Ngayon

8 0 0
                                    

Ngayong araw na ito magsisimula ang panibagong kabanata,
unang araw ng iyong bagong buhay,
buhay na hindi mo akalaing makakamit,
buhay na iyong pinagsikapang marating simula ng ika'y maging g
Ginoo.

Simula na ng mga umagang noo'y pinapangarap lamang,
Umagang magsisimula sa mga ngiti at pagbati ng "Magandang Umaga mahal",
simula na ng mga umagang kasama ang iyong sinisinta,
siyang piniling makasama sa hirap man o ginhawa.

Mga gabi'y hindi na pinapalipas ng nag-iisa,
mga gabing nawaglit ng kalungkutan, mga gabing hindi na matamlay
sapagkat kapiling na ang nagpapaligaya sa iyong buhay.

Ang aking tanging hiling ngayon, nawa'y maging masaya ang inyong pagsasama,
puno ng pag-ibig at buong pagtitiwala,
at kahit ano mang bagyo o pagsubok, ang pagsasama niyo ay maging mas matatag
at 'di kailanman mabubuwag.❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang PaglalayagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon