Chapter 2 LET HIM GO

32 0 0
                                    

Still Mitch Pov

Nagising ako dahil sa liwanag na nanggagagaling sa bintana ko pagmulat ng mata ko agad akong tumayo at naligo na rin.Paglabas ko ng Bath room ko nakita ko si Dad na nasa pinto ng kwarto ko.

"Good morning my Princess."nakangiting bati sakin ni dad.

"Good morning dad."bati ko rin sa kanya.

"May bisita ka sa baba."sambit niya.

Tinignan ko siya ng nagtataka kasi naman sino naman kayang bibisita sakin ng ganito kaaga pwera na lang kung si Warren pero hindi eh nasa Caloocan ngayon yun eh kaya sino.

"Si Alex."sambit ni  Dad kaya naman napanganga ako sa sinabi niya.Imposible na pumunta siya dito dahil pinagbawalan siya nila Mom tsaka ano naman kayang gagawin niya dito.

"Sige dad sunod na lang po ako."sabi ko

Lumapit sakin si dad sabay tingin sa mga mata ko na alam ko na nag-aalala sakin ngayon si dad .Ngumiti na lang ako sa kanya kahit na pilit ayoko kasi na nakikita silang ganyan sakin nasasaktan ako.

"Sure ka ba na kaya mo na siyang harapin ngayon?"tanong ni dad at sa tono palang ng pananalita niya halata na may pag-alala siya sakin.

Handa na nga ba ko? Parang hindi pa siguro kasi alam ko sa sarili ko na hindi pa talaga ako nakakamove on,pero siguro ito na yung time para magkaayos kaming dalawa.Tumango na lang ako bilang sagot kay dad napabuntong hininga na lang siya at hinawakan ang balikat ko tsaka siya lumabas ng kwarto ko.

"Kaya ko toh."sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim bago ako lumabas ng kwarto ko.

Pagkababa ko sa sala namin nakita ko si Alex na nakatayo sa gilid ng pintuan namin.

"A-anong ginagawa mo rito?"Sambit ko.

"Ahh Mitch gusto lang sana kitang makausap kahit sandali."sabi niya.

Makausap? Wow bago toh ah ang isang Alex Santos pumunta lang dito para maka-usap ako .

"Magkausap na tayo. "Mataray na sabi ko kailangan kong maging matatag sa harap niya ayokong makita niya akong kawawa at miserable.

oo naging miserable ang buhay ko ng dahil sa kanya simula kasi ng nagbreak kami nawalan na ako ng mga kaibigan ,nawala yung mga malalapit sakin ng dahil sa kanya nagalit kasi sila sakin dahil hindi ko sila pinakinggan tungkol kay Alex tapos lagi pa akong binubully ng mga estudyante dun kesyo nilandi ko daw si Alex, assumera, at lahat na ng masasakit na salita ibinato na nila sakin kaya eto ako ngayon mag-isa walang kahit sino ang gustong lumapit sakin siguro nga mas mabuti na rin yung paglipat namin eh.

"Ah sana yung tayong dalawa lang."sambit niya.Tumingin ako sa paligid namin kung saan nakapalibot samin sila Dad,Mom,Miyuki at si kuya Mike.

"At bakit kailangan pang kayong dalawa lang."sabat ni Kuya Mike.

"Oo nga bakit hindi sa harap namin kayo mag-usap."sambit ni dad na nakatitig ng masama kay Alex.

"Uhm dad, mom, kuya Mike okay lang ako."sambit ko Nagulat naman sila mom sa sinabi ko. Napakamot na lang ng ulo si kuya ,si dad naman tumingin muna sakin at binigyan niya si Alex ng nakakatakot na tingin niya at si mom naman napabuntong hininga na lang na umalis.

"Ngayon wala na sila anong gusto mong pag-usapan natin i'll give you 5 minutes para magsalita."sambit ko at nagcrossed arms pa.

"Ah...eh si Miyuki pa."Pagpapaalala niya sakin.tinignan ko si Miyuki na nakataray kay Alex.

"Miyuki ano pang ginagawa mo dyan?"sabi ko.

"Eh hindi mo naman ako binanggit eh "sakrastikong sagot niya sakin.

"Alis na."utos ko sa kanya agad naman siyang naglakad palayo samin.

