Prologue

6.6K 108 14
                                    

Saint Celestino


NAKAUPO ako sa driver seat habang nagsisigarilyo. Tahimik lang akong nakaupo habang pinapanood ang mga tao na dumadaan. Katatapos ko lang mag deliver ng mga armas na inutos sa 'kin ni boss Lucian. 

Dapat ay kasama ko si Gideon na maghatid ng armas ngunit busy siya palagi sa bebe girl niyang si Harmony. Wala na talaga siyang oras na samahan ako dahil first priority daw niya ang bebe niya. 

Nasa may seaside ako at nagpapalipas lang ng oras. Wala naman akong uuwian sa bahay dahil mag-isa lang naman ako. 

Nakabukas ang bintana ng driver seat habang nagsisigarilyo ako. Uuwi na naman ako sa bahay na tahimik. Kaya mas gusto kong tumambay sa underground dahil hindi ako nabo-boring do’n. Mukha palang ni Percival matutuwa na ako. 

Nakaramdam ako ng sakit sa likod kaya naisipan kong lumabas muna ng sasakyan. Kanina pa kasi ako nagmamaneho sa pisteng kotse na ‘to na dapat ay si Gideon. Pero pinana na kasi yun ni kupido at balak na yatang maging kasapi ng grupong TAGA.  Hinayaan ko na para mag bagong buhay na ang gago. Tinira yata katol no’n dahil pati bata ang minahal. Kaya ako talaga ay hindi ako susunod sa yapak niya. Hindi ako mahilig sa mga mata. 

Humithit ulit ako ng sigarilyo at ibinuga ang usok. Panay lang ang tingin ko sa paligid habang nagpapahangin. Medyo madilim ng bahadya sa pwesto ko ngunit nakikita ko parin naman ang mga taong dumadaan. Yung iba pa nga ay nag da-date. Halatang mga high school student pa dahil naka suot pa ng uniporme. 

Napa iling nalang ako dahil nong ganyan pa ang edad ko ay hindi ko naranasan ang makipag date. Sa murang edad kasi ay sumabak na ako sa training. Hindi pa si boss Lucian ang leader no’n kundi ang ama niya. Kaya wala akong panahon makipag date o magmahal man lang. Ayos na sa ‘kin ang tikim-tikim lalo na kapag stress ako pagdating sa trabaho. Minsan kasi at napapagalitan kami kaya hindi maiwasan talaga na makaramdam ako ng stress.

Dinadala ng hangin ang buhok ko kaya inayos ko yun. Masarap talaga tumambay sa seaside lalo na kapag gabi. Isinandal ko lang ang likod ko sa sasakyan habang nagsisigarilyo parin. 

Pinagmamasdan ko ang kalangitan na may mga bituin at buwan. Ang ganda ng langit lalo na kapag gabi. Mas gusto ko pa kasi ang gabi kaysa sa umaga. Hindi masakit sa balat. 

Naubos na ang hinihithit kong sigarilyo kaya itinapon ko yun sa kalsada saka ko tinapakan. Nag angat ako ng tingin ng may mapansin akong babae na tumatakbo papunta sa gilid ng mataas na pader na pwedeng upuan habang nakatingin sa karagatan. 

Tinitigan ko lang ang babae na nakasuot ng uniporme na halatang estudyante. Hindi ko alam kung college ba siya dahil hindi ko naman alam. Basta ang alam ko lang ay nakita kong sumampa ang  babae sa mataas na pader. Nahirapan pa mga ‘to ngunit nagawa parin niyang umakyat at nakatayo habang pinagmamasdan ang dagat. 

Mahina akong natawa dahil nagmumukha siyang multo dahil sakto din na full moon. Pinagmasdan ko lang siya kung magpapahangin lang ba ang gagawin ng babae. 

Sa tingin ko ay bata pa ang babae. Siguro ay stress siya bilang estudyante kaya siguro ay nagpapahangin.

Tumingin ako sa paligid ng mapansin kong umalis  ang mga ibang estudyante na nakatambay kanina. Ang babae nalang na nakatayo at ako ang nandito at ang ibang mga tao ay medyo malayo na sa pwesto namin.

