Inangat ko ang kamay at napatitig sa inuming hawak. Mariin ko iyong tinitigan at nanindig ang mga balahibo sa biglaang pagbula ng kung ano doon.
"Anong meron sa inuming ito?" Baling kong tanong sa isang babaeng may katandaan na rin.
Nang magising ako ay ang matandang ito lamang ang aking nadatnan dala-dala ang mga kakaibang inuming ito sa kanyang kamay. Napagtanto ko din na tatlong araw na pala akong nawalan ng malay.
"Isa iyang mainam na gamot para sa iyo, binibini." Nilapitan ako nito ng bahagya,
Lumapit ito sa aking gilid at inabot ang aking kamay.
"Batid mo ba ang rason kung bakit sumasakit ang iyong dibdib?" Tanong nito at nagsimulang himasin ang aking palad papunta sa pulso.
Umiling ako sa kanyang tanong.
Napansin ko itong napayuko at bumuga ng hangin.
"Humihina ang pintig ng iyong pulso gayundin ang pagdaloy ng iyong dugo. Kinakailangan mong hanapin si tandang Sienna dahil siya lamang ang makakapag bigay ng solusyon sa iyong dinaramdam."
Nilapag nito ang aking kamay at tumayo sa aking harapan bago yumuko.
"Ipapaalam ko sa pinuno ang iyong kalagayan sa ngayon ay inumin mo muna ang ginawa kong gamot para sa iyo."
Napatitig akong muli sa inuming hawak bago pikit matang ininom iyon.
Umalis nadin ang matanda at napagtanto kong madilim na din sa labas ng bintana. Napagpasyahan kong umalis sa kinahihigaan at tinungo ang malaking bintana. Napahawak pa ako sa sarong na ipinulupot ko sa aking braso ng dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa aking mukha.
Napatingala ako sa bilog na buwan.
Hindi ko na batid ang gagawin, hindi ko na alam kung hahayaan ko na lamang ba ang kung ano man na mangyari sa akin sa lugar na ito.
Mabilis kong inangat ang kamay sa mukha upang harangin ang malakas na pag dampi ng hangin. Ngunit nagulat ako sa kamay na humawak sa kamay kong iyon.
Mabilis akong napaatras ng itinulak ako nito paloob. Kumabog ang dibdib ko at mabilis na umatras mula sa lalaking tila sumulpot sa kung saan. Para itong kabuti na biglang sumulpot sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay.
"Saye? Ikaw si Saye, hindi ba?"
Nagulat ako sa biglaang pag lapit nito sa aking mukha na tila kasabay lamang ng hangin. Ngayon ko lamang na tuluyang nasilayan ang kabuuan ng mukha nito. Mahaba ang puting nakalugay nitong buhok. Itim ang kasuotan nito at isang makapal na roba iyon.
"Sino ka? Bakit mo ako kilala?" Puno ng pagtataka ang boses ko.
Napansin ko itong ngumiti ng matamis at biglang lumuhod ng isang paa at ang kamay ay nasa dibdib nito at nakakuyom.
"Ako nga pala si Damon, isa sa napagkalooban ng kapangyarihan upang ipagtanggol at pangalagaan ang bagong tagapamahala ng Solime."
Bahagya akong napaatras at napakapit na lamang ng mahigpit sa sarong sa aking balikat.
Tama nga ang sinambit ni Torvald? May pitong tagapagtanggol ang Solime. Ngunit, paano ako natagpuan ng lalaking ito?
"Alam kong nag iisip ka kung bakit ako narito at patago kang kausapin." Ngumiti ito sa akin, "Matagal na kitang hinahanap, mahal kong prinsesa. Simula ng ipinagkaloob sa akin ng aking nagdaang ama ang kapangyarihan kanyang taglay. Isinalaysay niya sa akin ang kanyang kwento at kung paano niya nakuha ang kapangyarihan na ito mula sa Solime. Ito ay ipinaglaloob ng kusa ng unang reyna ng Solime na isa ding tanyag na dyosa noong ilang siglo na ang nakaraan. Hanggang sa ipasa ito sa iba't ibang tao upang mapanatiling ipagtanggol at alagaan ang masusunod na pinuno ng Solime. Kaya ako narito sa iyong harapan at handa kang paglingkuran hanggang sa aking huling hininga. Dahil iyon ang tagubilin ng aking namayapang ama. Handa kitang iligtas at ilabas sa lugar na ito, mahal kong prinsesa."
