Anne’s PovPUMASOK ako sa school na panay ang pindot sa cellphone ko ng end call. Ang makulit kasi na manong na naaksidente kanina ay panay ang tawag sa 'kin. Paano ko nalaman na siya ang tumatawag? Sinagot ko kasi isang beses dahil akala ko sa bar na pinagtratrabahuan ko. Akala ko kasi binibigyan nila ako ng bagong schedule kaya sinagot ko.
Ngunit laking gulat ko ng malaman ko dahil ang lalaki pala kanina na aksidente ang tumatawag sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa 'kin pero panay talaga ang tawag niya. Gusto ko na nga sanang i-off ang cellphone ko pero hindi naman pwede dahil may hinihintay akong tawag o text. Wala din naman kasing block ang phone ko kasi old model naman kasi. Pambihira talaga! Kailan kaya ako makakabili ng bagong phone. Hanggang pangarap ko nalang yata ang magkaroon ng bagong cellphone.
Gusto ko sana kung magka cellphone man ako ay yung bago talaga. Hindi yung secondhand na galing sa kapatid kong si Kim. Binigay kasi 'to sa 'kin ni mama dahil ayaw na daw ni Kim at binilhan siya ng bagong phone.
Ayos na sa 'kin 'to dahil gumagana pa naman. Bibili nalang siguro ako ng cellphone kapag naka luwag-luwag na ako. Hanggang kaya pa ng cellphone ko ay pagtitiisan ko na muna 'to.
Pumasok ako sa classroom at agad na pumwesto sa may likod. Hindi talaga ako umuupo sa harapan dahil minsan ay lutang ako. Baka matawag ako ng wala sa oras ni teacher kapag nakita akong tulala. Kaya lagi akong nakaupo sa dulo at malapit sa bintana.
Hinihintay nalang namin na dumating ang teacher. Yung cellphone ko naman ay panay na naman ang ring. Naiinis na talaga ako dahil baka malowbat sa ginagawa niyang pagtawag.
Wala akong choice kundi sagutin ang tawag ni manong kaysa naman malowbat ang phone ko sa kakatawag niya. Itinapat ko yun sa kaliwa kong tenga habang nakatingin sa pintuan at baka dumating ang prof namin. "Hello!" Bati ko sa kabilang linya.
"Buti naman at sinagot mo ang tawag." Sabi niya kaya napangiwi ako. Gusto ko sanang sabihin sakanya na tantanan niya ang cellphone ko sakaka tawag at baka malowbat. Pero nahiya ako dahil may kasalanan pa naman ako sakanya. Syempre ako ang may kasalanan kung bakit siya na aksidente eh. Mabuti nga at hindi niya ako pinagalitan kanina eh. Kung sa iba yun ay baka sinigawan na ako.
"Ano po ba kailangan mo sa 'kin, manong? Humingi naman po ako ng sorry sa'yo kanina." Saad ko pa dahil hindi ko talaga alam kung ano pang kailangan niya sa 'kin. Nag offer naman ako sakanya eh na dadalhin ko siya sa hospital, pero siya nga 'tong ayaw pumayag.
"Hindi ko mailakad ang isa kong paa." Sabi niya sa seryosong boses.
"Totoo po?" Gulat na tanong ko dahil kanina ay naglalakad pa naman siya pero paika-ika nga lang. Naku po! Ano ba 'tong napasok ko. Paano nalang kung hingian niya ako ng pera para sa gamot o para pang check up. Diyos ko! wala pa naman akong pera ngayon.
"Yeah. So, anong gagawin mo para gumaling ako? Malaking abala 'to para sa 'kin." Sabi niya sa kabilang linya kaya napalunok ako ng ilang beses.
"Ahm.. ano po kasi… sorry po talaga, manong. Pero wala po talaga akong pera po eh," saad ko habang kinakagat ang kuko ko sa hinlalaki.
"So, paano ‘to? Hindi naman pwedeng hindi kita tawagan para singilin sa nangyari sa 'kin. Hindi ako makakapag trabaho nito ng ilang araw o baka nga buwan dahil sa aksidente na nangyari sa 'kin." Sabi ng lalaki kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Hindi ko talaga alam anong gagawin ko. Paano ko sasabihin sakanya na wala akong pera.
Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko. "Ahm.. kasi po.. Wala po talaga akong pera. Estudyante lang po kasi ako at sa gabi ay nag tra-trabaho. Kulang pa po para sa pang gastos ko sa school. Kaya wala po talaga akong mabibigay na pera kung sakali na hihingian mo po ako." Pagsasabi ko ng totoo. Nakakahiya man umamin na wala akong pera pero kailangan ko talagang sabihin yun dahil wala talaga akong pera. Ayaw ko mag mayabang pa dahil wala naman talaga akong ibubuga pag-usapang pera.
"Okay. I will send you my address and I want you to visit me." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Sasagot pa sana ako ng bigla nalang akong pinatayan ng lalaki. Napatitig nalang ako sa cellphone ko hanggang sa may pumasok na message. Binuksan ko yun at nakita ang message ng lalaki at talagang sinend niya sa 'kin ang address niya.
Napahilot ako sa sintido ko dahil hindi ko alam kung pupuntahan ko ba ang matandang yun. Hindi ko na sana papansinin ang text niya ngunit bigla ulit nag send ng message at binantaan ako na ire-reklamo daw niya ako kapag hindi daw ako pumunta sa bahay niya. Napabuga nalang talaga ako ng hangin saka nagtipa ng reply saka sinend yun sakanya.
Tinago ko nalang ang cellphone ko ng makita ko na nag prof namin. Hindi ako makapag isip ng tama dahil sa lalaking yun. Ang laking problema ang kinakaharap ko dahil sakanya. Iniisip ko tuloy kung paano ko malulusutan ang problemang ‘to.
Lumipas ang ilang oras ay tuluyang natapos ang klase. Hindi na nga din ako nanghalian dahil iniipon ko na ang pera ko at baka kailanganin ko sa lalaking naaksidente kaninang umaga. Wala naman akong klase ngayong hapon kaya pupuntahan ko nalang ang address ng lalaki at baka magulat nalang ako na may sumundo sa 'kin dito na mga pulis.
Grabe na talaga kamalasan ko ngayong araw. Wala naman sana akong balat sa pwet pero lagi akong minamalas.
Lumabas ako ng gate at agad naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Tinanong ko naman na ang classmate ko kanina kung saan ang address na pinapapuntahan sa 'kin ng lalaki. Nagulat ako dahil pang mayaman daw ang address na ‘to. Isang subdivision daw kaya tinanong ako ng classmate ko kung tama ba daw ang address at baka nagkamali lang daw. Tanging mga mayayaman lang daw kasi ang nakatira do'n at mahigpit ang seguridad.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ba ako o hindi. Baka kasi hanggang gate lang ako at hindi ako papasukin. Kaya ang ginawa ko kanina ay nag text ako kay manong na baka harangin ako sa guard house. Sumagot naman agad ang lalaki at sinabi niya sa 'kin na sinabihan na daw niya ang bantay do'n sa gate na papasukin daw ako. Kaya heto ako ngayon, pasakay na ng jeep para puntahan ang lalaki. Ayaw kong makulong kaya dapat lang ay makipag ayos ako sakanya.
Sumakay ako ng jeep at talagang sa likuran ako umupo ng driver dahil itatanong ko sakanya kung alam ba niya ang address na 'to. Kinakabahan talaga ako sa problema na kinakaharap ko pero sana naman wag akong pahirapan ng lalaking yun. Alam naman niya siguro na estudyante ako eh.
Pero pamilyar talaga sa 'kin ang boses niya. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig yun. Hindi ko alam kung sa bar ko ba narinig ang boses niya dahil madami naman kasing lalaki do'n. Sumasakit lang ang ulo ko sakaka isip kung saan ko ba talaga narinig ang boses niya. Pero bahala na nga, ang isipin ko ngayon ay kung paano ko matatakasan ang problema kong 'to.
Ilang sandali lang ay nakarating ako sa address na binigay sa 'kin ng lalaki kaya ibinaba ako ni manong driver. Parang ayaw ko pang bumaba dahil natatakot ako pumasok sa ganito ka laking subdivision. Pero kailangan kung pumunta kaya go na dahil nandito na din naman ako. Bahala na si batman sa 'kin. Hindi naman siguro ako pababayaan ng Panginoon sa problemang kinakaharap ko.
A/N: Good evening po!❤️✨
BINABASA MO ANG
The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)
Romance|🔞R-18|⚠️Matured Content| ✅Complete| VIP ONLY❗| Saint Celestino and Jeanette Ann Hernandez