𝐀𝐧𝐧𝐞’𝐬 𝐏𝐨𝐯WALANG humpay ang dagsa ng customer dito sa bar at kanina pa ako hindi nakakaupo dahil sa sobrang busy. Mabuti na nga lang at malapit ng matapos ang duty ko. Binaba ko na ang hawak kong tray sa table dahil tapos na ang duty. Uuwi na ako sa bahay agad para makapag pahinga na ako.
Nagpaalam lang ako sa manager saka ko kinuha ang bag ko. Lumabas na agad ako sa bar dahil ang ingay at amoy sigarilyo na. Nakakahilo kasi ang amoy ng sigarilyo pero pinipilit ko lang ang sarili ko na kayanin. Kailangan ko ng trabaho eh at malaki ang sahod ko dito kahit three hours lang mahigit ang duty ko. Ang laki na ng tulong yun sa 'kin lalo na’t ako lang naman ang gumagastos sa pag-aaral ko.
Hindi na kasi ako masyado humihingi ng pera kay mama dahil puro naman wala ang sinasabi. Minsan naman ay nagbibigay pero sermon muna saka abot ng pera. Nadadala ako sa mga sinasabi niya kaya hindi ako masyadong humihingi kay mama. Nahihiya din kasi ako lalo na kapag sinasabi niya na hindi daw ako marunong magtipid. Paano ko kaya titipirin ang 20 pesos na baon ko eh pamasahe palang hindi ko na kayang pagkasyahin.
Lumabas na ako ng bar at agad kong nakalanghap ng sariwang hangin. Hindi katulad kanina na puro usok at amoy alak.
Naglakad na ako sa gilid ng kalsada. Lalakarin ko pa kasi papunta sa unahan bago ako makakasakay ng jeep. Tahimik lang ako habang naglalakad at hindi natatakot na maglakad mag-isa sa gabi. May mga kasabayan kasi ako na naglalakad kaya ayos lang.
Habang naglalakad ako ay may nakasalubong ako na batang lalaki na may hawak na isang red tulip. Hindi ko nalang pinansin ngunit bigla siyang huminto sa harapan ko at inabot sa 'kin ang hawak niyang red tulip.
"Para sa’yo po, ate ganda." Sabi pa ng bata sa 'kin.
"Para sa 'kin?" Sabi ko pa habang tinuturo ang sarili ko. Nong isang araw kasi may nag abot na naman ng red tulip sa 'kin. Hindi ko nga alam kung kanino galing.
"Kanino po ba daw galing?" Tanong ko pa sa bata.
"Hindi ko po alam, ate. Basta para sa’yo po ang red tulip na yan." Sabi ng bata at pinahawak sa 'kin ang red tulip. Tatanungin ko pa sana siya ng bigla 'tong tumakbo palayo sa ‘kin.
Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko dahil hindi ko alam kung sino ang nagbibigay talaga. Wala naman akong kilala na pwede akong bigyan ng red tulip.
Napansin ko na may maliit na papel na nakalukot sa tulip. Kinuha ko yun at binasa.
𝐺𝑢𝑡𝑒𝑛 𝑎𝑏𝑒𝑛𝑑, 𝑚𝑒𝑖𝑛𝑒 𝑙𝑖𝑒𝑏𝑒 ang nakasulat. Nagtaka naman ako kung anong ibig sabihin no'n. Mamaya ko nalang ise-search padating ko sa bahay. Kinuha ko ang papel at agad na itinago yun sa bulsa ng pantalon ko.
Naglakad akong muli at hindi na nakita pa ang batang lalaki kanina. Hinayaan ko nalang at mas lalong binilisan ang paglalakad dahil wala akong kasabayan.
Habang naglalakad ako at paliko ako aa eskinita ay may nakasalubong akong dalawang lalaki. Halata sakanila na lasing ang mga 'to dahil hindi deritso kong maglakad.
Ngunit mas lalo akong nagulat ng bigla silang humarang sa dinadaanan ko. Napa atras ako dahil dalawa sila, ako mag-isa lang.
"Hi, miss!" Sabi pa ng lalaki na halatang lasing na lasing.
"H-Hello po! Pwede po bang umalis kayo sa dinaraanan ko?" Tanong ko pa sa dalawa.
"Ito naman.. saan ba punta mo? Hatid ka namin ng kaibigan ko." Tanong
sa 'kin ng lalaki."Naku! Wag na po! Kaya ko naman umuwi ng mag-isa. Salamat nalang po." Sagot ko kahit pa nga ang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako at baka may gawin sa 'kin ang dalawang lalaking 'to. Pero hindi ko pinahalata na natatakot ako at baka matuwa sila at mas lalo akong takutin.
