"Mommy!" Sabay na sigaw ng kambal paglabas nila ng classroom.
Napangiti ako at kinawayan sila, sabay naman silang tumakbo palapit sa'kin. Sobrang sarap sa pakiramdam kapag ganito, nakakawala ng pagod. Paglapit nila ay lumuhod ako sa harap nila para pantayan sila.
It's been six years.
"Hello my boys, how's your day?" Malambing na tanong ko at binigay silang tag-isang halik sa pisngi.
"Look mommy, ang dami kong stars." Masayang balita ni Bryle at pinakita ang kamay niya.
"Me too, mommy.. look oh?"Sabi rin ni Bryce.
"Very good naman ng mga babies ko.."Tuwang-tuwang sabi ko. "Nag-behave ba kayo sa classroom kanina?"
Sabay naman silang tumango."Yes mommy,"
"Really?"Ulit kopa, sabay naman silang tumango."Okay, at dahil very good kayong dalawa.. kakain tayo ng jo—"
"Jollibee?"Sabay na sigaw nila kaya natatawa akong tumango.
"Let's go na?"Yaya ko sa kanila.
Masayang-masaya silang tumango at sabay na humawak sa magkabilang kamay ko. Hindi ko maiwasang mapangiti, thank you lord for giving me this wonderdul gift.
"Mommy, where's daddy?"Tanong ni Bryce ng kasalukuyan na kaming na sa byahe, pasimple naman akong sumulyap sa
"He's still on site.. but, pupunta siya sa bahay later,"Balita ko sa kanila, hindi na ako nagulat ng pareho silang sumigaw.
"Yay!makikipag-play ako kay daddy later.." Magiliw na sigaw ni Bryle.
"Ako din mommy, miss kona si daddy.. he's busy po kasi past few days, but i understand naman po mommy, kasi he needs to work,"Sinulyapan ko si Bryce sa front mirror, nakanguso ito.
"Okay, makipag-play kayo kay daddy later.. but, hindi pwedeng magpuyat, okay?"Paalala ko.
"Yes mommy!"Masunuring sagot nila.
Pagdating namin ng jollibee ay nauna akong bumaba para pagbukas sila ng pinto. Mabilis din silang humawak sa magkabilang kamay ko tulad kanina. Halata sa mukha nila ang excitement.
Kahit sobrang abala ko sa trabaho ay hindi ko hinahayaan na mawalan ako ng oras sa mga anak ko. Palagi ko silang pinapasyal, nagb-bonding din kami, kadalasan ay kasama si Laurence kaya nag mumukha talaga kaming isang buong pamilya. Noon palang ay malaki na ang utang na loob ko sa kanya, mas lalo pa ng manganak na ako sa kambal dahil siya ang nanatili sa tabi namin at tumayong tatay ng mga anak ko.
Alam ng kambal na hindi nila tunay ng ama si Laurence, pinaliwanag ko yun sa kanila nung medyo nagkaka-isip na sila dahil ayaw kong lalaki silang may mga katanungan kung bakit hindi kami nagsasama sa isang bahay ni Laurence o ano pa man dahil matalino ang mga anak ko. Isa pa, ayaw kong magsinungaling sa kanila, lumaki silang si Laurence ang kinikilalang ama pero kahit kailan ay hindi ko naisip na ipagkait sa kanila ang katotohanan.
Hindi naging madali ang naging buhay ko sa mga nagdaang taon lalo na nung bumalik ako sa pagaaral ko. Sobrang hirap na hirap akong pagsabayin ang pagaaral ko at pag-aalaga sa mga anak ko, mabuti nalang at katuwang ko si Laurence kung wala siya ay hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin o saan ako pupulutin. Sobrang dami kong naging utang sa kanya, hindi lang utang na loob, kung hindi pati sa pera.
Sobrang hiyang -hiya ako sa kanya noon dahil siya na ang nagbayad ng matitirhan ko dahil pansamantala akong huminto sa pagtatrabaho sa milktea shop noong kapapanganak ko, naalala kopa noon ay linggo-linggo nagdadala siya ng grocery para sakin at sa mga anak ko, para raw may makakain at healthy kaming tatlo pinagsabihan ko siya pero bawal daw akong tumanggi.
YOU ARE READING
When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)
FanfictionWarning!🔞 ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up alone and homeless, wishing for a better life. One day, she meets someone who changes everything-her "Devil," Bryan Devon Narvaez, a tall, r...