Maingat ang mga hakbang habang naglalakad ako sa hagdan pababa sa tore na ito. Kasama ko si Cordelia at nauuna ito sa akin.
"Kailangan natin iwasan ang iilang bantay sa gawing ito."
Tumango ako sa kanyang babala at tahimik na sinundan ito. Ngunit napatigil ito kaya huminto nadin ako sa paglalakad. Nagtaka ako sa pagkilos nito at tatanungin na sana ito kung anong problema ng bigla itong nagsalita na siyang ikina kabog ng dibdib ko.
"He's coming."
Dama ko ang takot sa boses ni Cordelia ng sabihin niya iyon. Lumingon naman ito sa akin.
"Bumalik ka muna, masyado akong nagmamadali. Kinakailangan natin ng masinsinang pagpaplano." Tila nagmamadali nitong paliwanag sa akin.
Napapatingin tingin pa ito sa dulo ng hagdan.
"Babalikan kita."
Napatango ako kaya bigla itong tumakbo sa isang silid sa gilid ng hagdan. Napadungaw muna ako sa dulo ng hagdan bago muling tumalikod at maglakad.
Babalik na sana ako sa aking silid ng biglang nanindig ang balahibo ko sa aking batok. Napalunok ako ng ilang beses ng maramdaman ang mahinang hininga ni Torvald sa aking likod.
"Go on. Move,"
Nakagat ko ang pang ibabang labi sa takot na naramdaman. Pinilit kong ihakbang ang mga paa sa hagdan at nagsimulang maglakad. Nang makapasok ako sa aking silid ay maingat na isinirado ni Torvald ang pinto sa kanyang likod.
"Who is it?"
Napahawak ako sa upuan sa aking gilid ng magsalita ito.
Nilingon ko ito at nakitang napaka seryoso ng mukha nito habang nakatingin sa aking gawi. Gaya ng una ko itong nakita, wala padin itong suot na pang itaas. At ngayon ko lamang napansin ang kakaibang tattoo sa katawan nito.
"Sabihin mo kung sinong lapastangan ang hindi sumunod sa aking utos at pumasok sa iyong silid."
Batid ko ang galit sa boses nito na siyang ikina sikip ng dibdib ko.
Hindi ko alam ang isasagot,
"W-walang may pumasok—"
Napapitlag ako ng malakas niyang hinampas ang pader sa kanyang gilid at matalim akong tinitigan.
"I can see traces of someone, princess. I can smell a faint scent."
Napalunok ako.
Nagsimula itong maglakad papunta sa aking kinaroroonan.
"It's a woman."
Nakagat ko ang pang ibabang labi at napaatras ng makalapit ito sa akin. Ngunit hinablot nito ang magkabilang braso ko at sapilitang inilapit sakanya.
Nag ibang dereksyon ang aking paningin upang hindi sumalubong sa kanya.
"Bitawan mo'ko."
Napansin kong napatigil ito ngunit nanatili ang kanyang hawak sa aking braso. Hindi ganoon ka higpit ang pagkakahawak nito sa akin na siyang ikina hinga ko ng maluwag.
"Who's she?"
Saglit ko itong tinapunan ng tingin at muling nag iwas.
"Sinabi ko nang walang nga." Matigas kong sagot.
"Let me go." I plead.
"Hindi ka titinag?"
Napatitig na ako rito.
"Dajar!"
I jolted on my foot when he shouted.
Biglang lumitaw ang isang lalaking naka takip ang buong katawan pati na ang mukha sa aming gilid at agaran na lumuhod ng isang paa at yumuko.
BINABASA MO ANG
VILLAGE PRINCESS
FantasiSaye, an ordinary girl, finds herself mysteriously transported to a parallel dimension where magic is a reality and bizarre phenomena unfold. As she explores this strange new world, Saye must uncover the reason behind her unexpected journey while na...