Malakas na kumabog ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Talaga bang isa siya sa sinasabing tagapagtanggol ng Solime? At handa niya akong paglingkuran at itakas sa lugar na ito?
Nanatiling nakaluhod at nakatitig lamang ito sa baba.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil gulong gulo nako sa sitwasyon. Ang nais ko lamang sa oras na ito ay makatakas sa silid na ito at bumalik sa lugar kung saan ako galing. Hindi sa lugar na ito kung saan bawat sulok ay may hindi magandang nangyayari. Muli akong napatitig sa nakayukong si Damon.
"Please accept me as one of your knights, my queen. Make use of this useless life that I have." Dama ko ang hindi maintindihang emosyon sa boses nito.
Ngunit hindi ko na lamang iyon inisip pa at dumapo ang aking paningin sa sandata nito sa kanyang bewang.
"Damon, isn't it?"
Nagulat ito at umangat ang tingin sa akin. Nabigla ito dahil sa pag kuha ko ng sandata sa kanyang bewang.
"Bow down and surrender your life to me." I said,
I could feel my eyes burning and something in me ignites.
Nakita kong nagulat si Damon at mabilis na yumokod.
"Your Majesty, Saint Saye Aria Solime, I Damon Sylvester, swear my allegiance to you, my Queen. I will obey your commands without question, and I will dedicate my life to the defense of your kingdom, from the treacherous mountains in the north to the whispering forests in the south. My loyalty is absolute, and my sword will be stained crimson for your glorious reign before I yield to death."
Dinig ko ang mahabang lintanya ni Damon habang nakayuko at nakatuon ang tingin sa baba. Ngunit parang nawala ata ako sa katinuan dahil sa kakaibang enerhiya na nararamdaman ko. Something is wrong with me. There's something that pushing my body to do this and say that. Gising na gising ang diwa ko pero hindi ko naman makontrol ang katawan ko.
I instinctively placed the sword on his shoulders, the cold steel a stark contrast to the unfamiliar warmth spreading through me. A whisper of wind, carrying the scent of sea salt and ozone, swirled around us. The words tumbled from my lips, echoing with a power I didn't understand.
"The touch of the divine confirms your oath, Damon, last of the Azure Tides. The power of the heavens now flows through you, a celestial current binding our fates. The threads of destiny have been woven anew. Your path is now entwined with mine-a quest neither of us fully comprehends. Rise." He rose, his eyes wide with a mixture of awe and apprehension, mirroring the confusion swirling within me.
Who am I? What have I done?
Nanatiling nakatulala ako sa ere at pinoproseso ang mga nangyare sa aking harapan. Now, I could control my body. Naguguluhan akong napatitig sa aking kamay. Nabitawan ko ang sandata ni Damon at napa atras.
What did I just do? Is that power? Is it mine? How come?
"Ako palang pala ang naunang naaprobahan mo bilang maging isa sa kabalyero mo, mahal kong reyna."
Bumaling ang tingin ko sa nakangiting mukha ni Damon. Tuwid itong nakatayo sa aking harapan.
"Look," ipinakita nito sa akin ang kanyang kamay.
Nakita kong may naka marka sa pala pulsuhan nito.
A majestic sun with a word uno inside.
"The symbol of Solime, the proud mark of my master. The new queen of Solime. That is you."
BINABASA MO ANG
VILLAGE PRINCESS
FantasíaSaye, an ordinary girl, finds herself mysteriously transported to a parallel dimension where magic is a reality and bizarre phenomena unfold. As she explores this strange new world, Saye must uncover the reason behind her unexpected journey while na...