Binuksan ko na ang pintuan ng driver seat ng maisipan ko na din umalis. Ngunit napahinto ako ng biglang tumalon ang babaeng nakatayo. 

"Fuck!" Agad akong tumakbo papunta sa pader na medyo mataas at agad na sumampa. Walang akong sinayang na oras at tumalon din ako kahit hindi ko alam kung bakit. Gago na yata ako. 

Naramdaman ko agad ang tubig sa katawan ko at agad na lumangoy para hanapin ang babaeng tumalon. Nakita ko naman siya agad kaya sumisid ako pailalaim ng makita kong nawalan na siya ng malay. 

Naka angat ang dalawa niyang kamay kaya hinawakan ko yun at agad na hinila siya paangat. 

Nang makaahon kaming dalawa ay napaubo ang babae habang yakap-yakap ko. "Tangina! May balak ka bang magpakamatay, bata?" Inis kong tanong habang yakap-yakap ko parin siya. 

Ubo naman siya ng ubo dahil siguro sa naka inom siya ng tubig dagat. Napatitig ako sa mukha ng babae. Maganda naman, sakto lang ang ganda niya. Marami na akong magagandang babae  na nakilala pero sa babaeng ‘to ay hindi ko mapigilang mapatitig. 

"B-Bakit mo ko niligtas, manong? Nakita mo na ngang tumalon ako para wakasan ang buhay ko pero.. tumalon ka din." Saad niya habang hinahabol parin ang hininga. 

"Pakiulit nga sa tinawag mo sa 'kin. Tama ba ang pagkakarinig ko? Manong?" Seryoso kong tanong sakanya. Binitiwan ko ang babae kaya agad siyang napatili at halatang nataranta. Mabilis lang pala siya patayin. Lunurin ko lang pala dahil hindi siya marunong lumangoy. 

Pero dahil maawain ako kaya hinawakan ko ang bewang niya at inangat. 

"Ikaw lang ang magpapakamatay na natataranta na malunod." Saad ko habang naka smirk.

Hindi naman siya nakasagot at ubo na naman ng ubo. Hinila ko nalang siya papunta sa dalampasigan at baka kailangan niya ng lips to lips mula
sa 'kin. Dapat talaga wala siyang malay eh, mukhang malambot pa naman yata ang labi niya. 

Nang makarating kami ay agad akong tinulak ng babae. Nabitawan ko siya at mabilis siyang tumakbo palayo
sa 'kin. Muntik pa siyang madapa dahil sa bato-bato ang dinadaanan niya. 

"Hindi man lang nagpasalamat.'' Saad ko habang pinagmamasdan ang babae na nagmamadaling tumakbo. 

Tumingin ako sa suot kong damit at napamura dahil basang-basa ako. Plano ko pa naman pumunta ng underground at do'n matutulog. Manghihiram nalang siguro ako ng brief ni Percival para hindi lamigin ang itlog ko.

 Wala man lang akong natanggap na thank you sa babaeng yun. Kung bakit kasi ako tumalon para sagipin ang batang yun. 

Akmang hahakbang na sana ako ng may mapansin ako sa batuhan. Kumunot ang noo ko at umuklo para pulutin ang bagay na yun. 

Tumaas ang isa kong kilay habang pinagmamasdan ang id ng batang yun. Mukhang nahulog niya at hindi napansin ng batang yun. 

Pinitik ko ang picture ng dalaga saka napangiti. "Jeanette Anne Hernandez. Nice name." Nakangiti kong saka ko inilagay sa bulsa ng pantalon ko at nagsimula na ding maglakad.

Tinungo ang kotse ko at hinayaan nalang na mabasa ang upuan dahil wala naman akong choice. Nagpa feeling superhero kasi ako kanina pero kahit kiss man lang walang bibigay sa 'kin ang batang yun. 

Binuhay ko nalang ang makina ng kotse at agad na pinausad. Habang nagmamaneho ako ay panay ang lingon ko sa paligid at baka sakaling maabutan ko pa si Jeanette Anne. Ngunit hindi ko nakita ang batang yun kaya pinaharurot ko na ang sasakyan para makauwi na ako. 

The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon