Kabanata 28

9 0 0
                                    

Nang matapos na kumain ay nag-aya na silang mag-swimming. Sinamahan naman ako ni Shaley, isa sa unang kong inakalang mataray sa mga kaibigan ni Janice dahil sa kilay nito. Tinuro niya kung saan kami matutulog, of course, kailangan lang na magkahiwalay ang room ng babae at lalaki. May pagkastrikto din si Ate Merry at Kuya Tope, 'no!

Apat lang ang kasya dito sa isang room, kasama ko si Shaley, Rich, ang babaeng singkit, at Kisha, the girl that I thought was model earlier.

Inayos ko lang ang gamit ko. Pumunta pa ako sa may CR para hubarin ang palda ko at maiwan na ang swimwear shorts. Tinali ko na din ang buhok ko para hindi ito tumataklo mamaya sa mukha ko.

Lumabas na kami ni Shaley at sakto naman na lumabas din mula sa kabilang room ang lima na babae, it is Nica, Sasha, Cris, Lia, at Isha. Mabuti nga at nagkasya silang Lima kahit na apat lang ang higaan. Dalawa siguro sa kanila ay magkatabi na lang matulog. Nagpalit din pala sila ng pang-swimming.

Bumalik na kaming pito kung saan naghihintay ang mga kalalakihan. Ang iba ay nasa pool na, at ang iba naman ay nagtitipa sa phone nila. Mukhang naglalaro ng mobile games. Lumapit naman ang dalawang babae sa kanilang kasintahan.

Lia is the partner of Ace, the guy who has a fine masculine arms and shoulders. Si Isha naman, partner iyong lalaking napansin kong maraming peklat sa katawan. His name is Rico.

"Tara na! Gusto ko na maligo!" Reklamo ni Nica habang hinihila si Sasha at Cris doon sa pool. Natawa na lang ako dahil sabay-sabay silang nahulog doon, nagreklamo pa ang dalawa sa ginawang pambuwisit sa kanila ni Nica.

Rich and Kisha was relaxing to the stairs of the pool. Magkaharap sila at mukhang malalim ang pinag-uusapan dahil may hand gestures pa silang dalawa. Minsan ay tatawa at magtataas pa ng kilay. They look like a chismosa's.

"Raim! Tara free fire?" Aya ni Shaley sa lalaking kanina ay inuusisa ang pagkatao. Nonchalant lang pala talaga siya at mahiyain pero sabi naman ni Shaley ay mabait ito. May pagka-isip bata lang.

Tinaas naman ni Raim ang phone niya, ready na makipaglaro.

"Ikaw ba, Miara? Mayroon ka ba no'n? G tayo." Inaya niya din ako.

Umiling naman ako dahil hindi pamilyar sa akin iyon. "Hindi ako mahilig sa online games." Sabi ko na lang.

Tumango naman siya bago magpaalam at tumabi doon kay Raim. Naiwan tuloy ako dito sa gilid ng pool kaya umupo nalang ako doon at winasiwas ang binti ko sa tubig.

"Paano kayo nagkakilala ni Janice? I've never seen in our university." Napatingin ako sa tumabi sa akin. Janice's gay friend. Her name is Marc.

Nahihiya akong ngumiti. "Suki kami ni Kuya Tope noong namamasada pa siya ng taxi."

He nodded. "Saan kang university? I heard you're already graduated. Kasabay mo daw 'yung pogi na guy na 'yon?" Turo niya kay Yohan na naka-upo sa may water drop swing at pinagmamasdan ang ganda ng paligid. "Is he your boyfriend?"

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na sa Moonlight Academy ako nagkapagtapos. Sure akong magtataka 'yon kung saan lugar.

"Letran. BS in Business Management in Finance... and yes, sabay kami ni Yohan because we're on the same year level." Bumalik ang tingin ko kay Yohan. Isang pagkakamali ang nagawa ko dahil nakatingin din pala ito sa gawi namin.

Iniwasan kong sagutin ang huli niyang tanong. Marc was looking at me, confused. "Bagay naman kayo, pogi siya at maganda ka. Maganda ang body build niya at Ikaw sexy at mukhang model. Bakit hindi na lang maging kayo? O kaya, baka kayo na..." Napahinto siya at nag-isip. Ang daldal naman niya. "Nag-LQ siguro kayo, ano?"

Moonlight Academy: The Lost Heart Where stories live. Discover now