Isa

26 0 0
                                    

Isang araw sa buhay ko
dumating ka at ako'y namangha.
Isang araw pa ang lumipas
at parang kay tagal na panahong nakaalpas,
Dahil sa isang oras at higit na pagpapalitan,
Ng mga kwentong hindi
naibahagi kanino man.

Akala'y hanggang sa pagkikita
lang ang lahat,
dahil bilang lang ang araw
na tayo'y magkasama.
Ako pa'y inaya mong manatili
ngunit ako'y nagpaalam
sapagkat hindi na maari.

Lumipas ang mga araw ay hindi nawala
Ang ibat ibang kwentong umaapaw.
Pagdilat bawat umaga'y tila
naiba sa mga nakalipas,
Dahil may mga kwento nang
hindi pinalalagpas.

Ngunit may isang araw na
nagbago ang lahat
at mga kwento mo'y naiba.
Hindi na "ito", "sila", o "ako" ang
bida sa mga kwento mo
kundi "siya" na.
Nawala ang mga araw-araw na palitan,
at wari'y ako ay napagpaliban.
Pero sino ba naman ako para magreklamo,
hindi mo naman ako kaano-ano
Isa lang akong tagapakinig
sa lahat ng iyong hinanaing na para bang anino.

Kaya pasensya na
dahil ngayo'y aking napagtanto
Siya na ang bagong nakikinig sayo
lahat ng saya at lungkot
na walang itinatago.
Kaya't isang araw nagpasya akong lumayo,
pasensya na ginoo,
at salamat sa mga araw
na akala ko'y totoo.

Ang PaglalayagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon