"Salamat Laurence."Sambit ko ng pagbuksan niya ako. "Gusto mobang pumasok muna sa boarding house ko para mag-kape?"Alok ko.
Umiling naman siya."Next time nalang siguro, Seraphina..medyo late na din, don't worry sa susunod hindi na ako tatanggi."
"Ang haba naman ng Seraphina, Sera nalang ang itawag mo sa'kin,"
Tumawa siya."Okay, Sera.."
"Salamat ulit sa paghatid, Laurence."
"Kanina ka pa nagpapasalamat.."Tumawa pa siya. "Anyway, i need to go."Aniya at winestra ang hinlalaki niya paalis.
"Wait.."Pigil ko sa kanya kaya hindi sinasadyang nahawakan ko ang braso niya, kaya bumaba ang paningin niya doon.
"Yes?"Mahinang tanong niya.
Inalis ko naman ang pagkakahawak ko sa braso niya. Bigla akong nakaramdam ng hiya.
Tumikhim ako."I-update mo'ko kapag nakauwi kana.."
"Paano kita i-update?wala naman akong number mo?"
Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko."N-number mo nga.."Uminit ang pisngi ko.
Narinig ko naman ang mahina n'yang pagtawa na mas nagparamdam ng hiya sakin. Binuksan ko ang phone ko, ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko ang sandamakmak na text at tawag mula kay Dev.
Ano nanamang problema nito?
Palihim akong umirap at nilagay sa app kung saan ititipa ang numero bago inabot kay Laurence, mabilis niya naman itong tinanggap. Nagtipa siya rito bago ibalik sakin, agad ko namang si-nave ang numero niya.
"Aalis na'ko."Ngumisi siya.
"M-magiingat ka,"
Pinisil niya naman ang pisngi ko."Opo.."
Kumaway pa ako sa sasakyan niya ng magbusina siya, naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya. Humakbang ako palapit sa pintuan ko, kumunot ang noo ko ng makita kong hindi ito nakalock.
Pero nilock ko'to bago ako umalis.
Kinabahan ako, ninakawan kaya ako? Mabilis kong binuksan ang pintuan at sinindihan ang ilaw. Nalaglag ang panga ko ng makita kong mahimbing na natutulog si Devon sa kama ko.
Anong ginagawa niya dito?
Maingat akong kumilos para ibaba ang gamit ko sa lamesa. Kumuha na din ako ng damit sa cabinet para magpalit, bigla kong naalala na hindi pa pala ako kumakain pero busog naman na ako. Wala sa sariling napatingin ako sa lamesa kung nasaan ang pills. Kumuha ako ng isa para inumin.
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa mga pirasong nakaligtaan kong inumin. Siguro ay manonood nalang ako sa youtube kapag wala si Devon dito, baka kasi marinig niya.
"Where have you been?"Mabilis naman akong napahawak sa dibdib ko sa gulat ng marinig ko ang inaantok na boses ni Devon.
Dahan-dahan kong humarap sa kanya at nakita kong nakaupo na siya sa kama.
"Bakit ngayon ka lang, Heaven?"Mahinang tanong niya. "Saan ka galing?"
"Wala akong masakyan kanina sa harap ng building ng condo mo kaya naglakad ak-"
"What?"Kunot noong putol niya sa sasabihin ko.
"Ang sabi ko naglakad ako para maghanap ng masasakyan.. hanggang sa nakarating ako sa bilihan ng streetfoods nagmiryenda muna ako doon,"
"Kung wala kang sasakyan, pwede mo naman akong tawagan..pwede namang ako na ang maghatid sa'yo pauwi,"Iritadong sagot niya.
"Nakakahiya naman sa'yo.. isa pa, alam kong kasama mo si Shane, ayaw ko namang makaistorbo sa inyo."Sagot ko at nagiwas ng tingin.
YOU ARE READING
When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)
FanfictionWarning!🔞 ||MATURE CONTENT Seraphina Nevaeh Salguero is an architecture student with big dreams who grew up alone and homeless, wishing for a better life. One day, she meets someone who changes everything-her "Devil," Bryan Devon Narvaez, a tall, r...