Kabanata 34

10 0 0
                                    

Miaralyn's point of view

After admitted...

Sa huling pagkakataon... sinilip ko ang mukha ng aking Ina sa loob ng kabaong. Yakap ko ang kaniyang litrato. Pinipigilan ko ang sariling maiyak.

Yohan was behind me. Inaalalayan ako. Hawak niya ang kaliwa kong braso dahil ang kanan ay mayroon pa ding benda.

Ngayong na ililibing si Mommy at Tito Elijah. Hanggang ngayon ay hindi pa din matanggap ni Tita Diane ang pagkamatay ng asawa.

Ako... hindi ko alam kung tanggap ko na ba. Kumikirot pa din kasi ang aking puso sa tuwing naaalala ko ang mga panahon na magkasama kami ni Mommy. Kung paano ko siya iligtas tuwing gabi kapag sinasaktan niya ang kaniyang sarili.

She's free now... magkasama na sila ni Daddy sa langit. I knew they were both happy now that their together. Alam kong masaya din sila dahil sa wakas... naibalik na ang katahimikan at kapayapaan sa Moonlight.

Hindi pa tapos ang laban ko... kailangan ko pa ipaglaban ang karapatan ni Caroline. Ang dating batas. Kailangan ko maibalik ang lahat sa dati.

Hinagis ko ang bulaklak sa kabaong ni Mommy habang binababa na ito sa ilalim ng lupa. Nakayakap lang ako kay Yohan habang umiiyak. Yohan embrace me, as if saying that everything will be okay...

Tama si Mommy... Yohan is always here for me. Sobrang laki ng tiwala niya kay Yohan. Hindi ko sasayangin ang lahat ng iyon.

Days passed at hindi ko pinalagpas ang araw na hindi magkakaroon ng Isang pagpupulong sa loob ng Ravaryn kahit ongoing pa din ang renovation nito. Kailangan ko na ito gawin hangga't maaga pa.

Ipinaglaban ko ang nararapat, ang dating batas. Bilang kasalukuyang reyna ng Ravaryn... nasa kamay ko ang batas at alintuntunin ng lahat. Ginagawa ko ito para sa ikabubuti ng lahat ng nilalang... at maging ang mundo. Upang hindi na muli pang masakal... ang mga nasasakupan. Ang mga karapatdapat na maging Reyna. Upang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na maging independeng Reyna... kung saan ay hindi na kailangan pa ng hari.

Ang Reyna na itataya ang buhay niya para sa mundo. Ang Reyna na handang lumaban hanggang kamatayan para iligtas ang nasasakupan niya.

Ipinakita ko sa kanila ang ebidensya ng libro. Maging si Ninang Maxie at Mama Mara ay nagsalita sa harapan upang magbigay ng paliwanag at kasiguraduhan na sila ay pumapayag sa aking sinasagawang bagong batas.

Hindi lang pala ito bagong batas... ibinabalik ko lang ang lahat sa dati...

Dahil buong puso kong ipinaglalaban ang lahat... Nanalo ako. Naipanalo ko... ang aking ipinaglaban...

Pagbaba ko ng stage ay agad akong sinalubong ng yakap ni Yohan. Mahigpit niya akong niyakap nang maramdaman niyang umiiyak ako.

"You did it, Miru. I'm so proud of you." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Mas binaon ko lang ang mukha ko sa kaniyang dibdib.

Kinabukasan ay nagkaroon naman ng isang pagpupulong para sa Radarlin. Inanunsyo ni Tita Diane... na si Avia at Clyde ang magiging bagong pinuno ng Radarlin.

Sobra kaming gulatan sa narinig ngunit ang dalawa ay mukhang alam na ito dahil nag-thumbs up lang sila sa amin. Mukhang pumayag din sila sa kagustuhan ng reyna.

"Ito ang huling habilin sa akin ng namayapang hari ng Radarlin... Kaya tanggapin niyo po sana ang kagustuhan na sila ang gawing bagong pinuno, na maglilingkod, maggagamot sa mga may sakit, at magliligtas sa kapahamakan ng isang nilalang."

***

"Nasaan ang pinapadala ko sa'yo, Yohan?"

Tinaasan ko ng kilay si Yohan nang makitang wala itong dala na kahit ano pagkapasok sa loob ng bahay. Galing kasi ito sa kaharian at nagkaroon sila ng pagpupulong na hari at opisyal.

Moonlight Academy: The Lost Heart Where stories live. Discover now