Kabanata 35

10 1 0
                                    

"Astra Yhra T. Gonzales..."

Pinagmasdan ko ang mukha ng anak namin ni Yohan. Nandito kami ngayon sa harap ng puntod ni Mommy at Daddy. Sa mundo ng mga tao.

Yes... dito ko naisipan na ilibing si Mommy. Para magkasama sila ni Daddy. Magkatabi sila. Alam kong ito din ang gusto ni Mom.

May nakalatag na picnic mat at dito kami naka-upo ni Yohan. Mayroon din kaming dalang pagkain. Simula umaga ay narito na kami.

Astra is growing so fast. Kahit 10 months old pa lang siya ay kaya na niya gawin ang ilang mga bagay. Katulad ng pagkain at kaunting lakad.

Gumapang si Astra sa gitna ng puntod ni Mommy at Daddy tapos ay umupo siya doon habang nakaharap sa lapida, mukha tuloy niya itong binabasa.

"This is Lola Valerie..." Turo ko sa lapida ni Mommy. "And this is Lolo Evan..." Turo ko naman doon sa lapida ni Daddy.

Sinundan lang ni Astra ang daliri ko habang inaabot iyon kaya natawa tuloy ako para buhatin siya at ibalik sa picnic mat. Madudumihan na 'yung damit niya.

Nang maka-ayos ako ng upo ay inabutan ni Yohan si Astra ng milk bottle niya. Kinuha naman ito ng bata at sinubo ang chupon.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil maging ako ay inabutan niya ng gatas, 'yung Bear brand na may straw.

"Hindi naman ako baby, ah?" Anas ko pero kinuha pa din naman iyon dahil bukas na.

Mahina siyang natawa. "You are my baby at night."

Napa-ubo ako nang bigla akong masamid sa iniinom na gatas. Tumulo pa ito sa bibig ko kaya kumuha siya ng tissue at siya ang nagpunas nito. Nakangisi at tuwang-tuwa sa nakikita.

Muli ko siyang inismiran.

"How's your shop?" He asked me after annoying me. Kumuha siya ng slice bread sa basket at pinalamanan ito ng peanut butter.

"Nakikilala na ng mga tao. Simula nung magbukas ay palaging dagsaan at sold out ang mga breads and pastries. Dumadami na din ang orders online. Mayroon na nga naghahanap ng cakes pero hindi ko pa gamay ang paghulma at ingredients." Paliwanag ko. Tinapon ko na sa may plastic ang iniinom na gatas nang maubos ko na ito.

Napangiti siya nang marinig iyon. "Good to hear that your shop is improving." He compliments bago ilahad sa akin ang tinapay.

"Your?" Ulit ko sa sinabi niya. "Anong 'your' ka diyan? Sa ating dalawa 'yon, Yohan."

Nilingon niya ako bago umiling. "Ikaw ang nagpapatakbo no'n. It's yours."

Ako naman ang umiling. "Hindi ako magkakaroon ng shop kun'di dahil sa'yo. Tayong dalawa ang may-ari no'n."

"You named it."

"Because you want me to choose." Patol ko.

"Because it's your business, not mine." Dagdag niya

"We signed the contract."

"But I'm not the one who designed it."

"But---"

"No more but's, Miru. It's yours because the owner is mine."

I paused before rolling my eyes. Accepting my defeat.

"Marupok," Dinig kong bulong niya. Nakangisi na naman siya, inaasar talaga ako!

"I'm not!" I exclaimed.

"Then why are you blushing?" Taas kilay na tanong niya.

"Naiinitan lang ako!"

"Naiinitan saan?" Nilibot niya ang tingin. Walang makikitang sinag ng araw at malakas din ang hangin kaya malamig.

Moonlight Academy: The Lost Heart Where stories live. Discover now