Saint’s Pov
NAKATITIG lang ako sa batang babae na nakaupo na naman sa mataas na pader habang hawak ang pinaabot kong red tulip. Matamaan ko lang siyang pinagmamasdan habang nakaupo sa driver seat.
Kasama ko si Sweetheart ngunit lumabas siya saglit ng kotse dahil may bibilhin daw siya. Pumayag naman ako at sinabing sa seaside ko siya hihintayin.
Alam ko kasing pupunta ulit ang batang babae na niligtas ko isang buwan na ang nakakalipas. Lagi akong dinadala dito ng sasakyan na minamaneho ko na hindi ko alam kung bakit. Para bang may sariling buhay ang sasakyan ko at dinadala ako dito.
Napabuga ako ng hangin dahil halatang may problema ang batang babae. Gusto ko sana siyang lapitan kanina pero wala akong maisip na sasabihin. Kaya mas minabuti ko nalang na iutos ko sa isang batang hamog ang red tulip.
Napa ayos ako ng upo ng biglang bumukas ang pintuan ng passenger seat. Pumasok ang kaibigan kong si Sweetheart at may dalang paper bag.
"Ang layo ng nilakad kong hayop ka! Bakit kasi dito ka nag park?" Galit na tanong ni Sweetheart sa 'kin.
"Wala lang. Gusto lang talaga kita pahirapan." Sagot ko kaya binatukan niya ako sa ulo. Hinihingal pa talaga ang gago, halatang matanda na.
"Ano ba kasing ginagawa mo ditong hayop ka?" Tanong na naman niya
sa 'kin."Wala. Nagpapahangin lang," walang buhay kong sagot.
"Nagpapahangin pero nandito ka sa loob ng kotse. Sige nga, paano papasok ang hangin dito na demunyo ka. Pinahirapan mo pa ako maglakad." Reklamo na naman niya.
"Exercise mo yun, bud. Humihina na kasi ang tuhod mo." Palusot ko. Hindi ko talaga sasabihin sakanya na dahil sa babae kaya ako pumunta dito sa seaside. Baka kumalat na naman sa buong subdivision namin. Magugulat nalang ako na ako na ang laman ng balita.
"Tigilan mo nga ako! Alam mo na malakas pa ang tuhod ko, bud. Kaya ko pang itumba si Catness sa kama." Sabi niya kaya natawa ako.
"Baka ikaw itumba no’n. Alam mo naman matapang ang babaeng yun." Sagot ko saka ibinalik ang tingin sa batang babae. Napansin ko na bumaba siya sa pader kaya napasunod ang tingin ko sakanya.
"Ano bang tinitignan mong hayop ka!" Sabi ni Sweetheart kaya agad kong iniwas ang tingin sa batang babae dahil alam kong susundan niya ang tinitignan ko. Ngunit nahuli ako dahil agad na ngumisi si Sweetheart.
"Yung batang babae ba ang tinititigan mo ha?" Tanong ng kaibigan kong tsismoso.
"Hindi ahh.. Bakit ko naman titignan ang batang babae na yan!" Inis kong sabi at tumingin sa ibang direksyon.
"Sabi mo eh. Baka naman magulat ako na may kasama kang batang babae ha! Dumadami na ang miyembro sa grupo ni Raizen, buddy." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
"Miyembro?" Tanong ko naman.
"Oo. Bagets tirador gang. Baka naman sumapi ka do’n. Sabihan mo lang ako agad para naman hindi malakas ang tawa ko." Saad pa niya kaya susuntukin ko sana ang mukha niya ngunit mabilis niyang nasalo ang kamao ko.
"Ulol mo! Hindi ako gagaya kay Gideon na nabaliw sa amoy ng isang bata. Ibahin mo ako, pre. Hindi ako katulad nila na pumapatol sa bata. Bad yun!” Inis kong sabi sabay iwas ng tingin. Natawa naman ng malakas si Sweetheart sa sinabi ko. Gagong 'to.
"Sabi mo yan ha! Kapag talaga nalaman ko na pumatol ka sa bata ay kukunin ko ang isa mong bahay na nasa Baguio." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Hoy! Wala akong sinasabi. Gago ka!" Sigaw ko sakanya.
"O, bakit parang takot ka? Makukuha ko lang naman ang bahay mo kung may balak ka lang naman pumatol ng bata. Ganun lang naman yun." Saad pa niya kaya natigilan ako. "Mukhang may balak ka yata kaya nag react ka." Dagdag na sabi ni Sweetheart.
"Hell no!" Sagot ko at agad na binuhay ang makina ng sasakyan ng matapos na ang pag-uusap namin ni Sweetheart.
"Halata ka masyado, buddy." Natatawa pa niyang sabi ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
Lumingon ulit ako sa gawi ng batang babae na naglalakad na palayo sa gawi namin. Pinausad ko nalang ang sasakyan para maabutan ko pa siya para masilayan ko ng malapitan. Nang malapit na ako ay nadaanan ko ang batang babae na hawak parin ang red tulip. Lihim akong napangiti dahil mukhang nagustuhan niya ang binigay ko.
Gusto ko tuloy bumili pa ng tulip para bigyan siya araw-araw. Gusto kong maibsan man lang ang lungkot ng batang babae. Kahit hindi ko siya kilala ay alam ko na may mabigat siyang dinadala na problema. Hindi naman siguro siya tatalon kung wala siyang problema na dinadala.
"Maganda ahh..'' biglang sabi ni Sweetheart kaya lumingon ako sakanya at mabilis na sinuntok ang mukha niya. Ngunit imbes na masaktan siya ay tumawa lang ang gago.
"Tigilan mo nga akong hayop ka! Baka ibangga ko 'tong kotse. Hindi ka pa naman mahal ng mahal mo." Nakangiwi kong sabi kaya binatukan ako ng gago.
"Wag mo na nga ipaalala sa ‘kin yan. Kita mo ng nagdurugo ang puso ko eh," nakanguso niyang sabi. Ang sarap paduguin ng nguso niya.
"Eww. Kadiri yang linyahan mo ha!'' Nakangiwi kong sabi.
"Ulol! Tatandaan ko talaga yang sinabi mo. Ipapakain ko talaga ang kamao ko sa’yo kapag may narinig akong linyahan mo." Sabi pa ni Sweetheart at ipinakita ang kamao niya sa 'kin.
Hindi na ako sumagot pa at nag focus nalang ako sa pagmamaneho. Ihahatid ko muna ang mongoloid na 'to saka ako pupunta ng bar. Mag iinom lang ako ng solo ngayong gabi.
Tinungo ko na muna ang underground para mag report na muna kami ni Sweetheart kay Lorcan. Siya kasi ang kanang kamay ni boss Lucian simula ngayon. Naging kanang kamay lang ni boss may bebe na din. Pareho yata sila ni Sweetheart na mahilig sa pusa dahil Kitty ang pangalan ng babae na kinababaliwan niya. Pero yun nga lang, ikakasal na ang babae. Kaya tinatawanan namin si Lorcan dahil naglasing lang naman ang gago at nag amok sa harap ng bahay ng lalaki. Tangina talaga! Tatlo pa kami nag tulong-tulong para mahila namin siya paalis sa lugar na yun. Ang lakas ba naman kasi ng gago kaya pati ako ay nasuntok sa mukha.
Umiyak pa talaga yan samin pero ang kakambal niyang si Lord ay binilhan lang ng cornetto ang hayop kaya natigil. Ganun lang pala siya pakalmahin, malay ba namin na cornetto lang ang katapat niya.
Nakarating kami sa underground at ipinasok ko ang sasakyan na dala ko. Unang bumaba si Sweetheart na narinig ko pa na bakit daw hindi siya mahal ni Catness. Napailing nalang ako saka bumaba na din ng sasakyan.
Nakita ko sila Hades na seryosong nakaupo sa damuhan at walang pang itaas na damit. Mukhang nag e-ensayo siya kasama si Codrus. Nakita ko din si Lorcan na nagbibisikleta at paikot-ikot lang sa field.
"Gago!!" Tawag ko kay Lorcan.
Lumingon naman siya sa 'kin saka ipinakita ang gitnang daliri niya at pumunta sa pwesto ko.
"Ano yun?" Tanong niya.
Inabot ko sakanya ang listahan ng mga pinagdeliveran ko ng mga illegal weapon na agad naman niyang tinanggap.
"Geh. Alis na ako. May pupuntahan pa kasi ako." Pagpapaalam ko kay Lorcan. Tapos naman na trabaho ko kaya pwede na akong umalis.
"Pustahan tayo mga, buddy!!" Biglang sabi ni Sweetheart na kagagaling lang sa isa sa mga building ng organization. May dala pa talaga siyang plato na punong-puno ng pagkain.
"Anong pustahan yan?" Tanong naman n Hades.
"Pustsahan tayo na sa susunod na buwan ay may ipapakilala si Saint satin na bagets." Nakangising sabi ni Sweetheart kaya binato ko ng susi ng kotse. Gago talaga 'to! Napaka tsismoso kahit kailan amputa.
Tinukso ako ng mga hayop kung kaibigan dahil sa sinabi ni Sweetheart. Napabuga nalang ako ng hangin habang nagpipigil ng inis sakanila.
BINABASA MO ANG
The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)
Romance|🔞R-18|⚠️Matured Content| ✅Complete| VIP ONLY❗| Saint Celestino and Jeanette Ann Hernandez