Mabilis na lumipas ang araw, linggo at buwan. Halos hindi ko namalayan sa sobrang abala ko sa sarili ko at sa trabaho. Kabwananan kona, araw nalang ang bibilangin ko at makakasama kona ang mga anak ko.
Oo mga anak ko dahil kambal ang batang nasa sina-pupunan ko.
Sobrang dami ng nangyari sa nagdaang buwan, mas natutunan kong mahalin at pagtuunan ng pansin ang sarili ko kaysa sa ibang tao, bagay na hindi ko nagawa noon dahil masyado kong binuhos yung buong atensyon ko kay Devon. Sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti kona ring nakalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Siguro ay dahil narin nasaktan niya ako kaya napadali sa'kin lahat, unang una na dun ay ang unti-unting kalimutan siya. Aaminin ko na dipa ako totally move-one at healed pero ayos lang yun dahil hindi naman ako nagmamadali, alam kong tanging panahon lang ang makakapagsabi kung kailan mangyayari yung bagay na yun.
Ayaw ko ng balikan yung mga araw na tinatanong ko sa sarili ko kung may kulang ba sakin o kung hindi ba ako karapat-dapat mahalin. Naalala kopa nga noong mga unang buwan ko dito, halos gabi-gabi akong umiiyak kapag naalala ko lahat ng sakit na dinulot sakin ni Devon.
Sobrang laki ng utang na loob ko kay Laurence, hindi lang dahil sa tulong niya sakin. Kung hindi, dahil siya ang naririto at kasama ko. Siya ang gumagawa ng mga bagay na dapat si Devon ang gumagawa para samin ng nga anak ko, yung pag-aalaga, yung pagmamalasakit, yung pagpaparamdam niya kung gaano ako kahalaga.
Nakakatawa lang dahil hindi ko manlang naranasasang ma-
pahalagahan kay Devon noon dahil sanay akong maging 2nd option niya lang. Pero para sakin ayos na yun dahil ginusto ko naman yun, masyado kasi akong nag-paalipin sa pagmamahal ko sa kanya."Seraphina.."Tawag niya sa pangalan ko.
"Ano nanaman, Laurence?"Naiiritang tanong ko.
Ngumuso siya."Sige naman na oh, pahawak lang.."
Ngumiwi ako."Sige na nga.."
Hindi maalis -alis ang malapad n'yang ngiti habang hinahaplos ang malaki kong tiyan. Wala sa sariling napangiti din tuloy ako, palagi niya talagang ginagawa itong bagay na ito, minsan nga ay kinakausap niya pa.
Araw ng linggo ngayon kaya nandito nanaman siya sa milktea shop para tumambay, hindi ko rin alam pero kapag talaga walang pasok ay nandito talaga siya para bwisitin ako, charot. Kadalasan ay nandito talaga siya, minsan nga ay dito na rin siya gumagawa ng mga activities, reportings at presentation niya dahil binabantayan niya daw ako.
Sa totoo lang ay ayaw na nga akong pag trabahuin ni Laurence dahil masyado ng malaki ang tiyan ko, ang gusto niya sana ay nasa bahay nalang ako at nagpapahinga dahil may ipon naman na daw ako pero tumanggi ako, wala naman kasi akong gagawin sa boarding mas maboboring lang ako, atleast dito ay nalilibang ako. Isa pa ay hindi naman mabigat ang trabaho ko dito, hindi rin nagbubuhat ng mabigat, aminado naman ako na kadalasan ay nanakit talaga ang likod ko dahil din siguro sa mas malaki na ang tiyan ko kumpara noon.
"Seraphina, sumipa sila.."Bakas ang tuwa sa boses niya.
Natawa naman ako."Ginugulo mo daw kasi ang pagtulog nila,"
Kinagat niya naman ang labi."Hello buddies, ako ulit 'to si daddy Laurence.. i'm sorry, nagising ko ba kayo?"Pag-kausap niya sa tiyan ko.
Namilog ang mata ko dahil mas lumikot sila, tutok na tutok naman si Laurence ay parang pinapakiramdaman din ang pag-galaw nila. Napahawak ako sa tiyan ko ng nakaramdam ako ng biglang paghilab.
"Bakit, Seraphina?may masakit ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Umiling ako."W-wala.. sobrang likot lang nila,"Dahilan ko dahil nawala rin naman agad.
YOU ARE READING
When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)
FanfictionWarning!🔞 ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up alone and homeless, wishing for a better life. One day, she meets someone who changes everything-her "Devil," Bryan Devon Narvaez, a tall, r...