Chapter 17

946 14 3
                                    

"Hi.."Agad akong natigilan sa pagkalkal sa bag ko habang naglalakad ng may magsalita.

"H-hello.."Nahihiyang sagot ko at dahan-
dahang binaba ang bag kong hawak ko, hinahanap ko kasi yung panyo ko.

"I'm Shane.."Pakilala niya at inabot ang kamay sa'kin, dahan dahan ko naman itong tinanggap.

"S-seraphina."

Ngumiti ito."I know you..nababannggit kana ni bryan sakin."Mahinhing sabi nito. "You're one of his friends, right?"

Friend.

Tumango nalang ako."O-oo.."

"Seraphina, alam kong gusto mo siya." Diretsang sabi niya.

Napalunok naman ako at nagiwas ng tingin dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin o paano ko aaminin.

"Don't worry hindi ako galit.."Umiling pa ito. "Alam ko lahat ng nangyayari sa inyo, seraphina..alam ko kung ano kayo,"Dagdag niya pa.

"S-shane —"

"Lahat ng meron sa inyo alam ko, lahat yun inamin ni Devom sa'kin wala s'yang inilihim.."Patuloy niya pa, wala akong nagawa kung hindi manahimik. "Hindi ko alam kung nabanggit ba sa'yo ni Devom kung sino ako sa buhay niya."

"E-ex girlfriend ka niya, diba?"Mahinang tanong ko.

Tumango ito."Hindi ko siya masisisi kung bakit naging ganito siya. I hurt him, Seraphina.. nasaktan ko siya ng sobra, he's inlove with me since we're young.. kaya nung iwan ko siya ay sobra s'yang nasaktan at naapektuhan, kaya nung nagkaroon kami ng closure, pinangako ko sa kanya na babalik ako sa kanya..naging maayos kami ulit bilang mag bestfriend katulad kung paano kami nag-umpisa.."

"B-bakit mo sinasabi sa'kin 'to?"Hindi ko alam kung saan patungo itong usapan namin.

"I know him, Seraphina.. he's just playing with you.. alam kong alam mo ang sinasabi ko,"Seryosong sabi niya. "Layuan mo siya dahil gagamitin kalang niya..i'm not here dahil sinasaraan ko siya, i'm just here to give you a warning.."

"Shan—"

"Sana wag na 'tong makarating sa kanya.. ayaw ko lang na masaktan ka, Seraphina.. babae din ako.. ayaw kong sabihin 'to pero naawa ako sa'yo,"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Awa.

"Aaminin ko masakit para sakin lahat ng inamin niya tungkol sa inyo pero hindi ako nagreklamo kasi alam kong kasalanan ko..bukod don, sa kanya mismo naggaling na nakikipaglaro lang siya sayo, sa oras na bumalik ako sa kanya.. bibitawan ka niya."

Hindi ako nakapagsalita, dahil nahihiya ako. Sobrang desperada ko ba talaga kay Devon?

"Mahal ko siya, Seraphina.. hindi ko alam kung gusto mopa ba siya o mahal mona,   pero hindi ko siya idadamot sa'yo kung sakaling mahal kana niya..pero ayon sa sinabi niya sakin, aware ka sa lahat.. aware ka kung hanggang saan lang kayo."

"Sorry shan—"

"No.. sorry, Seraphina kung nasasaktan kita sa mga sinasabi ko.. gusto ko lang maliwanagan ka sa totoo,"

"Salamat sa paalala mo."Pilit akong ngumiti.

"Magkaibigan kami ni Devoon sa ngayon, pero dadating ang araw na babawiin ko rin siya, i'm his home, seraphina.. kahit ilang ulit s'yang dumaan sa ibat-ibang babae, sakin pa rin siya paulit-ulit na babalik."

Unti-unting sumikip ang dibdib ko, tama si Shane sa lahat ng sinabi niya. Napatunayan ko yun dahil kahit galing si Devon sa'kin paulit-ulit pa rin s'yang bumabalik kay Shane.

"Don't let him use you like a trash na kapag nagsawa na siya sa'yo ay itatapon ka nalang niya basta-basta..Be a woman, Seraphina.. maganda ka, at ayon sa mga kwento ng mga kaibigan ni Devon ay matalino ka rin, kaya sana gamitin mo ang utak mo."

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now