Anne’s PovPUMASOK ako sa malaking bahay at agad nakita si manong na nakaupo. Bungad kasi ang sala kaya kitang-kita ko talaga siya agad.
Kahit nahihiya ako ay isinara ko parin ang pinto habang nakayuko.
"Come here!" Sabi niya kaya nag angat ako ng tingin. Napabuga ako ng hangin at nagsimulang maglakad papunta sa harapan niya.
"H-Hello po, manong." Bati ko sakanya kaya sumeryoso ang mukha niya lalo. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil naalala ko nga pala na parang ayaw niyang tawagin ko siyang manong.
"Kalimutan niyo na po yung manong.. kuya po pala." Nakangiwi kong sabi.Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya saka sumenyas na umupo daw ako sa katapat niyang upuan. Agad naman akong sumunod at umupo. Umayos ako ng upo at talagang straight na straight ang likod ko. Para na nga akong hindi humihinga sa posisyon ko.
Bumaba ang tingin ko sa isa niyang paa at nakitang naka benda. Yari talaga ako. Mukhang katapusan na talaga ng buhay ko. Saan naman kaya ako kukuha ng perang pambayad nito. Hay.. ang malas ko talaga sa buhay.
"Relax. Para kang hindi humihinga. Hindi naman ako kumakain ng tao." Sabi niya kaya napangiwi ako.
"Sorry po, kuya. Pero kinakabahan po talaga ako. Alam mo po kasi.. wala po akong pera na pangbayad o kapag nanghingi ka sa 'kin ng pang bili ng gamot. Estudyante lang po ako, kuya. Kaya wala po talaga kong pera." Deritsuhan kong sabi at wala ng paligoy-ligoy pa.
"Sino ba may sabing pera ang hihingiin ko sa'yo?" Tanong niya kaya nanlaki naman ang mata ko.
"H-Hindi po pera? Eh ano po kailangan niyo sa 'kin? Bakit mo pa po ako pinapunta?" Sunod-sunod kong tanong.
"Galing na ako sa hospital. Nakapag pa check up na ako. So, hindi ko kailangan ng pera mo." Sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko talaga ay hihilingin niya sa 'kin ay pera.
"Buti naman po kung ganun, kuya. Akala ko po talaga ay pera ang hihingiin mo sa 'kin." Sabi ko pa habang nakangiti.
"Iba ang hihingiin ko sa’yo." Sabi niya sa seryosong boses kaya natigilan ako.
"Po? A-Ano?" Nauutal kong tanong.
"Hindi ako makalakad. Nahihirapan ako dahil may bali ang paa ko. So, meaning hindi ako makakilos pati na din pumasok ng trabaho. Ang laking aberya diba?" Tanong niya kaya napayuko ako. Ang laki pakang pinsala ang nagawa ko kanina. Napapikit nalang talaga ko dahil sa katangahan ko kanina. May nadamay pa tuloy ako at mapupurwesyo ang buhay dahil sa katangahan ko.
"S-Sorry po talaga, kuya. Sobrang sorry po talaga." Panghihingi ko ng paumanhin. Bigla tuloy akong naawa sakanya dahil sa sitwasyon niya.
"It's okay. Nangyari na ang dapat mangyari. Pero may hihilingin ako sa'yo." Sabi niya kaya napatango ako.
"A-Ano po yun?" Tanong ko naman.
"I want you to take care of me. I need someone to take care of me. Lalo na ngayon na hindi ako makalakad pansamantala." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
"G-Gusto mo ba hanapan po kita? Marami po do’n samin sa may kanto, kuya." Suhestyon ko pa ngunit agad siyang umiling.
"Ayaw ko ng iba. Ikaw ang gusto ko. Ikaw din naman ang dahilan kung bakit ako nagka ganito kaya dapat lang na ikaw ang mag-alaga sa 'kin." Sabi niya kaya napakurap-kurap ako at hindi makapaniwala sa sinasabi niya. Nahihibang na yata ang lalaking 'to at gusto akong kunin na caregiver. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit siya naaksidente pero nag-aaral ako eh, wala akong oras para alagaan siya. May part time job din ako.
BINABASA MO ANG
The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)
Romance|🔞R-18|⚠️Matured Content| ✅Complete| VIP ONLY❗| Saint Celestino and Jeanette Ann Hernandez