Avianna's point of view
"Wahhh!" Malakas akong napatili dahil sa sobrang kilig. Halos maihi na nga ako!
"What's happening?" Sumilip si Clyde mula sa kusina para tignan ako kung bakit ako tumitili.
Tumayo ako at patakbong lumapit sa kaniya. Pinakita ko ang IG story ni Yohan na magkasama sila ni Miara at couple feels sila! Ang cute kaya nila doon sa picture... they look really happy!
Tipid lang siyang ngumiti at bumalik na ulit sa paghuhugas ng pinggan.
"Aren't you happy? Nagkakaroon na sila ng development. Actually, dati pa, before the big surprise announcement." Sumandal ako sa may gilid ng lababo. "Kami lang nakakaalam no'n ni Caroline. Pinipigilan silang magka-love life pero ang totoo sila pala talaga ang ipagtatagpo. Biruin mo 'yon! Ha-Ha!"
Kahit ako ay hindi makapaniwala. Iniiwas sila tapos palihim na nagkikita si Yohan at Miara. Tapos they really are meant to be talaga!
"Kaso, ayaw nila maging Hari at Reyna." Pinaalala sa'kin ni Clyde.
"Oo nga, eh... sa tingin ko, hindi na nila matatakasan iyon. Dahil si Clara na mismo ang nakakita na... sila ang future ng Ravaryn." Humalukipkip ako. Nababagot din ako minsan kapag naaalala iyon. I mean... they are still together but has a big responsibility to take.
I knew Miara, she just wants to live a normal life. No attention.
"Do you think... tanggapin nila ang responsibility?" I asked Clyde. Kahit alam kong wala din naman siyang kaalam-alam doon.
"I don't know." Sabi ko na nga ba. "It's their decision to make."
***
Miaralyn's point of view
"Sana all! Hard launch na!"
Niyakap ko si Tita Jen pagdating niya rito sa Batanes. Nakipagbeso naman siya kay Yohan. Expected na namin na pupunta siya kaya pinagluto namin siya ng makakain. Sakto na din naman at nakahain na.
"So, are you two a couple now?" She asked, curious.
Nakatinginan tuloy kami ni Yohan bago nahihiyang tumawa. "Not yet, Tita."
"Anong 'not yet', eh, ang sweet-sweet niyo sa picture? 'Wag niyo sabihing wala pa din kayong label?"
"We are... taking it slow, Tita. Until we're ready." Si Yohan ang sumagot no'n.
Tumango na lang si Tita, mukhang naintindihan naman niya ang pinopoint ni Yohan.
Mga ilang oras lang kami nagkwentuhan doon saka niya nakapagpasyahan na bumalik na ng Manila. Hiniram pala niya ang private jet ni Tito Sean kaya madali na lang 'yon sa kaniya na makabalik.
Bago umalis ay may binigay muna siya sa amin ni Yohan. Sa'kin ay medium size na box at kay Yohan naman ay maliit na box. Nakabalot ito sa gift wrap kaya hindi namin alam ang laman.
Napansin kong binulungan ni Tita Jen si Yohan, mula sa natutuwang mukha nito ay napalitan ng gulat, bigla na din naman itong nabalisa at kinabahan. Tinawanan lang siya ni Tita Jen at sa'kin naman siya sunod na lumapit.
"Magagamit mo 'yan tuwing gabi. When you wear it, it means that you two are ready to face heaven's and earth." Aniya na nagpataka sa'kin.
"Po?" Inosenteng tanong ko.
"Maiiwan ko na kayo! Bye! Enjoy! Be protected!" Tuluyan na siyang sumakay sa itim na van at iniwan kami doong tulala ni Yohan.
Nauna nang pumasok ng bahay si Yohan. Sumunod naman ako at dumiretso sa kwarto ko para tignan ang binigay sa'kin ni Tita Jen.
YOU ARE READING
Moonlight Academy: The Lost Heart
FantasyMoonlight Academy Trilogy (Book 3) How come nightmares never disappear? Why is the past is always there? Why can't you leave me? Why can't you let me move forward? What did I do? Started: February 16, 2024 Ended: July 21, 2024