May mga araw
sa buhay ng isang tao
kung saan
wala siyang maramdaman.
Para bang kandilang
namatay ang sindi
at unti-unting naupos
o basong punong-puno ng laman
at dahan-dahang nabuhos.
Namanhid na sa sakit,
wala ng kalungkutan,
pagsusuot ng pekeng ngiti,
at pilit na tawa.Hindi mo alam
kung mali bang ganoon ka,
o mas maiging wala kang emosyon.
Dumating ka sa puntong
pagal ka na,
naipon lahat
at biglang sumabog.
Kaya't pagtapos
pakiramdam mo
wala ka nang pakialam.Magpapasya kang
hindi na muna mag-alala,
hindi na muna magmalasakit,
hindi na muna magmahal
dahil ang sakit na naidulot sa'yo,
ay ilang araw ding puno ng
luha at pighati.Ilang araw na wari'y
hindi ka makahinga
at nawalan ka ng
hanging nilalanghap.
Daig ang bugbog saradong
inabangan sa kanto
pati na ang
may malubhang karamdaman
na ayaw nang labanan ang sakit.Ngunit sa kabila ng iyon,
dumadating din
ang bagong mga araw.
Araw na may dalang
bagong pag-asa
na magiging maayos din
ang lahat.
Kung saan magbabalik
ang mga dapat madama.
Tunay na kaligayahan,
taos pusong pagmamalasakit,
at totoong pagmamahal.Ika nga'y "Pagkatapos ng lungkot
(at pagkamanhid),
ay mayroon ding saya."
Parang isang bahaghari
pagkatapos ng isang unos.
Magpapasalamat ka
dahil nagising ka pang muli.
At doon mo masasabi
sa iyong sarili,
"May karapatan din akong lumigaya,
at ngayon na ang simula."

BINABASA MO ANG
Ang Paglalayag
Thơ caMga agam-agam, pagninilay-nilay at mga tula ukol sa mga bagay-bagay na nararanasan sa ating paglalayag sa karagatan na kung tawagin ay buhay, sa madaling salita -- hugot!