Matagal tagal din ang ginugol na panahon
Upang ang saloobin ay maipahiwatig.
Hinintay ang tamang pagkakataon
Ngunit heto pa din at nakatitig.Sa ilang sandaling kasama ka
walang ibang naramdaman
kundi ang pagsinta.
Minsa'y hindi pa makahinga
sa dulot na sobrang saya.Makita ka lamang ay sapat na
marining ang iyong pagtawa
ay labis-labis pa.
Ngunit sa mga sandaling iyon
na tila parang langit,
ay biglang lumagapak sa lupa
at kaagapay ay sakit.Ang pag-ibig na sinubukang sambitin
at ilang beses ipinadama,
ay tila nauwi sa wala
at hindi kailanman naipabatid.Kaya't nang lumaon,
dumating na din ang katapusan
at maligaya siyang nagsabing,
"Tapos na, mahal. Malaya ka nang lumipad. Tapos na."
Isa na lamang ang kulang
na lahat ng ito'y tuldukan.Para sa pag-ibig na hinintay,
tuldok.
Para sa mga sandaling walang katulad,
tuldok.
Para sa mga bihirang pagkikita,
tuldok.
At para sa pagmamahal na hindi natanto,
Tuldok.
BINABASA MO ANG
Ang Paglalayag
PoetryMga agam-agam, pagninilay-nilay at mga tula ukol sa mga bagay-bagay na nararanasan sa ating paglalayag sa karagatan na kung tawagin ay buhay, sa madaling salita -- hugot!