaukan sa sariling laway. Punyemas ka talaga, Dante. Kung hindi lang kita crush baka kanina pa kita binatukan. Pero seryoso, gets ko naman ang nais niyang iparating. Kulang ang laki at taba ng dibdib ko kaya niya nasabing ayaw niyang mapahiya ako. Kaya ba g na g siya sa Hershey na iyon kasi malaki ang pwet at dibdib? Hanep din 'tong si Dante, ah, may taste din pala. Pero walang susuko, magbi-bikini pa rin ang ferson dahil nasa list iyon. Mahirap na ma-disqualified.

"Uuwi na ba tayo?" pagod na tanong ko.

Magda-dapit hapon na. Nakikita ko na ang paglubog ng araw hindi kalayuan sa kalangitan. Ang tagal naman pala namin ni Janice. Siguro kung hindi dumating sa Dante baka gabihin talaga kami doon sa Mall. Nakakaloka.

"Kakain muna tayo." Walang pilyong sagot niya kasabay nang paghinto ng kaniyang sasakyan.

"I'm hungry. You pay,"

The Unwritten ThesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon