Kabanata 4

6 0 0
                                    

Dumating na ang araw na kinaaayawan ko.

Friday nga. Pinipiritong araw.

Gustong-gusto ko ng pirituhin 'yung nakakainis na Yohan na 'yan!

Ayoko bumilis ang oras. Pagkatapos ng lunch break ay makikita ko na naman ang pagmumukha ng Yohan na 'yon! Sinabi na din kasi sa amin ni Mr. Gonzales na ang impaktong anak niya nga muli ang magtuturo sa amin dahil may meeting ang mga Head Prof kasama ang principal!

Ano ba kasi ang pinag-uusapan nila at hindi matapos-tapos 'yon?

"Ma'am Faye!" I called her out kaya napalingon siya sa akin. Tumakbo ako palapit sa kaniya at inabot ang activity ko na hindi ko napasa kahapon dahil hindi ko nga natapos!

Tinatawag ko siyang 'Ma'am' kahit pa Ate siya ni Avia. Pero sa labas ng academy ay Ate na talaga ang tawag ko sa kaniya. It's just a respect for her.

Napa-iling siya bago bumuntong-hininga. "Next time, pass it on the right time, and the right day. Binigyan ko kayo ng deadline for the submission. Don't do this again."

Hinihingal ako na tumango sa kaniya. "Sorry po. Hindi na po mauulit." Kinuha naman niya na ang activity ko at tinuloy na ang pagpasok sa loob ng faculty. Namataan ko pa si Kuya Carlson na nakatingin sa akin at tinatago ang tawa. Sinamaan ko siya ng tingin bago talikuran at naglakad na pabalik sa cafeteria.

"Gaga ka kasi, I told you na gawin mo na. But you choose to do the other activity na hindi naman ganoon kahalaga." Sermon sa akin ni Avia.

"Eh... Mas madali 'yun." Ngumuso pa ako sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo, Miara."

Natahimik na kami at patuloy lang na kumakain.

Avia is like a sister to me. Kahit ako talaga ang mas matanda sa amin, she act like my Ate. She is more mature than me. She has more knowledge and diligence. Habang ako ay may katamaran tapos mahilig pa magreklamo sa mga pinapagawa sa amin.

Well you know, the education system is now hard than the past years. Mas tumalima na ngayon ang mga Prof sa pagtuturo at pag-eensayo sa amin. Maybe, also because of what happened in the past? They want us to be more ready, in case there is a War again.

"'Wag na kaya tayo tumuloy sa training room? Wala naman si Sir eh." Ani ko kay Avia habang tinatahak namin ang daan patungo roon sa training room.

"Ayaw mo lang makita si Yohan." Alam niya talaga!

"Kung ikaw lang nasa position ko, aayawan mo na din pumunta sa training."

"May attendance, kung ayaw mo tumuloy. Ikaw na lang." Patol niya sa akin kaya lalo akong napasibangot.

"Parang hindi kaibigan!" Reklamo ko pa.

Wala na akong nagawa nang dumating kami dito sa harapan ng pintuan, binuksan iyon ni Avia at napatingin sa amin ang mga classmates namin. Akala siguro nila ay si Yohann na.

"Aray!" Reklamo ko nang may lalaking sumingit sa gilid ko at binunggo pa talaga yung braso ko! Pumasok siya sa loob habang may ngisi sa labi. "Impakto ka talaga!"

Tumalikod siya at hindi ako pinansin. Tignan mo! Sobrang nakakaasar!

"Okay, let's start doing warm-ups." Lumapit na siya sa mga classmate ko. Akala mong walang kasalanan sa akin!

Binaba lang namin saglit ni Avia ang bag na dala namin at sumali sa kanila mag-warm ups. Masama ang pinupukol ko na tingin kay Yohan pero siya ay seriyoso lang na nagtuturo! Feeling trainor talaga, eh!

Moonlight Academy: The Lost Heart Where stories live. Discover now