Nakakatuwa.
Nakakatuwang maalala lahat ng mga maliligayang sandali,
na kung pwede lang balik balikan,
ginawa mo na.
Mga sandaling hindi mo mailagay sa mga salita.
Kung gaano ang mga iyon
tumatak sa isipan mo.
Yung maalala mo lang,
napapangiti ka na,
yung hindi pa normal na ngiti,
yung para kang wala sa katinuan,
yung hindi pilit
at tipong matatawa ka pa sa laki ng ngiti mo,
na pati ikaw, maiisip at masasabi sa sarili mo, "Para kang baliw!".Nakakamangha.
Kasi pagkatapos mong ngumiti,
malulumbay ka naman.
Kulang nalang tumulo ang luha mo.
At magmukhang baligtad na letrang U ang ngiti mo.
Kung gaano ka kabilis na napatawa,
Ganoon din kabilis nawala ang lahat,
sa isang iglap.
Parang mahika.Nakakalungkot.
Bakit nga ba ganoon?
Na pagkatapos ng saya,
may kasunod namang pighati?
Saka mo maiisip,
bakit pa kailangang mangyari yun?
Kung wala din namang patutunguhan ang lahat?
Kung puro sakit at luha lang rin naman sa huli?
Hindi pa ba sapat na ilang beses ka nang nasaktan dati?
Nawasak na akala mo,
hindi mo na mabubuo ang sarili mo?Bakit?
Na sa tuwing magmamahal ka,
parati kang nasasaktan?
Kaya itatanong mo sa iyong sarili,
"May mali ba sa akin?"
"Nagkulang ba ako?"
"Hindi ko ba naipakita sa kanyang mahal ko siya?"
Para kang masokista,
kasi sa halip na sisihin siya o ang mundo,
sarili mo ang ginagawa mong salarin.Ang sakit.
Sobrang sakit kasi maalala mo,
naging bulag ka pala.
Nabulag ka ng kasiyahan,
na akala mo kayong dalawa ang nakakadama.
Ngunit hindi pala.
Kaya ngayon,
Tawa-Iyak-Tawa ka nalang,
Hanggang wala ka nang maramdaman,
at masabi mo na naman sa sarili mo,
"Para kang baliw!".
BINABASA MO ANG
Ang Paglalayag
PoetryMga agam-agam, pagninilay-nilay at mga tula ukol sa mga bagay-bagay na nararanasan sa ating paglalayag sa karagatan na kung tawagin ay buhay, sa madaling salita -- hugot!