Normal na araw
nakita mo pangalan niya,
natuwa ka?Binuksan mo,
binasa mo,
napangiti ka?'Di ka pa nakuntento,
inulit mo pang basahin
at napangiti ka ulit?Yung kahit may makakita sa'yo
parang wala kang paki?
Tapos hindi ka makatulog
at hindi ka mapakali?Dalawa lang sagot diyan.
Una.
Maaring may gumising nang muli
sa nagpahinga mong puso.
Yung hindi mo pa nakikita,
text palang ang natatanggap mo
hindi mo maipaliwanag
kung anong nararamdaman mo.
Binibilang mo ang mga araw
hanggang sa kung kailan mo siya
makikitang muli.
Inaasam-asam ang mga sandaling makasama siya.Mga ngiti at halakhak mo,
memoryado niya na.
Mga paborito mo,
kulang nalang,
nakagawa na siya ng libro.
Ginagawang lahat para maibsan
ang lumbay na nanirahan sa puso mo.
Pwedeng pag-ibig na dulot
ay inspirasyon sa'yo.
Na sa isang banda ng utak mo,
maaring siya na ang hinihintay mo.At ang isa pang dahilan?
Maaring isang pagtatagpo ng landas,
sa taong nakatadhana lamang
na dumaan sa buhay mo.
Para pasiyahin ka,
kahit iilang saglit lamang.
Iilang ngiti,
iilang halakhak,
iilang takipsilim
at bukang liwayway
na pumawi sa iyong kalungkutan.
Mga tagpong kailanman,
alam mong hindi mo malilimutan
at tatatak sa kaibuturan
ng iyong pagkatao.
Na sa isang banda ng utak mo,
posibleng siya ang nakalaan sa iyo.
Hiniling mong sana siya nalang
kahit pa ang lahat
ay panandalian lamang.Siya ang patunay
na lahat ng bagay sa mundo
ay pansamantala lamang
at kapag lumisan na,
kailangan mo ding gumalaw.
Hindi paatras,
kundi paabante
at ituloy ang buhay.Pagkatapos ng lahat,
sa bandang huli,
ikaw lamang ang makakasagot
kung saan siya nabibilang..
BINABASA MO ANG
Ang Paglalayag
PuisiMga agam-agam, pagninilay-nilay at mga tula ukol sa mga bagay-bagay na nararanasan sa ating paglalayag sa karagatan na kung tawagin ay buhay, sa madaling salita -- hugot!