Chapter 28

2.4K 26 0
                                    

Isang buwan na mula ng dumating kami dito sa manila, katulad ng gusto ni Laurence ay sa condo unit niya kami nanatili. sinama ko ang kambal dahil bakasyon naman na nila. Hindi ko nga sila gaanong naaasikaso dahil sobrang abala ko sa bago kong proyekto, mabuti nalang at pumayag sila Ria at Rhea na sumama sakin dito, kaya kahit paano ay may kaagapay ako. Wala kasi si Laurence dito dahil kailangan siya sa Firm.

"Bigboys, mommy needs to go."Paalam ko sa dalawa paglabas ko ng kwarto.

Dalawa kasi ang kwarto dito, ang isa ay ginawa naming kwarto namin samantalang ang isa naman ay kwarto ni Ria at Rhea, wala naman daw problema sa kanila kung magkatabi sila dahil magkapatid naman sila.

"Mommy, why po aalis ka ulit?"Inosenteng tanong ni Bryce.

Umupo naman ako sa gitna nila dahil nakaupo sila sa couch. Ngayon ay pareho na silang nakaangat ng tingin sakin.

"Mommy needs to work, anak.. do you understand?" Paliwanag ko sa kanya.

"Mommy miss napo namin makipag-play sayo po.."Nilingon ko naman si Bryle na seryoso ang mukha.

Mas lalo kong nakikita sa kanila si devon!

Napalunok ako."Don't worry, kapag hindi na busy si mommy sa work, magpe-play at papasyal tayo ulit, okay?"

"Mommy..."Tawag ni Bryce sa'kin.

"Yes anak?"Lumikot ang mata niya kaya batid kong may gusto s'yang sabihin. "May gusto kabang sabihin?you can tell me, anak."

"Mommy, want po namin ni Bryle na magpasyal po,"Mahinang sabi nito.

Tumango naman si Bryle."Yes mommy, more than one na 'po tayo dito sa manila but we always here lang po sa loob ng condo unit ni daddy.."

Tumikhim ako."Kapag hindi na busy si mommy, papasyal naman tayo, diba?"

"But mommy, want po namin ni Bryce ngayon.. pwede po ba kaming pumasyal?promise po, magbe-behave kami.."

"Anak busy si mommy ngayon, hindi ko kayo masasamahan."Paliwanag ko sa kanila.

"Eh di sasamahan nalang po kami ni Ate Ria or ni ate Rhea, please mommy.. hindi po kami maglilikot,"Bakas ang pagmamakaawa sa boses ng anak ko.

Bumugtong hininga ako at napatitig sa dalawa na nakatingin din sakin. Nakanguso si Bryce habang nakahalukipkip naman si Bryle, mukhang iniintay nila ang isasagot ko.

"Fine.. pero magbebehave okay?wag magpapasaway kay ate Ria at aye Rhea niyo,"Pag-payag ko.

Natawa ako dahil nagsisigaw at nagtatalon silang dalawa. Hindi ko talaga sila kayang tiisin.

"Thank you, mommy!"Malambing na sabi ni Bryle at hinalikan ako sa pisngi.

"Promise mommy, magbe-behave talaga kami."Tinaas pa ni Bryce ang kanan n'yang kamay na parang nangangako.

"Okay, naniniwala na'ko."Ngumiti ako at hinalikan sila sa noo.

"Ria."Tawag ko kay Ria, wala kasi si Rhea dahil nagpaalam na bibili ng sanitary napkin sa store na walking distance lang ang layo dito sa condo.

"Bakit po ate?"Biglang sumulpot si Ria na may hawak na platong may lamang Fries na kung hindi ako nagkakamali ay para sa kambal.

"Gusto daw pumasyal ng kambal, ayos lang sa inyo kung kayo na muna ni Rhea ang sasama sa kanila?busy pa kasi ako sa site.."Hindi yun tunong pag-uutos kung hindi tunong pakikiusap.

Matagal ng nagtatrabaho si Ria at Rhea sa'kin kaya para kona silang mga kapatid.

"Nako, ate ayos lang po."Ngumiti ito at binaba sa mesa ang plato. "Sa totoo lang ate nung isang araw pa nga sila namimilit na pumasyal, hindi lang kami sumang-ayon ni ate Ria dahil baka magalit po kayo,"Pag-amin pa nito.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now