Anne’s PovNAGLALAKAD ako palabas ng eskwelahan at pupunta pa ako sa pinapasukan kong trabaho t’wing gabi. Estudyante ako sa umaga, waitress naman ako sa gabi.
19 years old naman na ako kaya pwedeng-pwede akong pumasok ng trabaho. Kailangan ko kasi lalo na’t wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. May nanay naman ako pero laging iba ang tingin niya sa 'kin. Bawat pagkakamali ko nakikita niya, pero ang mga tama kong ginagawa ay hindi naman niya nakikita.
May kapatid din naman ako na babae, pero hindi kami pareho ng tatay. Wala na kasi ang ama ko kaya nag-asawa si mama ng bago. Pakiramdam ko nga ay para akong naliligaw ng landas kapag nasa bahay ako. Hindi kasi nila ako pinapansin na para bang hangin lang ako. Kaya nasanay na din naman ako.
Halata din na mas mahal ni mama ang kapatid kong si Kimberly. Panay nga utos sa 'kin si mama kahit pagod na pagod na ako galing sa trabaho. Pero dahil gusto kong matuwa siya
sa 'kin ay sinusunod ko ang utos ni mama. Kahit pa nga si Kim ay wala namang ginagawa kundi ang humilata at magpaganda lang.Wala namang maganda sa buhay ko. Simple lang naman akong babae. Pangarap ko lang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho. Gusto ko kasing mabigyan ng bahay si mama pagdating ng panahon. Kahit pa nga may paboritong anak si mama. Ayos lang naman, naiintindihan ko yun lalo na't ako ang panganay.
Kahit nga pagod na pagod na ang katawan ko sakaka trabaho ay ginagawa ko parin upang marinig ko naman na proud sa 'kin si mama. Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin narinig ang mga salitang yun mula sakanya. Mabuti pa nga si Kimberly ay pinupuri niya kahit 10/30 ang quiz na makuha ng kapatid ko. Proud na proud talaga siya.
Nasanay nalang talaga ako na ganun ang pakikitungo ni mama sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit siya ganun, anak din naman niya ako. Pero iba talaga ang trato niya sa 'kin.
Napabuga nalang ako ng hangin habang naglalakad ako papunta sa gate.
Tuluyan akong nakalabas ng at agad na naglakad sa gilid ng kalsada. Maaga pa naman kaya tatambay na muna ako sa seaside. Mamaya pa kasi ako pupunta sa bar dahil may oras ang duty ko. 7:00PM-9:00PM lang ako dahil alam nila na estudyante ako.
Hindi na ako uuwi sa bahay namin para magpalit ng damit. May dala naman na ako at sayang sa pamasahe kung uuwi pa ako.
Nilakad ko lang ang papuntang seaside. Marami naman akong kasabayan na mga estudyante kaya ayos lang na maglakad ako. Ang sarap din naman maglakad-lakad lalo na't hindi naman mainit. Nakakapag isip ako ng maayos kapag ganito ang ginagawa ko.
Ilang sandali na paglalakad ko ay nakarating din naman ako agad sa seaside. Dito talaga ako tumatambay at nagpapalipas ng oras. Medyo malapit na kasi ang bar dito kaya mabilis lang ako makakarating.
Lumapit ako sa pader na pwedeng upuan ng mga tao at agad akong sumampa. Umikot ako paharap sa dagat at pinagmasdan 'yon.
Naalala ko na naman ang ginawa ko na pagtalon dito n'ong nakaraan. Siguro one month na din ang nakalipas no'n ng maisipan kung tumalon. Pero buhay ako dahil may lalaking sumagip sa 'kin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil madilim yun pero hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba siya o magagalit sakanya.
Niligtas pa niya ako, eh pagod na nga ako sa buhay ko. Nakakainis talaga!
Tumalon ako ng gabing yun dahil nagsabay-sabay na ang problema ko. School, si mama ko na ayaw akong bigyan ng pambili ng project at pati ang boyfriend ko sumabay din na siyang nagpapalakas ng loob ko sana sa pang araw-araw. Hiniwalayan niya ako ng gabing yun at nagmakaawa ako na wag niyang gawin dahil wala naman akong nagawang kasalanan sakanya. Pero ang sabi lang niya
sa 'kin ay nawala lang daw ang pagmamahal niya sa 'kin. Hindi ko alam kung joke ba niya yun dahil napaka tanga ng rason niya.Halos lumuhod ako sakanya nong araw na yun ngunit hindi niya ako pinakinggan at iniwan niya ako. Sa sobrang lungkot ko ay naisipan ko na pumunta sa seaside at hindi nag atubili na tumalon. Wala naman din nagmamahal sa 'kin kaya walang iiyak kapag nawala ako. Hindi na talaga ako nag-iisip ng tama ng gabing yun at nagpakain sa lungkot na nararamdaman kaya lumakas ang loob ko na tumalon sa dagat.
