Chapter 4

1K 18 1
                                    

Napadilat ako sa malakas na ring ng cellphone ko. Dahan dahan ko namang inabot ito, sobrang sama ng pakiramdam ko ngayong araw alam na alam kong hindi ako makakapasok.

"Nasan ka na, wag mong sabihing hindi ka papasok?"Boses yun ni Zara.

"H-hindi nga."Pagkatapos kong sumagot gamit ang namamaos kong boses ay naging sunod-sunod ang pag-ubo ko kaya bahagya kong nilayo ang cellphone ko.

"Ayos kalang ba, Sera?"Bakas ang pag-aalala sa boses ni Lucy mukhang inagaw niya ang cellphone mula kay Zara.

"Ayos lang ako, pwede bang paki-excuse muna ako?masama kasi ang pakiramdam ko."Namamaos ang boses ko.

"Sige, sera.. kami ng bahala sa mga prof, teka..may gamot kaba d'yan?"Tanong ni Lucy.

"Gusto mo dalhan ka namin?"Dagdag pa ni Zara.

"H-hindi na, may gamot naman ako dito."Pagsisinungaling ko.

"Sige, magpahinga kana muna.."

"Magpagaling ka agad, Sera.."Paalala ni Lucy.

"Oo, salamat sa inyo."

Pagkatapos ng usapan namin ay pinatay kona ang tawag. Sobrang sakit talaga ng ulo ko idagdag mopa ang sipon at ubo, hindi ko nga alam kung bakit bigla akong nagkaroon ng sakit, eh ayos na ayos lang naman ako kagabi.

Nagsinungaling pa ako kay Zara at Lucy. Sa totoo lang ay wala talaga ako ng gamot dito, sinabi kolang yun para hindi na sila mag-alala at mag abalang dalhan ako ng gamot dito dahil wala kaming vacant ngayong araw. Dire -diretso ang klase namin.

Bigla kong naalala si Dev, ayos lang kaya sa kanya kung sakaling sa kanya ako makikisuyo na magpabili ng gamot?Muli kong kinapa ang cellphone ko sa tabi ng unan ko. Ang init -init pero pakiramdam ko nilalamig ako. De-nial ko ang number ni Devon, dalawang ring palang ay sumagot na ito.

"He—"

"Hello, who's this?"Agad akong natigilan dahil boses ng babae ang sumagot mula sa kabilang linya.

Sumikip ang dibdib ko ng mapagtanto kong boses yun ni Shane. Magkasama sila ng ganito kaaga?alas otso palang ng umaga. Tsaka sino daw ako?ibig sabihin hindi nakaregister ang number ko sa cellphone ni Devon?

"Hello.. who's this pleaseDev is busy cooking our breakfast, do you want to talk to him?"Namamaos sambit nito.

"No.. i think, i got a wrong number."Sagot ko, hindi naman siya sumagot kaya pinatay kona ang tawag.

Alam kong wala akong karapatang magselos pero bakit ang sakit?never niya pang nagawa sakin yung ipagluto ng pagkain. After din naming mag sex, sex.. ni hindi niya pa nga niya nasubukang magstay sa tabi ko. Sinantabi ko ang sakit at selos na nararamdaman ko.

Lumugar ka Sera.

Pinilit kong tumayo kahit hinang hina ako. Nagsaing ako ng kanin, noodles nalang ang meron dito kaya yun nalang din ang niluto ko. Nanlalambot ako pakiramdam ko babagsak ako sa anumang oras dahil sa hilo ko.

Pagkatapos kong kumain hinugusan kona muna ang pinagkainan ko bago ko napagdesisyunang lumabas. nagsuot ako ng hoodie, mainit ang panahon pero nilalamig ako. Lalabas ako ng bahay dahil kailangan kong bumili ng gamot ko, kasi wala naman akong aasahan maliban sa sarili ko.

Walang malapit na drug store sa boarding house ko, wala ring gaanong tindahan dito, hindi ko nga alam kung bakit. Kinakailangan kopa tuloy sumakay ng tricycle. Mabuti nalang at may dumadaan dito.

Pumara ako ng tricycle na sasakyan ko patungong mercury. Doon nalang ako bibili. Pagdating ko ay inabot ko ang trenta pesos sa driver bago bumaba.

Pagpasok ko sa loob ng mercury ay binili ko lahat ng dapat na bilhing gamot. Medyo nahihilo pa rin ako pero kaya ko namang alalayan ang sarili ko. Mabuti nalang talaga at may pera pa ako dahil kinsenas katapusan ang sweldo ko sa coffee shop.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now