KABANATA 16 - LAMPARA SA GITNA NG KADILIMAN

57 2 0
                                        

"May nangyari ba?"

Nabalik ako sa huwisiyo ng madinig ang malalim na boses ni Torvald mula sa pinto. Napalingon ako sa nakabukas na bintana at sa sahig. Walang Damon ang naroon,

"May pumasok ba sa iyong silid?" muling tanong ni Torvald habang lumalapit.

Huminga ako ng napakalalim at inayos ang suot na sarong sa katawan. Nilingon ng aking katawan ang kinaroroonan ni Torvald.

"Torvald,"

Nagulat ito sa pagtawag ko sa kanyang pangalan.

Tumigil siya ilang metro mula sa akin at tinitigan ako ng mabuti.

"Paano ka nagkaroon ng kapangyarihang mula sa Solime?" pinagkatitigan ko ito,

Nakita kong bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito sa aking tinanong. Ngunit kalaunan ay ngumiti ito sa akin.

"I stole it."

Nagulat ako.

What? Stole what?

"I killed the former bearer of this power." sagot nito sa tila nasisiyahang tono.

Tinitigan ko ito ng hindi makapaniwala at napabuga na lamang ng hangin.

"And you're proud of that?" mahina kong tanong ng muli ko itong binalingan.

Tila nagulat ito sa aking mga mata.

"Your eyes are glowing." he started panicking,

"You just appointed a knight!" sigaw nito at napalingon sa paligid.

"Show yourself!" sigaw nito sa kawalan.
"I should've known when a group of bandits came inside this castle. Hindi ko na sana ipinagsawalang bahala ang enerhiyang aking naramdaman. Fuck!"

Bigla akong nilingon ni Torvald at akmang dadakmain ang aking braso ng biglang lumakas ang ihip ng hangin na siyang naging dahilan upang umangat ako sa ere at inilayo ng mabilis kay Torvald.

Kita ko ang gulat sa mukha nito ng ako'y makalayo.

"Hangin. The Zephyr?" tila hindi makapaniwalang bigkas ni Torvald.

Zephyr?

"My queen, I heed your command."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Naroon si Damon at nakaangat ang kamay sa gawi ni Torvald. Handang umatake anumang oras.

My eyes glit.

"Kung talagang susundin mo ang lahat ng utos ko, Damon." mahigpit ang kapit ko sa sarong. "Take me out. Get me out of here."

Naalarma naman si Torvald sa aking sinambit at nanlilisik ang mga matang lumingon Kay Damon.

"Before you could do that I'll kill you first." bahid sa boses nito ang galit.

Nakita kong tumaas ang sulok ng mga labi ni Damon habang nakatingin sa nanggagalaiting si Torvald.

"Hindi ba't ikaw ang nagnakaw sa kapangyarihan ni tanda? Now I remember why you fucking look familiar. It's been years,  you're from the clan of whispering Pines. The nature lovers, you stole the power of nature who control spirits and protect the forest. When he trusted you, his disciple. But because of greed, you stole and killed your master."

Napatigil ako sa sinambit ni damon. So his power comes from his master. When he said he stole it, it's actually true. Pero bakit?

Nandilim ang mukha ni Torvald sa mga sinambit ni Damon. Na parang napakialaman nito ang sensitibong parte ng kaniyang buhay.

Tila hindi na maipinta ang mukha ni Torvald ngayon.

"Who do you think you are?" nanggagalaiting bigkas nito kay Damon.

VILLAGE PRINCESS Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon