Kabanata 32

11 0 0
                                    

This is it. This is what Yohan and I had been waiting for. The event I never thought will continue. The moment I never thought will happen in my entire life. The moment I would never forget.

Here I am... in my last step here inside the Moonlight Academy. Where it all begin. Lahat... kung saan nakilala ko si Yohan, ang dahilan kung bakit narito ako ngayon, nakatitig sa paaralan kung sino ang bumuo sa amin. Ang Moonlight Academy na saksi sa lahat ng iyakan, awayan, bardagulan, tawanan, sakitan... ang paaralan na saksi sa pag-iibigan ng dalawang nilalang. Ang nabuong pagkakaibigan. Ang humubog sa kakayanan ng lahat. 

Ang Moonlight Academy na aming pangalawang tahanan... dito, nahanap ang lahat ng nawawalang pagkakakilanlan. Ang prinsesa... ang mundo... at ang puso. 

Tinulungan na nila akong makapasok sa isang malaking karwahe. Bago pa maisara ang pintuan. Muli kong sinulyapan ang paaralan na lumikha sa lahat...

"Maraming salamat sa lahat... Moonlight Academy."

Nagsimula nang umandar ang karwahe patungo sa Ravaryn kingdom. Kung saan naghihintay na ang lahat sa pagdating ko. Kung saan gaganapin ang pag-iisang dibdib namin ni Yohan. 

Pinagsalikop ko ang kamay ko at tinapat sa aking labi. Pinikit ko ang ang dalawang mata ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Lumalakas na din ang kabog ng dibdib ko gayong kaunting minuto na lang... ikakasal na ako. Buong akala ko ay hindi na ito matutuloy. Buong akala ko hindi talaga kami ni Yohan ang para sa isa't isa matapos mangyaring... pinaikot lang kami ng Abel. 

It always happens. In Love, there's a pain. It's not perfect as you know it is. Everything is not perfect. In love, no matter how hard to keep it floating above the ocean, when there is a storm coming in our way. We still manage to survive... kahit gaano pa kalupit ang mundo sa amin.

Kung hindi talaga siya para sa'yo... hindi kana bibigyan pa ng rason ng tadhana para muli kayong magkasama. Pero kung kayo talaga ang para sa isa't isa... siya ang gagawa ng paraan para muli kayong magkasama.

Mula sa aking labi ay bumaba ang mga kamay ko sa aking tiyan. Pinakiramdam ko ang... anak namin ni Yohan... ang kabuuan ng aming pagsasama at pagmamahalan. Ang bata sa aking sinapupunan, ang naging rason kung bakit muli kaming pinagbuklod ng tadhana. 

Ang aming puso ay hindi tumigil na mahalin ang isa't isa... ngunit mas lumalim lang ang aming pagmamahal simula noong malaman ko at sabihin ko sa kaniya na magkakaroon na kami ng isang pamilya.

Mahal na mahal kita, anak... Mahal na mahal ka namin ng Papa mo...

Inilipat ko ang tingin ko sa labas ng bintana, nasilayan ko na ang kaharian, malapit na kami. Malapit na ako sa katotohanan. Malapit na...

Ipinuwesto na nila ako sa harap ng malaking pintuan. Ang pintuan na nagbubukod pa sa ngayon. Upang hindi nila makita ang kagandahan ko. Shocks.

Bukod sa bouquet ay may hawak din akong panyo. Malamang na iiyak ako. Ngayon pa lang na hindi pa bumubukas ang pintuan gusto ko na umiyak, eh.

Sa ngayon ay hindi pa nakalagay ang belo ko. Mamaya pa at si Mommy ang mag-ayos nito sa akin.

I heard the organizers told me to get ready. Huminga ako nang malalim at pumikit. Narinig ko na ang tunog ng piano sa loob. Hudyat na... malapit na buksan ang malaking pintuan sa harapan ko.

Nagbilang na ang magbubukas ng pintuan. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan at humigpit ang hawak ko sa bouquet.

The music started to play as the door slowly opens. That moment it happens... I opened my eyes as the tears fell down my cheeks.

I don't care if my make up would ruin, I'm freaking too emotional.

I started to walk down the aisle, I saw the people of Moonlight looking at me with big smile on their faces.

Moonlight Academy: The Lost Heart Where stories live. Discover now