"Mamaya ka na umuwi. Samahan mo muna kami," sabi ng isang lalaki na talagang hinawakan pa ang kamay ko. Hindi ako nag atubili na ihampas sa lalaki ang hawak kong tulip. Cenentro ko pa talaga sa mata niya kaya dumaing siya.
Kinuha ko ang pagkakataon na yun para tumakbo. Napasigaw nalang talaga ako sa takot ng makita ko ang dalawang lalaki na hinabol ako.
"Diyos ko!" Naiiyak ko pang sabi at mas lalong tumakbo. Nakarating ako sa isa pang eskinita at agad na lumiko. Ang tahimik pa ng kalsada dahil walang mga nakatambay para sana makahing ng tulong.
Hinihingal na ako hanggang sa lumingon ako likuran ko at hindi ko na nakita ang dalawang lalaki. Kumunot ang noo ko dahil kanina lang ay hinahabol ako ng dalawa. Pero nakahinga ako ng maluwag dahil wala ng humahabol sa 'kin. Agad akong naglakad at baka natapilok lang pala ang dalawang lalaki at habulin na naman ako ulit.
Nakarating ako sa sakayan ng jeep at agad akong sumakay. Hinihingal pa talaga ako dahil sa ginawa kong pagtakbo. Pinunasan ko pa ang noo ko dahil sa pawis. Akala ko talaga may masama ng mangyayari sa 'kin.
Huminga muna ako ng malalim para kumalma muna saka ko inabot ang pamasahe ko na nasa unahan na pasahero. Nagpasalamat ako sakanya ng abutin naman niya yun.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng jeep. Nadaanan pa namin ang eskinita kung saan ako hinaboo ng dalawang lalaki. Wala na do'n ang dalawa kaya nagtaka talaga ako.
Pero palapit kami ng palapit kung saan ako lumiko at laking gulat ko ng makita ko ang dalawang lalaki na nakahandusay sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung dala ba ng kalasingan kaya sila nawalan ng malay.
Maging ang mga kasakay ko na pasahero ay napatingin sa dalawang lalaki na wala ng malay. Napangiti naman ako dahil safe akong makakauwi sa bahay.
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang dinaraanan namin hanggang sa malapit ko ng makita ang eskinita. Agad kong pinara ang jeep na mabilis naman huminto. Bumaba ako at nilakad na naman papasok sa amin.
Kahit dito at may nag iinuman din sa gilid ng kalsada. Hindi naman nila ako sasaktan dahil alam nila na dito ako nakatira.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumasok. Nakita ko pa si mama na nasa sala at nanood ng tv.
"Good evening po, mama." Bati ko sakanya kaya lumingon siya sa 'kin at tumango lang.
Isasara ko na sana ang pinto dahil gabi naman na. "Wag mo muna isara. Pauwi pa lang si Kim." Sabi ni mama kaya tumango ako.
"Kumain ka na po ba, ma?" Tanong ko kay mama.
"Tapos na. Kumain ka na din do'n. Yung maliit ang sa'yo. Yung kay Kim yung tinakluban ko sa mesa. Wag mong kukuhaan yun.” Sabi ni mama na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Tumango nalang ako at agad na pumunta ng kusina. Nakita ko agad na may sardinas na nakahain. Tulad ng sabi ni mama ay may nakataklob nga dito sa mesa. Sinubukan kong tignan kung ano yun at nakita ang fried chicken. Ito yata ang sinasabi niya na ulam ni Kim.
Mapait akong ngumiti at isnara nalang ulit ang taklob. Ganyan naman talaga si mama, mula sa ulam ay alam ko na mas mahal niya si Kimberly. Hindi talaga pantay-pantay ang pagmamahal niya samin.
Nawalan ako ng gana kumain at kumuha nalang ako ng plato para takpan ang iniwan niyang sardinas dito sa mesa. Hindi man nga lang niya tinakpan ng plato para hindi langawin.
Nang magawa ko yun ay pumasok nalang ako sa kwarto ko para makapagpahinga na din. Ayaw ko ng kumain kahit pa nga ngugutom na ako. Titiisin ko nalang kaysa naman masaktan ako sa ginagawa ni mama sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)
Romance|🔞R-18|⚠️Matured Content| ✅Complete| VIP ONLY❗| Saint Celestino and Jeanette Ann Hernandez