Ngunit hindi ko inaasahan na may tatalon at sasagip sa 'kin. Akala ko ay walang tao nong gabing yun. Kaya nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilain paangat mula sa tubig.
Hinila niya ako paalis sa madilim na dagat na unti-unting akong inahon. Kung sino man ang lalaking yun ay hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sakanya. Binigyan pa niya ako ng pangawalang buhay para harapin ang problema ko na dapat sana ay winakasan ko na.
Nakatitig lang ako sa dagat habang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok. First year college na ako sa kurso na nusing. Ang lakas pa talaga ng loob ko kumuha ng ganitong kurso tapos yung mama ko wala man lang pakialam sa 'kin pati pang baon ko ay wala.
Si Kimberly naman ay malapit na din mag college, next year na kaya asahan ko na todo support si mama sakanya. Ang hirap talaga ng ganito. Minsan kasi kinukumpara ako ni mama kay Kim. Ayaw ko kasi ng ganun dahil para bang sinasabi na mas magaling sa 'kin si Kim. Lahat naman yata ng tao ay may kanya-kanyang potential eh, hindi kailangan ikumpara ang isang tao. Pero wala akong magagawa dahil ganun na talaga ang mama ko. Mahilig mangumpara. Lagi niyang sinasabi na buti pa si ganito, buti pa si ano. Nakakainis minsan dahil ginagawa ko naman ang lahat pero hindi niya makita ang kabutihan ko bilang anak niya.
Inayos ko nalang ang buhok ko at naisipan na itali. Habang ginawa ko yun ay may kumalabit sa 'kin. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita ang isang batang hamog.
"Nanghihingi ka ba ng piso?" Tanong ko sakanya agad.
"Hindi po!" Sagot niya na umiiling pa.
"Eh ano?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. Akala ko pa naman ay hihingi siya ng pera. Kukuha na sana ako ng two pesos sa bulsa ko para iabot.
Bigla siyang may inilabas na isang red tulip at inabot yun sa 'kin. ''Para
sa 'kin?" Tanong ko pa habang tinuro pa talaga ang sarili ko. Baka kasi hindi para sa 'kin tapos assumera lang pala ako."Opo. May nagpapabigay po, ate. Sabi po niya ngumiti ka daw po at wag malungkot." Saad ng batang hamog kaya kumunot lalo ang noo ko. Kahit naguguluhan man ay tinanggap ko parin naman ang tulip. "Bye po, ate!" Sabi pa ng bata saka tumakbo palayo sa gawi ko.
Ako naman ay nakasunod lang ang titig sakanya. Tumingin ako sa red tulip na binigay sa 'kin ng batang hamog. Hindi ko alam kung sinong nagbigay nito. Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak. Kahit nga sa jowa ko ay hindi ako nakatanggap kahit man lang sana ay plastic na bulaklak.
Naalala ko na naman tuloy ang boyfriend ko na hindi ko alam kung minahal ba talaga ako o jinowa lang niya ako para may gumawa ng assignment niya.
Agad kong iniling ang ulo ko para mawala sa isip ko yun. Baka umiyak na naman kasi ako dahil nasaktan talaga ako sa ginawa niya. Siya pa talaga ang nakipaghiwalay sa 'kin. Kaya masakit para sa 'kin ang ginagawa niya.
Pero curious ako kung sino ang nagbigay sa 'kin ng red tulip. At talagang gusto pa niya ako ngumiti. Wala naman akong kilala na ganitong tao na magbibigay sa 'kin.
Kahit anong pilit ko ay hindi ko talaga alam kung sino ang nagbigay sa 'kin ng bulaklak. Sumakit lang tuloy ang ulo ko kaya tinigilan ko na at baka mabaliw lang ako. Alangan naman may stalker ako. Napaka feelingera ko naman kung iisipin ko na may stalker ako. Hindi naman ako maganda.
Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko at ibinalik nalang ang tingin sa dagat. Humugot ako ng malalim ng hininga saka ngumiti habang hawak ang isang red tulip.
BINABASA MO ANG
The Stalker's Obsession: Saint Celestino (VIP ONLY!)
Romance|🔞R-18|⚠️Matured Content| ✅Complete| VIP ONLY❗| Saint Celestino and Jeanette Ann Hernandez