Nakatitig lang ako sa professor namin sa structural subject na panay ang lecture sa harap, pinipilit kong ituon ang atensyon ko sa pakikinig pero wala talaga akong maintindihan, walang pumapasok sa utak ko sa bawat tinuturo niya.
Isang oras at mahigit ang klase namin dito pero patapos na ang oras ng klase namin hindi pa rin ako nakakapagisip ng tama. Kung sakaling mag surprice quiz o recitation siya ay paniguradong wala akong maisasagot.
Sobrang boring na nga ng subject ang boring pa ng nagtuturo. Napahilot ako sa sentido ko at nilaro -laro ang ballpen ko. Gusto ko na takaga matapos ito dahil antok na antok na'ko.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ng back pack ko kaya pasimple kong kinapa at nilabas ng hindi nahahalata ng prof namin.
Laurence:
Available kaba mamayang lunch?
Ako:
Wala naman akong lakad, bakit?
Laurence:
Okay lang ba sa'yo kung yayayain kitang kumain sa labas?
Ako:
Libre mo?
Laurence:
Hahaha!oo naman basta ikaw.
Ako:
Okay, game ako.
Laurence:
Sunduin kita, what time lunchbreak niyo?
Ako:
12-1:00 pm...But, vacant ko 2 hours mamaya, 4-6 nalang papasukan ko.
Laurence:
Okay susunduin kita mamaya.
Ako:
Okay kita kits mamaya.
Kumunot ang noo ko ng sikuhin ako ni Zara, kaya nilingon ko siya.
"Bakit?"Asik ko.
"Sinusulyapan ka ng prof."Sambit niya habang nakatingin ng diretso sa prof namin. "Mamaya na landi kay Devon..aral muna,"Dagdag niya pa.
Ngumiwi ako."Hindi si Dev ang kausap ko, si Laurence.."Pagtatama ko.
Nagkibit balikat naman siya."Mamaya na yan, baka mahuli ka..palabasin kapa,"
Tumango nalang ako at binalik ang atensyon sa kunwaring pakikinig. Pinagpatuloy ko ang pagtitig sa prof ko kahit wala pa ring pumapasok sa isip ko.
Naging sunod-sunod na ang klase namin kaya kahit wala ako sa mood makinig ay sinubukan ko pa rin, nag take-note din ako para kung sakalin man na maisasali ang mga past lessons sa quizzes or exam ay may mairereview ako.
"Lunch na.. sa wakas,"Nag-inat inat si Lucy.
"Boring na magaral, magpabuntis nalang kaya ako?"Biglang sabi ni Zara.
"T*nga, paano ka mabubuntis wala kang jowa."Pambabara ni Lucy.
Ngumiwi ako habang inaayos ang notes at ballpen sa bag ko.
"Hindi ako sasabay kumain sa inyo."Sambit ko.
Sabay naman silang nilingon ako."Kasi ikaw ang kakainin ni Devon, tama?"
Nanlaki ang mata ko kaya tinapik ko ang bibig niya."Lucy!yang bibig mo!"
Sumulyap ako sa paligid, mabuti nalang at abala ang iba kopang kaklase na naiwan kaya mukhang hindi nila narinig.
Inirapan niya ako."Wala namang bago dun, sera.. malamang kay Devon ka nanaman pupunta,"Inirapan ako ni Zara.
Tinaasan ko sila ng kilay."For your informations, hindi si Devon ang pupuntahan ko."Sambit ko. "Magkikita kami ni Laurence, ililibre niya raw ako."Patuloy kopa, para tantanan nila ako.
YOU ARE READING
When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)
FanficWarning!🔞 ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up alone and homeless, wishing for a better life. One day, she meets someone who changes everything-her "Devil," Bryan Devon Narvaez, a tall, r...