Kunwari hindi mo alam,
kunwari hindi mo nakita.
Pero sinong niloko mo?
Siya ba o ang sarili mo?Tapos sasabihin mo ang sakit?
Bakit?
Ano bang ginawa niya sa'yo?
At ano bang ginawa mo para sa kanya?
Meron ba?
At kung meron man, napansin niya ba?Minsan akala mo oo,
akala mo ang saya-saya niyo na,
tipong sasabog ang puso mo sa galak,
at parang hindi na matatapos pa.Pero bigla kang gigising sa katotohanan,
nag-iisa ka lang pala talaga.
Ikaw lang ang nakakaramdam,
Ikaw lang ang kinikilig,
ikaw lang ang natutuwa.Kasi ang totoo,
kahit anong gawin mo,
may ibang nagmamayari ng puso niya.
Yung mas maganda,
mas matalino,
mas masayang kasama.P*tangina.
Parati nalang.
Kaya sige,
Masaya ka rin para sa kanila,
kahit kunwari lang,
kasi hindi niya naman alam.

BINABASA MO ANG
Ang Paglalayag
PoetryMga agam-agam, pagninilay-nilay at mga tula ukol sa mga bagay-bagay na nararanasan sa ating paglalayag sa karagatan na kung tawagin ay buhay, sa madaling salita -- hugot!