Chapter 33

2.1K 28 13
                                    

"Sera."
"Seraphina.."
"Kausapin mo naman ako oh?"
"May nagawa ba ako?"

Nagulat ako ng hawakan niya ako sa kamay kaya agad kong inalis ang pagkakahawak niya sakin.

"Ano ba Devon?"Naiiritang sabi ko.

Binasa niya ang pang-ibabang labi niya."May nagawa ba ako?"

Tinaasan ko siya ng kilay."Wala, Devon.."

"Pero bakit mo'ko iniiwasan?"Pahina ng pahina ang boses niya. "Apat na araw ko ng napapansin na iniiwasan mo'ko."

"Bakit Devon?may dahilan pa para lagi kitang pansinin at kausapin?"Prangkang sabi ko. "Lilinawin ko lang ulit sa'yo.. sa buhay lang ng mga anak ko, ikaw may karpatan,"

"I thought..maayos na tayo,"

Tumango ako."Yes Devon, we're casual as twin's parents and nothings more.."Walang emosyong sabi ko. "Hinayaan na kitang makilala ng mga anak ko, pero hindi ibig sabihin nun ay pumapapel kana din pati sa buhay ko,"

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa maya niya."I'm sorry.. Sera,"

"Ano, Devon?puro sorry nalang?sawang sawa na'kong marinig yang lintek na sorry na yan, gasgas na gasgas na yan.." Nauubusang pasensyang sabi ko.

Tinalikuran ko siya at akmang hahakbang na pero kusa akong natigilan ng yakapin niya ako mula sa likod at diretsong binaon ang mukha sa leeg ko. Pakiramdam ko nanigas ako, hanggang sa unti-unti akong nahimasmasan at nagpumiglas, may hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.

"Anong ginagawa mo, Devon?"Asik ko at hinampas hampas ang kamay niya.

Napalunok ko ng maramdaman ko ang pagbabasa ng leeg ko. Ramdam na ramdam ko din ang panginginig niya.

"I've been trying to forget you.. but i cant, Sera."Mahinang mahinang sabi niya. "Six f*cking years.. believe me, i tried.."

Pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya sakin pero mas lalo pa niya hinigpitan.

"Bitawan mo'ko, Devon.. hindi mona ako ulit mauuto,"Nanggigil na sabi ko. "Hindi na ako yung, Sera noon na kaunting lambing mo lang bibigay na."

"Mahal kita, Sera..yun yung totoo, mahal na mahal pa rin kita,"

Pagak akong natawa."Ginagag* moba ako, Devon?alam nating dalawa kung sino ang talagang mahal mo.."Matalim ko s'yang tinignan.

"S-seraphina, please.."

"Buong panahon na magkasama tayo noon, ni minsan nga hindi mo pinaramdam sakin na mahalaga ako, tapos ngayon sasabihin mong mahal mo'ko?"Umiling -iling pa ako. "Lagi kong nararamdaman noon na pangalawa lang ako para sayo.. na kahit ako yung kasama mo, wala pa ring makakapantay sa kanya, diyan sa puso mo.."

Hinang hinang siya sa bawat salitang sinabi ko kaya nagkaroon ako ng tyansa para malakas s'yang itulak dahil para mapabitiw siya sakin. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya, kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

Bumalik nanaman sakin lahat, yung kung paano ako makihati kay Shane, kung paano niya ako iwanan para lang kay Shane, kung paano niya paulit-ulit na piliin si Shane.

"Seraphina!"Sigaw ni Devon.

Sobrang bilis ng pangyayari, natagpuan ko nalang yung sarili kong bumagsak sa buhanginan dahil sa pagkakatulak sakin kasabay ng malakas na pagalingawngaw ng tila isang bakal na nahulog. Napahawak ako sa noo ko dahil tumama ito sa bato, hindi na ako nagulat ng may dugo ang kamay ko. medyo nakaramdaman din ako ng hilo kaya pumikit ako ng mariin.

Bumalik lang ako sa wisyo ng mag umalalay sakin kaya nagdilat ako ng mata at bumungad sakin si Engr. Corpuz, dahan-dahan niya akong tinayo.

Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyare pero para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng makita kong nakahandusay si Devon at walang malay may dugo din ito sa ulo.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now