"Bilis."utos ko kay Alex

"Ah kasi Mitch bago ka umalis gusto ko sanang humingi ng sorry sa ginawa ko sayo, alam mo ba na kahit isang taon na yung nakalipas nakokonsesya pa rin ako dahil sa nagawa ko. Ikaw yung babaeng hindi dapat pinaglalaruan eh pero nagawa ko pa rin dapat sayo nirerespeto at minamahal ng seryoso,kung sa ngayon hindi mo pa ako kayang patawarin hihintayin ko kahit gaano katagal pa yun Mitch mapatawad mo lang ako."Seryosong sabi niya habang nakatingin pa rin sa mga mata ko kitang kita ko sa kanya kung gaano siya ka sincere sa sinabi niya.

Eto na nga siguro yung tamang panahon para i- let go ko siya kahit na masakit sakin dapat ko nang tanggapin na wala na talagang pag-asa na magkabalikan pa kami. Tumulo na rin yung mga luha ko kahit na masakit kailangan ko na siyang ilet go.

"Siguro tama nga si mom kailangan na kitang i-let go para makamove on na rin ako kahit na sobrang sakit ng ginawa mo sakin Alex Gagawin ko kasi para rin naman sakin toh eh.Pero sa ngayon Alex hindi pa kita kayang patawarin."sabi ko tsaka ako umakyat sa kwarto ko . Dumapa ako sa kama ko at doon nag-iiyak.

Bakit ganun isang taon na pero nandito pa rin yung sakit na nararamdaman ko dati,ganito ba talaga kapag sobrang mahal mo yung tao halos gugustuhin mo na lang na mamatay kaysa maramdaman pa toh hindi ko na kaya kahit ilang beses ko pang sabihin sa sarili ko na tanggapin ang lahat hindi ko maggawa sobrang minahal ko kasi talaga si Alex na buong buhay ko ibibigay ko para lang sa kanya pero isang panakip butas lang pala ako sa buhay niya.

Kreeeeeck!!!(tunog ng pinto.)

"Mitch?"tawag sakin ni Mom.

Hindi ako lumilingon kay mommy ayoko na kasi siyang nakikitang ganyan sakin na lagi na lang silang nag-aalala saking lahat.Naramdaman ko ang pag-upo ni mom sa tabi ko at hinahaplos na naman niya yung likod ko.

"Mitch,Alam kong nasasaktan ka at alam din namin ng daddy at kuya mo yang nararamdaman mo pero tama yung ginawa mo na i let go na siya.Dyan nagsisimula ang lahat na tanggapin mong hindi talaga kayo ang para sa isa't isa.Sa pag-ibig kasi kailangan din natin minsan na masaktan para matuto tayo na hindi rin minsan tama na mahalin natin ang isang tao ng lubos na dapat magtira tayo ng kahit kakaunting pagmamahal sa sarili natin.Kaya Mitch kayanin mo kahit gaano man yan kasakit ganyan talaga eh masasaktan at masasaktan ka pero alam ko may natutunan ka sa mga nangyari at kung hindi mo man kayanin wag kang matakot na sabihin sa amin ng dad at kuya mike mo dahil nandito lang kami para sayo mahal na mahal ka namin baby girl."sabi ni mommy sakin.

Umupo ako at humarap kay mommy tsaka ko siya niyakap.

Sobrang swerte ko na sa family ko dahil kahit wala man akong kaibigan o lovelife sila naman ang nagpaparamdam sakin kung gaano ako kahalaga sa kanila at sila ang dumaramay sakin kapag ay problema ako.

"Thanks mom kasi nandyan ka, kayong family ko nandyan kayo palagi sa tabi ko .Mahal na mahal ko kayo."sambit ko. Agad na pinunasan ni mommy yung luha sa mga pisngi ko.

"Ang drama niyo naman dyan."Singit ni Kuya Mike na nasa labas ng pinto ko.

"Sus si kuya Epal."sabi ko tsaka kami tumawa ni mom.

"Tara nga rito."tawag sakin ni kuya.

"Ehh ikaw may kailangan ikaw lumapit."biro ko. Agad namang lumapit sakin si Kuya at binatukan pa ako sa ulo.

"Aish epal ka talaga noh."sabi ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Tss."sabi lang ni kuya mike. Tsaka niya ko niyakap.Kahit na minsan may pagka - abnormal nitong si kuya Mike mahal ko yan.

***

Sorry guys ung ang pangit ng update ko ngayon tsaka ang iksi hehehe.

By the way si Alex nga pala yubg nasa media.Tnx sa mga nagbabasa ng story ko hehehe

FALL INLOVE WITH THE GANGSTER (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon