Anne’s Pov
MAAGA akong nagising para pumasok na naman sa eskwelahan. Medyo busy ako ngayon sa school dahil na din malapit na ang exam.
Naligo agad ako habang hindi pa gising ang kapatid ko. Baka kasi unahan na naman niya ako sa banyo. Ang tagal pa naman niya matapos maligo dahil tumatambay sa banyo habang nag ce-cellphone. Nagagalit pa naman kapag kinakatok kaya ang ending ay pinapagalitan ako ni mama.
Nang matapos akong maligo ay agad akong lumabas ng banyo at bumalik sa aking kwarto. May sarili naman akong kwarto pero maliit nga lang. Para ngang bodega ang kwarto ko pero ayos lang, kaysa naman wala akong matulugan.
Si mama at Kim naman ay nasa isang kwarto. Ang bagong asawa kasi ni mama na papa din ni Kim ay every saturday lang umuuwi sa bahay. Pahinante kasi siya sa isang kompanya na naghahatid ng mga produkto sa iba’t-ibang lugar. Kaya minsanan lang siya umuwi dito sa bahay.
Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong nagbihis ng uniform ko. Tinatamad akong pumasok pero kailangan dahil malapit na ang exam week. Ang hirap maging estudyante at the same time ay nagtra-trabaho din sa gabi. Ang hirap kapag hindi sumportado ng magulang ang gusto ko. Naiintindihan ko naman kung hindi makapagbigay ng pera. Iisipin ko nalang na kulang sa budget. Pero kahit man lang sana tanungin ako ni mama kung kamusta ang araw ko. Kung kamusta ang pag-aaral ko. Kahit yun man lang ay marinig ko sakanya. Pero wala eh. Kaya minsan.. nakakawalang gana pumasok sa school.
Natapos akong magbihis at agad na nag-ayos ng mukha. Hindi naman ako naglalagay ng make up sa mukha. Polbo lang at lip gloss lang ang gamit ko. Sinuklay ko na din ang buhok ko at mamaya ko nalang tatalalian kapag nasa school na ako. Basa pa kasi kaya hindi ko muna tatalian baka sumakit ulo ko.
Nang matapos na ako ay kinuha ko na ang shoulder bag ko saka ako lumabas ng kwarto. Wala akong pasok mamaya sa bar kaya hindi ako nagdala ng pamalit na damit.
Dumeritso ako sa kusina para makapagtimpla na muna ako ng kape bago ako pumasok sa school. Mukhang tulog pa si mama at Kimberly dahil nakasara parin ang pinto ng kwarto nila.
Hinintay ko lang na kumulo ang pinapainit kong tubig hanggang sa tuluyang kumulo yun. Agad akong nagtimpla ng kape saka ako umupo muna sa upuan. Tahimik lang ako habang hinahalo ang kape ko.
Humigop ako ng kape habang nakatulala lang. Ganito talaga ako magkape. Hindi na ako kumain pa. Magbabaon nalang ako ng biscuit.
Inubos ko na ang kape ko at agad na tumayo sa kinauupuan para hugasan ang baso. Matapos kong hugasan ay pinunasan ko lang ang kamay ko ng tuyong towel saka ako lumapit sa upuan at kinuha ang bag ko.
Isinukbit ko sa balikat ang bag saka ako lumabas ng kusina. Lumingon pa ako sa kwarto nila mama at Kim saka ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa pinto.
Akmang bubuksan ko na sana ng bumukas yun bigla. Nagulat pa ako dahil akala ko magnanakaw. Ngunit nakita ko si mama at Kim na hula ko ay maagang gumising at umalis ng bahay.
"Papasok ka na ba?" Tanong pa ni mama sa 'kin. Si Kim naman ay dinaanan lang ako habang may dalang supot na hindi ko alam kung ano.
"Opo, mama." Sagot ko na lamang pero tumango lang siya at dinaanan lang din ako. Dumeritso din siya sa kwarto nila Kim saka pumasok.
Napabuntong hininga nalang ako saka ako tuluyang lumabas ng bahay. Wala na akong magagawa kundi ang lumabas dahil wala naman akong hihintayin na sasabihin ni mama.
Sanay naman na din ako. Alam kong pagkain ang dala nila pero hindi nila sinasabi sa 'kin. Naalala ko tuloy yung hindi nila alam na dumating ako ng maaga sa bahay. Akala siguro nila ay nasa school palang ako. Narinig ko si mama nong araw na yun na pinapamadali si Kim kumain dahil baka daw dumating ako at makita ang pagkain na jollibee na binili niya yata para sakanilang dalawa lang. Narinig ko pa na inutusan ni mama si Kim na pagkatapos kumain ay itapon agad sa labas ng basurahan para hindi ko daw makita.
BINABASA MO ANG
The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)
Romance|🔞R-18|⚠️Matured Content| ✅Complete| VIP ONLY❗| Saint Celestino and Jeanette Ann Hernandez