Chapter 31

2.2K 18 2
                                    

"Nako, Seraphina..wag mong sabihing rurupok ka nanaman,"Sermon ni Lucy,

Kausap ko siya ngayon sa videocall sa instagram. Kitang kita ko ng gaano siya mas gumanda magbuhat ng mag new york siya, almost 3 years na din kaming hindi nagkikita dahil pareho silang umalis ng pilipinas ni Zara pagkatapos ng two years old birthday ng kambal.

"Manahimik ka Lucy,"Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagche-check ng blue print ko para sa hotel.

"Wag ka ng bubukaka, Sera..masyadong malakas yang demonyong yan, kita mo?ilang sagad kambal agad?"Ngumisi siya.

"Ilang taon kana d'yan sa new york hindi pa rin magbabago yang pasmado mong bibig,"Iritableng sabi ko.

"Bakit, anong masama sa sinabi ko?baka sa susunod hindi lang kambal ang magawa n'yan."Humalakhak siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Itikom mo yang bibig mo, okay?kasal na yung tao."Mariing sabi ko. "Kahit kailan hindi ko pinangarap maging kabit,"Dagdag ko pa.

Ngumuso siya."Okay sabi mo eh.. anyway, i need to go, hinihintay na ako ng boyfriend ko,"

"Nang-iinggit kaba?o di sana all may boyfriend,"

"Bakit kasi hindi nalang kasi si Laurence?halatang halata naman na ikaw lang ang iniintay niya,"Udyok niya.

"Walang intayang nagaganap, ilang beses ko ng sinasabi sa inyo na nagkaliwanagan na kami ni Laurence.. bestfriend lang kami,"

"Sabi mo eh, sige na bye.."

"Ingat ka d'yan, bye."

Pagkatapos ng usapan namin ni Lucy at sinarado kona ang loptop ko at binalik ang atensyon sa Blue print, tinapos ko ang disenyo na na-umpisahan ko kagabi.

"Seraphina.."Agad akong nag-angat ng tingin sa nagsalita, umiwas ako ng tingin at binalik ang atensyon sa ginagawa.

"Yes, Engr. Narvaez?"Pormal na tanong ko at binilot ang blue print.

"Did you already eat?"Maingat na tanong nito na ikinatigil ko.

"Hindi pa,"Pag-amin ko.

"Would you like to join me for lunch?"Lakas loob na tanong nito, dahil para tumaas ang kilay ko.

"Engr. Narvaez, hindi ko kailangan ng may kasamang kumain..lalo na at may asawa't anak pa,"Diretsang sambit ko.

"I-im sorry.."Mahinang sabi niya. "Gusto ko lang na maging komportable ang loob mo sa'kin, para kahit papaano ay makabawi ako sa mga pagkukulang at kasalanan ko sa'yo."

"Engr. Narvaez, sa mga anak ko nalang ikaw bumawi, dahil katulad ng sinabi ko sa'yo.. walang kahit anong makakapag-pabago ng isip ko, kahit ilang beses ka pang lumuhod sa harap ko hindi mo na mababago lahat ng nangyare noon."

"Sana, balang araw mapatawad mo pa ako, Sera..alam kong napaka-imposible at napakaliit na tyansa pero umaasa pa rin ako.."Seryosong seryoso siya.

Ngumisi ako."Binigyan kita ng tyansa para sa buhay ng mga anak ko, pero hindi na sa buhay ko.."

"I k-know.. Sera,"Bahagya pa s'yang pumiyok.

"Alam mo naman pala.. bumawi ka nalang sa mga anak ko dahil sigurado akong kaya kapa nilang tanggapin,"

Pagkatapos akong sabihin ang salitang yun ay binalik ko ang atensyon ko sa pag-aayos at pagliligpit ng lamesa ko, hindi ko na narinig pa na nagsalita si Devon pero ramdam ko pa rin ang presensya niya kaya kaya batid kong nandito pa rin siya.

Tumayo ako sa pagkakaupo at sinukbit ang bag ko. Kailangan ko ng umalis dahil nangako ako sa mga anak ko na sabay-sabay kaming kakain ng tanghalian, ayaw na ayaw kong hindi natutupad ang sinasabi ko sa kanila dahil nagtatampo sila sakin.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now