Kabanata 03: Ako pa ngayon ang masama

49 12 1
                                    

Content Warning: The following chapter contains potentially sensitive materials, including but not limited to [language]. Reader discretion is advised.

Reminder: This story is comprised of obscure and uncommonly used words, phrases or languages. Readers may need to refer to the translation provided in the comments.











Lamina

Halos malaglag ang puso niya, sa pagkabigla. Isang taong nanggigitata ba naman ang nadatnan niya. Magulo at basa ang buhok nito, may pasa sa gilid ng bibig at madungis ang mukha. Nangingitim din ang pula nitong kamisa, bunsod ng dumi at pawis. Tulad ito ng isang batang paslit na sa kung saan-saan nagsuot.

Hindi niya ito nakikilala at lalong 'di niya alam kung bakit ito naroon at kung paano siya nito natunton. Nag-iisa lang ang binata, gayunman, masama pa rin ang pakiramdam niya. Malalagay na naman ba siya sa panibagong gusot?

Bigla pa itong humakbang, palapit sa kaniya. Dahilan upang bunutin na ni Lamina ang dala niyang sandata. Huminto naman ang lalake. Sino ba ang hindi, kapag natutukan ng patalim sa mukha? Nakataas na nga ang mga palad nito sa hangin.

“Sino ka… anong ginagawa mo rito!” agad niyang tanong.

Bagamat tila wala itong balak na sumagot. Nanlaki lamang ang mga mata ng binata subalit nanatiling tikom ang makapal nitong mga labi.

Nilakasan pa ni Lamina ang kaniyang tinig. “Sumagot ka!”

Napalunok muna ito, bago nagsalita. “Na-Napadaan lang."

Naningkit ang mga nag-aalangang mata ni Lamina. Iba kasi ang sinasabi nito sa kaniyang kutob.

“Magsabi ka ng totoo."

“Totoo ang sinasabi ko.”

Mahirap ang magtiwala lang sa kahit na kanino. Hindi niya batid, kung anong uri ito ng tao at kung ano ang maaari nitong gawin sa kaniya. Mabuti na ang maging maingat. Pigil-hininga siyang nagbantay at itinitig ang bilugan at itim niyang mga mata, sa lalake. Dapat lang na 'di siya magpabaya, kahit na sandali, lalo na't buhay niya rito ang nakataya. Kailangan niyang maging handa, sakaling may maganap ngang hindi maganda.

Gayunpaman, mistulang pinasok nang daga ang dibdib niya sa kaba. Namamasa na rin ang mga palad ni Lamina at nangangawit naman ang bisig. Huwag lang sana siyang mahalata. Hinigpitan pa niya ang hawak sa patalim.

Muli niya rin itong kinausap. “Huling pagkakataon, bakit ka nandito?” Nais lang sanang makatiyak ni Lamina; hindi sumagi sa isip niya ang sunod na ginawa nito.

Napabuntonghininga ang lalake at nagtaas ng tinig, “Ang hirap mo namang kausap, sinabing-”

Datapwat naudlot ang pagngawa nito ng ungol. Paano'y hindi siya nakapagpigil at natadyakan ito sa tiyan. Pagsalitaan ba naman siya ng gano'n. Nilakasan talaga niya ang sipa. Nakatuwad na nga ang hambog sa lupa na gaya sa taong dumadalangin sa poon.

“Sumagot ka nang maayos!”

Kaagad namang bumangon ang binata nang marinig muli ang kaniyang tinig. Bagaman, nakababa pa rin ang ulo at inuubo. Baluktot din ang likod at nakahawak sa sikmura. Bahagya rin itong umurong palayo, sa kaniya.

“Maniwala ka, wala 'kong balak na masama," malumanay nitong tugon. Mukhang natuto naman ang hangal.

Nanahimik at pinagmunihan muna ni Lamina ang gagawin. Hindi naman ito nagsayang ng pagkakataon at agarang nagpaliwanag. Sinubukan niyang pakinggan ang lalake nang isinalaysay nito ang mga naganap. Simula nang may tinulungan itong matanda na kasapakat pala ng mga tulisan, hanggang sa maligaw at magpalaboy-laboy na ito sa gubat.

Sa Pagitan ng DilimWhere stories live. Discover now