KABANATA 13- CORDELIA

45 4 0
                                        

"Alam mo ba ang iyong ginagawa, Torvald?"

Napatitig ang makisig na si Torvald sa tagapayo nitong si Ajim. Nakatayo ito sa bukana ng kaniyang silid at may hawak na libro.

Nilapag naman nito ang kapang suot sa sandalan ng kanyang upuan sa gilid ng higaan nito.

"Kailan man ay ang prinsesa ng Solime ay para lamang sa Solime. Hindi mo siya kailangang dakpin at sapilitang dalhin sa ating kuta." Paliwanag ni Ajim sa tila binging si Torvald sa kanyang harapan.

"Makinig ka sa akin, Torvald. Ikaw na ang kinikilalang pinuno ng mga mandirigmang narito hindi lang dahil sa iyong kakaibang lakas sa gitna ng digmaan kundi dahil narin sa katotohanang napasaiyo ang kapangyarihan ng isa sa dating banal na kabalyero ng Solime. Ngunit hindi mo kailangan ang prinsesa upang makapagtayo ng isang emperyo. Hindi pinipilit ng Solime ang mga mandirigmang napagkalooban ng kapangyarihan na maglingkod sakanila. Kung kaya'y ibalik mo na lamang siya sa kaniyang mamama-"

Bigla itong natahimik ng bumulusok sa kanyang gawi ang isang punyal na siyang tumama lamang sa gilid ng mata nito.

"Labas." Matigas na utos nito.

"Pagsisisihan mo ang disisyon mong ito,"

Walang nagawa ang tagapagpayo nito at lumabas sa silid.

Sumilay ang isang mapaglarong ngisi sa labi ng binata habang hawak sa kamay ang litrato ng prinsesa.

Sa litrato ay naka ngiti ito at may hawak na puting bulaklak. Ipinintura ito ng isang kilalang tao sa kaharian ng Solime noon.

"Sampung taon akong naglakbay sa iba't ibang lugar upang hanapin ka. Ngunit bakit nais ng mga nakapaligid sa akin na bitawan at pakawalan ka?"

Naningkit ang mga mata nito.

"Dajar."

Bigla namang may sumulpot na tao sa likod nito.

"You called, master?"

"Tighten the security of the entire castle. No one is permitted to get in and out of this castle without my command. No one shall approach the princess, but me."

Yumukod ang tinatawag nitong Dajar upang magsang ayon at biglang naglaho.

NAKATITIG lamang sa papalubog na araw si Saye habang nakaupo sa malaking bintana sa silid na kinaroroonan nito. Dito siya inilagay ng ilang tauhan ni Torvald at ikinulong. Napakataas ng kaniyang silid dahil tanaw niya ito mula sa bintana.

Nabaling ang tingin ng dalaga sa taong pumasok sa kaniyang silid.

Nagtaka ito ng makitang isang napaka gandang babae iyon at nakasuot ng napakagandang damit. Para itong prinsesa,

Ngunit ang tila prinsesa na ito ay hindi maganda ang tingin sa kanya.

"Ito ba ang nais pakasalan ni Torvald?" Naisatinig nito sa mapang uyam na tono.

Inikutan nito ng tingin ang kanyang kabuuan.

"To lock her up in this tower? Nahihibang na nga ang ating pinuno." Komento nito habang tumatawa.

"Sino ka?" Hindi mapigilang tanong ni Saye sa babaeng pumasok.

"Nais mo bang tumakas?"

Nagulat si Saye sa suhestyon nito sakanya ngunit nanatiling mariin ang titig nito.

"What makes you think that I would trust your words?" Patanong na sagot nito sa seryosong tinig.

Tumawa naman ang babae sa kanyang harapan sa naging reaksyon nito sa kanyang sinambit.

"Maaari kitang tulungan." Mariing ani nito.

Nagulat naman si Saye ngunit hindi niya iyon ipinahalata.

"Ako nga pala si Cordelia, ako dapat ang papakasalan ni Torvald ngunit tinanggihan niya ito dahil sa iyo. Kaya kung napipilitan ka lamang ay handa akong tulungan ka upang makatakas."

Nagtaka ito sa tinuran ni Cordelia ngunit nanatiling tahimik.

'Pagkakatiwalaan ko ba ang babaeng ito?'

Malalim ang isip ni Saye at hindi alam kung tatanggapin ba nito ang inaalok ng babae sakanya. Naka krus lamang ang dalawang kamay nito sa kanyang dibdib at hinihintay ang sagot ni Saye.

"Hindi ako nagbibiro, prinsesa ng Solime." Batid sa boses nito ang irita.

"Ginawa ko ang lahat upang mapunta lamang sa posisyon kong ito at hindi ako papayag na basta mo na lamang na agawin sa akin iyon."

Batid sa boses ni Cordelia ang galit at pagka inggit.

"Ako ang dapat na papakasalan ni Torvald. Ako ang mayroong mataas na posisyon sa lugar na ito. Kaya gagawin ko ang lahat upang mapasaakin si Torvald at hindi ko hahayaan na mapunta siya sa iyo. Kahit alam kong abot langit ang iyong posisyon."

Nagulat ito sa naging reaksyon ni Cordelia sa huling sinambit.

"Kahit alam kong wala akong laban sa iyo pero nagbabaka sakali ako prinsesa ng Solime. Hindi ako nagbibiro sa aking sinambit na ika'y aking tutulungan upang makatakas dahil batid kong sapilitan kang dinala rito."

Hindi alam ng dalaga ang sasabihin sa biglang pag sabog ng emosyon ni Cordelia sa kanyang harapan.

"Maaari bang ibigay mo na lamang sa akin si Torvald? Alam kong madami kang tagasuyo at madaming nagkakahumaling sa iyo. Kaya nakikiusap akong ibigay mo na lamang sa akin si Torvald, mahal na prinsesa."

Marahan na napatakip ng bibig si Saye sa biglaang pag tangis ni Cordelia sa kanyang harapan. Hindi nito lubos maisip ang nararamdaman nito kay Torvald. Napakalalim 'iyon na tila nakakamanghang isipin.

"Cordelia, hindi ba?" Tumango naman ito sa kanyang tanong.

Ngumiti si Saye at nilapitan ang umiiyak na si Cordelia sa kanyang harapan. Pinahid nito ang luha sa kanyang magandang mukha at hinawakan ang magkabila nitong kamay.

"Tawagin mo'ko sa pangalang Saye,"

Ngumiti ito ng matamis na siyang ikinagulat nito.

VILLAGE PRINCESS Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon