Tama na.
Sa pagtatanga-tangahan.
Pagod na.
Sa paghihintayan.
Sagad na sa puro pangarap,
dahil ang totoo,
hanggang doon nalang talaga.
Pangarap.Simula nang matanto niya
na siya'y nahulog na,
isa lamang ang pangarap niya,
laman ng isipan niya.
Siya.Siya na pumukaw sa isipan niya,
gumising sa pagkatao niya,
at bumihag sa puso niya.
Puso.Pusong matagal na pinakaingatan,
pinahinga sa mga sakit,
binigyang panahon upang ang mga sugat ay maghilom.Maghilom.
Para sa isang nararapat dito,
para sa kaparehas na aalagaan ito,
para sa paguugnayang walang hanggan.Walang hanggan.
Akala niya'y posible,
hanggang sa mawalan siya ng hininga
o di kaya'y hanggang sa kabilang buhay.
Ngunit hanggang doon na lamang.Sapagkat kahit anong pilit,
may mga pusong
hindi nabibigyang halaga,
hindi napapansin,
hindi nasusuklian ng pagmamahal.Pagmamahal.
Yun lang sana ang hiling niya,
na mabigyan rin siya ng pagmamahal,
yung sa kanya lamang,
kahit minsan lang...
BINABASA MO ANG
Ang Paglalayag
PoesíaMga agam-agam, pagninilay-nilay at mga tula ukol sa mga bagay-bagay na nararanasan sa ating paglalayag sa karagatan na kung tawagin ay buhay, sa madaling salita -- hugot!