Saint’s POVNAKANGITI akong hinihintay ang pagdating ng batang babae dahil sa ginawa kong pang b-blackmail sakanya. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang oras ng pagdating niya.
Tinawagan ko na din ang guard at sinabihan na papasukin agad ang batang babae. Hinihintay ko nalang ang pagdating niya kaya panay ang tingin ko sa orasan na nasa aking palapulsuhan.
"Akala ko ba hindi ka gagaya kay Gideon."
Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Agad akong lumingon at nakita ko si Sweetheart na nakatayo sa likuran ko.
"Pumasok ka na naman sa bahay ko na walang pasabi?!" Sigaw ko sakanya dahil mahilig kasi siyang pumasok sa bahay. Palibhasa kasi walang nagmamahal sakanya.
"Gago! Kanina pa ako katok ng katok sa pinto. Paano mo ko maririnig kung busy ka sa pang b-blackmail ng batang yun. Seriously? Hindi makalakad ang isang paa mo?" Sabi pa niya na halatang inaasar ako ng gago. Bigla siyang lumapit at agad na tinapakan ang paa ko.
"Hindi ka man lang nasasaktan. Pero kung makapag sabi ka na hindi ka makalakad sa batang babae ay halos durog na buto mo ha! Ano yan.. galawang hokage ba yan?" Pang-aasar sa 'kin ng gago.
"Shut up! Labas! Lumayas ka sa bahay ko." Walang emosyon kong sabi.
"Ayaw ko! Bibigyan ko ng warning ang batang yun. Gago ka! Kawawa na nga ang batang yun tapos gigipitin mo pa." Saad ni Sweetheart na nakanguso pa talaga sa harapan ko.
"Hindi ko siya ginigipit, okay! Hindi ko siya sisingilin ng pera." Sagot ko naman.
"Eh ano.. gusto mo lang ng lambing niya? Ay sus.. style mo talaga. Akala mo hindi namin nakita ang ginawa mong aksidente kaninang umaga." Sabi niya na nagpipigil ng tawa.
Nanlaki naman ang mata ko dahil malamang si Lord na naman ang may pakana. "Nakita niyo?" Tanong ko pa habang matalim siyang tinignan.
"Oo. Nakita namin ni Lorcan. Saludo talaga ang gitnang daliri namin sa'yo. Kung nando’n lang sana talaga ako ay baka sinagasaan kita habang nakahandusay ka sa kalsada. Para naman mag mukhang totoo ang aksidente mo." Sabi niya habang natatawa na naman.
Pinulot ko ang tissue na nasa mesa at binato sa gago. Mga baliw talaga ‘tong mga 'to. Walang magawa na naman sa buhay.
"Lumayas ka na nga!" Inis kong sigaw sa kanya.
"Bakit? Parating na ba si baby girl?" Tanong pa niya kaya biglang uminit ang ulo.
"Wag mo nga siyang tawaging baby girl. Kakausapin ko talaga si Catness at may ipapakilala akong lalaki sakanya." Banta ko kaya biglang sumeryoso ang mukha ng gago. Baliw na baliw kasi siya kay Catness kaya handa niyang halikan ang dinadaanan ng babae mapasakanya lang.
"Subukan mo ng lagyan ko ng gripo yang tagiliran mo." Seryoso niyang sabi sa 'kin.
"Lalagyan ko din ng gripo yang gilid mo kapag tinawag mo pa na baby girl si Anne." Sabi ko habang nagsusukatan kami ng tingin.
"Eh 'di pareho na tayong may gripo sa tagiliran." Sagot ng gago saka tumawa.
"Umalis ka na nga!" Sigaw ko na naman sakanya. Ang tigas talaga ng ulo ng gagong ‘to eh. Sana talaga sagutin na siya ni Catness para naman hindi ko na makita ang pagmumukha ng gago.
"Ito na nga.. aalis na. Mag enjoy ka sa pagkukunwari mo ha!" Sabi pa niya saka tumalikod sa 'kin. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan siyang lumabas ng kusina.
Sinundan ko si Sweetheart hanggang sa nakalabas siya ng tuluyan sa bahay ko. Umupo ako sa pang isahang upuan para umpisahan ang drama ko. Hindi pwedeng pumalpak ako dahil nakasalalay ang pagpapansin ko dito. Hindi pwedeng masayang ang pagkukunwari kong disgrasya kaninang umaga.
Lumipas pa ang ilang oras na paghihintay ko ay tuluyang nag text sa 'kin ang batang babae na papunta na daw siya. Ayaw pa nga sana tumuloy kaya tinakot ko na naman. Mabuti nalang at nadadaan pala siya sa blackmail.
Hinintay ko lang na mag text siya na nasa gate na mg subdivision habang naglalagay ako ng benda sa paa ko. Dapat may props para makatotohanan.
Anne’s Pov
PINAPASOK ako ng guard sa magandanh subdivision at halos malula ako sa ganda. Ngayon ko lang nalaman na ang ganda pala talaga dito. Ang lawak at ang gaganda ng bahay. Grabe! Wala yata akong nakitang bahay dito na maliit. Bawal yata magpatayo ng bahay dito na hindi malaki.
Mayaman pala ang lalaking yun pero sisingilin pa yata ako ng pera. Hindi na talaga naawa sa 'kin. Kita na nga niya na estudyante ako. Hindi ko din naman sinasadya ang nangyari kaninang umaga. Akala ko naman kasi may kasabayan akong tumatawid.
Naglakad nalang ako ulit at hinanap ang number ng bahay ng matandang yun. Ayaw pa magpatawag na manong sa 'kin eh mukha naman yata siyang matanda sa 'kin. Hindi naman halata pero pakiramdam ko lang kasi na malayo ang agwat namin.
"Saan ba kasi 'tong bahay ni manong na 'to." Saad ko pa habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Mahirap na baka may dumaan na sasakyan at mabangga ako. Ayaw ko ng ulitin ang katangahan na nagawa ko kaninang umaga.
Ilang sandali lang ay umikot ako sa pakaliwa dahil sabi ng guard ay kumaliwa daw ako. Diyos ko! Baka maligaw ako dito dahil ang lawak at marami ding kanto pero pang sosyal.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong dalawang lalaki na nakatayo sa harap ng malaking bahay. Parang nag kwe-kwentuhan silang dalawa habang tumatawa.
Tumigil pa ang mga ito at lumingon sa gawi ko. Nasa loob yata ako ng subdivision na mga gwapo ang nakatira. Grabe naman kasi.. ang gwa-gwapo nilang dalawa at ang tatangkad pa.
Bigla akong nahiya dahil tumingin
sa 'kin ang lalaki na may hikaw sa isang kilay. Para bang binabasa niya ang nasa isipan ko kaya umiwas ako ng tingin."Hinahanap mo ba ang bahay ni Saint?" Tanong ng isang lalaki habang nakangiti.
"Po?" Tanong ko pa dahil hindi ko kasi alam ang pangalan ng lalaking hinahanap ko. Manong lang kaya ang tawag ko sakanya. "Actually po, may hinahanap po ako. Bahay po ni manong. Baka alam niyo po ang number ng bahay na 'to." Sabi ko pa ngunit nagulat ako ng tumawa ng malakas ang dalawa. Hindi ko alam kung anong tinatawanan nilang dalawa. Wala namang mali sa sinabi ko.
"Ano pong nakakatawa?" Tanong ko pa kaya natigil ng tawa ang dalawa.
"Wala naman. Ang ganda kasi ng tawag mo sa kaibigan namin." Saad ng lalaki na nagpipigil ng tawa. “By the way, I’m Sweetheart. Pero mag kuya ka nalang sa 'kin at wag mo akong tatawagin sa pangalan ko at baka magkaroon ako ng black eye sa mata." Pagpapakilala sa 'kin ng lalaki.
"Jeanette Anne po." Pagpapakilala ko din.
"Lord," sabi naman ng lalaki na may hikaw sa kilay. Ang gwapo niya pero mas gwapo parin yung lalaking naaksidente kaninang umaga. Hindi ko nga makalimutan kung paano niya tanggalin ang suot niyang helmet kanina. Ang hot kasi niya tignan.
"Yung hinahanap mo ay 'to ang bahay. Pumasok ka na dahil pilay ang isang paa no'n." Sabi pa ni kuya Sweetheart kaya tumango ako. So, totoo pala talaga na napilay siya.
Kahit nagdadalawang isip ay pumasok parin ako sa tinuro nilang bahay. Ang laki ng bahay at halatang mayaman talaga ang lalaki. Sa gate palang ay may monitor na nasa labas para siguro malaman kung sino ang nasa labas.
Pinapasok pa ako ng dalawa dahil nahihiya akong magbukas ng gate. Ang sabi nila ay pumasok lang daw ako sa bahay dahil kanina pa daw ako hinihintay ng lalaki na may pangalan na Saint. Kakaiba mga pangalan ng mga tao na nakatira pala dito. Yung isa Lord, yung isa naman ay Sweetheart at yung isa naman ay Saint. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga pangalan nila. Yung Lord kasi pang banal ang pangalan pero halatang bad boy ang mukha lalo na’t may piercing sa kanyang mga mukha.
Kahit kinakabahan ay tumuloy parin ako sa bahay ng lalaki. Kinakabahan ako pero wala ng atrasan ‘to. Bahala na talaga si batman sa 'kin. Sana hindi ako hingian ng pera niya. Baka baynte pesos lang ang maibigay ko sakanya pagnagkataon.
Sana naman ay wag niya akong pahirapan. Mabait naman akong bata kaya sana wag niya akong hingian ng kahit ano. Sana talaga.
BINABASA MO ANG
The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)
Romance|🔞R-18|⚠️Matured Content| ✅Complete| VIP ONLY❗| Saint Celestino and Jeanette Ann Hernandez