Kabanata 15

4 0 0
                                    

"Chill, woman." Inagaw na ni Yohan ang baso ko na may laman na alak. Nandito kami sa may labas ng bahay namin kung saan merong malawak na space na puro damo.

We were sitting to a metal chair at may metal table din sa gitna namin. Nakasuot ako ng jacket ko pero tinanggal ko din nang maramdaman ang init ng katawan ko.

"Let's go inside, malamok na." Aya niya sa akin. Tumayo siya at hinawakan ang dalawa kong kamay para patayuin ako. "Up, up."

"Ayoko pa... dito muna tayo." I insist. I can feel that I'm already drunk kahit dalawang bote ng Soju pa lang naman ang nauubos namin. Hilong-hilo na ako at namamanhid na ang buong katawan ko.

"Huwag mo hintaying buhatin kita." Pagbabanta niya, kahit alam kong nagbibiro lang naman siya.

I seductively laugh while looking at him with my sleepy eyes. "Sige nga. Kung kaya mo." May halong paglalaro na hamon ko.

"Miru..." Suway pa niya.

"Yobe..." Panghaharot ko pa.

"That's it. Bubuhatin na kita."

Impit akong napatili nang buhatin niya ako na parang isang sako ng bigas. "Put me down!" Mahina kong hinahampas ang likuran niya, pero parang wala lang sa kaniya iyon!

Pagdating sa bahay, hinagis niya agad ako sa higaan ko at tinanggal ang tsinelas sa aking paa.

"I said I want more!" Naiinis kong sabi.

"Kulit mo! Hindi na nga kita lalasingin." Napakamot na lang siya sa kaniyang batok habang nakatingin sa akin. Hindi na malaman ang gagawin.

Nagwawala pa din ako at nagsisisigaw. Tumayo ako para sana sapakin si Yohan pero napabalik lang din agad ako sa higaan dahil sa sobrang hilo. Naririnig ko pa ang mahihinang pagtawa ni Yohan at halatang nirerecord ako!

"Patay ka talaga sa'kin, lalaki ka kapag hindi na ako lasing!

"Do you like me?"

"Of course! Ano ba!"

Nanlumo ako sa kinauupuan ko nang ipanood sa akin ni Yohan ang video ng pagwawala ko kagabi. Nakatakip ng bibig ang mokong na lalaki habang ako ay namumula sa sobrang hiya!

"You like me?" He asked me, making sure sa sinabi ko kagabi! I was so drunk!

"H-Hindi ako 'yan!" Tinuro ko ang video. Pinatay ko na ang phone niya dahil hindi ko na kaya pa itong panoorin. Nasira na tuloy yung appetite ko ngayong umaga!

"Hindi, ikaw 'yan. Malinaw sa video, oh. I have proof. You said that you like me." Bubuksan niya sana ang phone niya kaso kinuha ko agad iyon. "Hey! Akin 'yan!"

Tumakbo ako palayo sa kaniya at sinubukang burahin 'yong video, pero nayakap niya agad ako sa likuran ko at naagaw sa'kin ang phone niya!

"Bitaw!" Pilit akong kumakalas sa mahigpit niyang yakap. Kahit kailan talaga!

"Ayoko nga." Pang-aasar pa niya.

Matagal kaming nagtalo hanggang sa bitawan niya na ako. Tinago niya na ang phone niya sa kaniyang bulsa.

"Lagot ka talaga sa'kin kapag 'yan pinakita mo kung kani-kanino!" Pinamewangan ko siya bago bumalik sa hapag-kainan. Pipilitin ko na lang kumain kahit buwisit na buwisit na ako kay Yohan.

Love language talaga namin magbangayan. Mukhang tama nga si Aling Che, hindi kami makakatagal rito dahil sa sobrang payapa ng lugar ay sinisira lang ng bulyawan namin ni Yohan.

Moonlight Academy: The Lost Heart Where stories live. Discover now