"Miru?"
Sabay kaming napalingon ni Rich nang marinig na tawagin ni Yohan ang ginawa niyang nickname sa akin.
Naglalakad ito palapit sa amin. Kinukusot pa ang mata na parang bata.
"Miru, is that you?" Halata sa boses nito na may tama siya ng alak.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Rich. "Babalik na ako sa room. Nandyan na ang ex mo." Tumayo na ito at iniwan ako rito.
Ano daw? Ex? Paano niya nalaman? O baka nahalata lang?
Tuluyan na nga'ng nakalapit sa gilid ko si Yohan. Namumula ang mukha nito, bahagya pang bukas ang tatlong butones ng suot niyang button down polo. Lasing nga siya.
"Ano'ng tinawag mo sa akin?" Tinaasan ko siya ng kilay. Umatras pa ako sa inuupuan ko dahil apakalapit niya.
Dapat pala hindi ko na lang ginawa ang pag-usog. Siya naman ang umupo doon! Ang space na naiwan ko, inupuan niya. Hindi na ako naka-angal pa nang yakapin ako nito sa may bewang ko at sunobsob ang mukha sa may leeg ko.
"Y-Yohan! Ano ba! Bitawan mo ako!" Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap niya sa bewang ko pero masyado siyang malakas. Mas hinigpitan pa niya ang kapit sa'kin, para bang takot na mawala ako.
Sa lapit ng ng ulo niya ay naamoy ko ang amoy ng alak sa kaniya. Napadami 'ata siya ng inom kaya't ganito siya.
Natahimik kami, hindi na ako nagpumiglas pa.
I suddenly felt a bit of calmness after what he did. He was hugging me, bagay na namiss kong gawin niya. Bagay na palagi niyang ginagawa noong panahong kami pa. Para bang ilang segundo ay mawawala nalang ako sa paningin niya.
Lumakas ang kabog ng puso ko. Rumaragasa ang hindi ko maintindihan na pakiramdam sa aking tyan nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.
"Miru, Miss na kita... Hindi ko kaya ng wala ka."
Napa-iwas ako nang sabihin niya iyon. Alam kong lasing lang siya. Mula sa bigat ng paghinga niya ay masasabi kong tulog ito. Nananaginip lang siguro siya.
Sinubukan ko muling ilayo ang sarili ko sa kaniya, pero sadyang matigas ang ulo niya, ayaw akong bitawan.
"Yohan, nahihirapan ako."
"No, Miru, ayokong nahihirapan ka. Ayokong makita kang nahihirapan. Hindi ko kakayanin, Miru."
Kung hindi lang ito lasing ay aakalain kong baliw na siya. Mukhang kailangan ko yata gisingin si Janice para ipacheck up itong si Yohan kung anong sakit niya sa pag-iisip.
"Stop calling me Miru!" I yelled at him. Isang malakas na tulak pa at sa wakas ay nagtagumpay akong magkahiwalay sa kaniya.
Tinignan ko siya ng masama. Ngayon ko lang napansin ang luha sa kaniyang pisngi. Lasing na talaga siya at wala na sa sarili.
"Bumalik ka na sa kwarto niyo. Huwag mo na ulit akong yayakapin. Nandidiri ako sa'yo." I look at him with disgust. Walang pagdadalawang isip na tumayo ako at lalagpasan na sana siya nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.
Marahas ko na inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Good thing na lasing siya kaya kahit paano ay nanlalambot ang katawan.
Pinagpatuloy ko lang ang pag-alis ko kahit pa walang humpay siya sa pagtawag sa aking 'Miru'. Hindi manlang ako lumingon sa kaniya.
A tear escaped my eyes when I can hear his sobs from behind. Natigilan ako. Napayuko ako at hinayaan na bumagsak ang luha ko sa sahig.
"Please... huwag mo akong iwan."
YOU ARE READING
Moonlight Academy: The Lost Heart
FantasíaMoonlight Academy Trilogy (Book 3) How come nightmares never disappear? Why is the past is always there? Why can't you leave me? Why can't you let me move forward? What did I do? Started: February 16, 2024 Ended: July 21, 2024